Search
  • BULGAR

15-65 anyos, puwede nang lumabas

ni Lolet Abania | October 16, 2020



Papayagan nang makalabas ng bahay ang mga edad 15 hanggang 65 kasabay ng pagbawi ng gobyerno sa nanghihinang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya ng COVID-19.


Ito ang ipinalabas na anunsiyo ngayong Biyernes ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos isang araw na ayusin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) ang bagong age group na pahihintulutang makaalis na ng bahay.


“Local government units may impose a higher age limit for minors, depending on the COVID-19 situation in their respective jurisdictions,” sabi ni Roque.


Una rito, ang mga edad 21 pababa, 60-anyos pataas, buntis at mayroong mga immunodeficiency, comorbidity o may health risks problem ay dapat na manatili lamang sa bahay.


Subali’t ang mga bumibili ng essential goods at iba pang pangangailangan, at mga nagtatrabaho sa pinayagang mag-operate na industriya ay maaaring makalabas.


Noong Lunes, napagdesisyunan ng mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na unti-unting palawakin ang age group ng papayagang makaalis ng bahay.


Gayundin, sinang-ayunan ng cabinet members ang pagpapaiksi ng curfew hours at pagkakaroon ng maraming work shifts para sa karagdagang empleyadong nagtatrabaho upang patuloy na umangat ang ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa rito, dahan-dahang ini-expand ang mga establisimyento at negosyo na nagbubukas at bilang ng kapasidad nito ng 75 hanggang 100 porsiyento, at pagpapatupad ng polisiyang one-seat-apart sa mga pampublikong transportasyon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.