Search
  • BULGAR

12K sa sang araw lang, dagdag kaso ng COVID sa France

ni Lolet Abania | October 3, 2020



Nagtala ang France ng 12,148 bagong kaso ng Coronavirus sa loob lamang ng 24 oras at 150 naman ang namatay kahapon, ayon sa French health ministry.


Gayunman, mas mababa ito kumpara noong Huwebes na 13,970 cases at mahigit sa 16,000 na tinamaan ng COVID-19 noong nakaraang linggo sa loob ng isang araw.


Sa ngayon, may kabuuang bilang na 589,653 ang infected ng virus sa France na patuloy na tumataas nang magsimula ang pandemya.


Mayroon ding cumulative total na 32,155 na namatay sa sakit. Karamihan sa mga namatay ay nanggaling sa retirement homes, kung saan hindi agad naire-report.


Samantala, sa naiulat na 150 nasawi, 95 dito ay nagmula sa senior citizen homes na ilang araw nang namatay subali't kahapon lamang nai-report.


Gayundin, ang mga pasyenteng dinadala sa ospital dahil sa Coronavirus ay tumaas ng 106 hanggang 6,758 kada araw at ang ipinapasok sa intensive care unit ay 11 hanggang 1,276 na posibleng madagdagan pa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.