Search
  • BULGAR

11 lugar isasailalim sa granular lockdown — Galvez

ni Lolet Abania | October 8, 2020





Ipapatupad ang "granular lockdowns" at hindi stricter quarantine sa mga high-risk areas ng Coronavirus, ayon kay Sec. Carlito Galvez, chief implementer of the government's response against COVID-19.


Sa ginanap na Palace briefing kanina, ipinahayag ito ni Galvez matapos na imungkahi ng OCTA Research team na isailalim sa stricter quarantine classification ang 11 lugar sa bansa na itinuturing na mas mataas ang tsansa na tamaan ng virus.


"Ang ginagawa po natin granular (lockdown),” sabi ni Galvez nang tanungin sa rekomendasyong isailalim ang 11 lugar sa stricter quarantine o enhanced community quarantine (ECQ).


“’Yung malakihang ECQ is not sustainable. Nakita namin ‘yung presentation ng NEDA na napakalaki ng epekto kapag ginawa natin ‘yung draconic lockdown,” dagdag niya.


Ayon kay Galvez, sasabayan ang granular lockdown ng syndromic surveillance, kung saan hahanapin ang maaaring kaso ng COVID-19 sa mga naging close contact ng infected na pasyente.


Sa report noong October 6, iminungkahi ng OCTA Research team sa pamahalaan na ipatupad ang stricter quarantine classifications sa 11 lugar, base sa datos na naitala mula August 25 hanggang October 5.


Siyam na lugar na itinuturing na high-risk dahil lumalabas na sa daily attack rate kada 1000, mas mataas ng 1.0 porsiyento ang naging infected ng virus at ang rate ng tinamaan ng COVID-19 sa kasalukuyang linggo ay higit pang tumaas kumpara sa pinagsamang dalawang linggong nakalipas na naitalang kaso.


Ayon sa OCTA Research team, ang mga high-risk areas sa COVID-19 na kailangang isailalim ng gobyerno sa stricter quarantine ay ang mga sumusunod:

  • Benguet (including Baguio City)

  • Davao Del Sur (including Davao City),

  • Iloilo (including Iloilo City)

  • Misamis Oriental (including Cagayan de Oro)

  • Nueva Ecija

  • Quezon

  • Pangasinan (including Dagupan)

  • Western Samar

  • Zamboanga Del Sur (including Zamboanga City)


Gayunman, pahayag pa ng mga eksperto, kahit na ang Cagayan at Isabela ay maituturing na nasa low-risk areas dapat pa ring ilagay sa stricter quarantine classifications dahil limitado ang healthcare facilities ng dalawang lugar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.