Search
  • BULGAR

12-anyos uminom ng lason, dedbol

@Balitang Probinsiya | October 5, 2020



GUIMARAS—Isang 12-anyos na batang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng lason kamakalawa sa Bgy. Calaya, Nueva Valencia.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima na residente sa nasabing barangay.


Nabatid na kapatid ng biktima ang nakatagpo sa naghihingalong biktima habang bumubula ang bibig sa likod ng kanilang bahay.


Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Napag-alamang napagalitan ng kanyang ina ang biktima at maaaring ito umano ang dahilan kaya ito nagpakamatay.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.