Search
  • BULGAR

12, arestado sa pagbubukas ng gym sa QC kahit GCQ

ni Thea Janica Teh | August 24, 2020



Pinasok ng awtoridad ang isang gym sa Quezon City Linggo ng gabi matapos malamang nagbubukas pa rin ito kahit ipinagbawal ng pamahalaan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).


Pinasok ng miyembro ng Task Force Disiplina sa pangunguna ni Rodolfo Leyco Jr. ang nasabing gym sa Barangay Holy Spirit. Naabutan ng mga ito na may nagbubuhat pa ng walang suot na mask. Umabot sa 12 ang inaresto.


Agad na nagsuot ng face mask ang mga naabutan sa loob. Karamihan sa mga ito ay nagsabing hindi umano nila alam na pinagbabawal sa ilalim ng GCQ ang pagbubukas ng gym.


Samantala, hindi naman naabutan ng awtoridad ang may-ari ng gym ngunit nahaharap pa rin ito sa mga nilabag na batas.


Ang mga naabutan sa gym ay agad na dinala sa Batasan Police Station at mahaharap sa paglabag ng Republic Act 13332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Publc Health Concern Act.


Pansamantalang ipinagbawal ang pagbubukas ng gym hanggang katapusan ng Agosto sa ilalim ng GCQ ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.