Search
  • BULGAR

144,000 face shields, donasyon ng Japan sa ‘Pinas

ni Lolet Abania | September 6, 2020



Nagkaloob ang Rotary Club of Japan ng 144,000 face shields bilang donasyon sa bansa na makatutulong sa paglaban sa nakamamatay na sakit na COVID-19, ayon sa Philippine Consulate General sa Nagoya.


Sa mensaheng ibinigay ng Deputy Consul General sa Nagoya na si Jerome Castro kay Chairman Tetsuzo Fukuda ng Rotary Club of Nagoya-Wago, ang tinanggap na donasyon na fully loaded 40-foot container ng face shield ay nakatakdang ipadala sa Pilipinas mula sa Port ng Nagoya sa ikatlong linggo ng Setyembre.


Labis ang pasasalamat ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V sa Rotary Club of Japan, na ayon sa kanya, magiging malaking tulong ito sa proteksiyon ng kalusugan ng mga Pinoy sa panahon ng pandemya, sa kooperasyon ng Department of Health (DOH) at Rotary Club of the Philippines, partikular ang Rotary Club ng Quezon City.


Gayundin, pinuri ni Laurel ang samahan ng dalawang bansa dahil sa patuloy na pagkakaroon ng brotherly ties sa pagitan ng mga Filipino at ng mga Japanese sa paglaban sa kumakalat na Coronavirus.


Samantala, sa koordinasyon ng Rotary Club of Quezon City na pinamumunuan ni Rene Cantos at dating Rotary Club Gov. Rep. Bernadette Herrera Dy, kasama si DOH Usec. Ma. Carolina Vidal-Taino, hepe ng DOH Donations Team na si Dr. Miko Amansec, DFA Usec. for Civilian Security and Consular Concerns na si Atty. Brigido J. Dulay, DFA Ass. Sec. for Asia and Pacific Affairs na si Meynardo Montealegre at DTI Special Trade Rep. Dita Angara Mathay, naging posible ang donasyon ng Japan sa bansa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.