Search
  • BULGAR

140 moviegoers pumila nang buksan ang sinehan sa Iloilo

ni Lolet Abania | August 2, 2020



Nasa 140 ang pumila sa sinehan para manood ng pelikulang “Train to Busan: Peninsula” sa Mandurriao sa Iloilo City.


Matapos na ipasara ng mahigit sa tatlong buwan dahil sa banta ng coronavirus ang mga sinehan sa naturang lugar, muling binuksan ito sa publiko.


“The moviegoers are very excited already to catch 'Train to Busan: Peninsula,' and we are very blessed and lucky to be granted a permit by Pioneer Productions and, of course, our city government," sabi ng manager ng marketing and business development ng Mega World lifestyle malls na si Karmela Alexandra Jesena.


Gayundin, nagpapatupad ang sinehan ng mga health protocol tulad ng pagpila ng manonood na may physical distancing, pagkuha ng body temperature at pag-sanitize ng kanilang kamay bago pumasok sa movie house.


Kinailangan din ang pag-fill up ng form ng mga manonood tungkol sa travel history, medical status at iba pang covid-19 na katanungan bago pumasok sa sinehan.


Ipinaiiwan din ang mga cellphones ng manonood na inilalagay sa storage kapalit nito ang number card habang nasa loob ng sinehan. Ibabalik ng moviegoer ang number card para makuha ang kanilang mga cellphones matapos ang panonood nila at bago lumabas ng sinehan.


“We want to ensure that everyone will have a good time and of course we’ll also protect the rights of the producers,” ani Jesena.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.