Search
  • BULGAR

11 katao, sugatan sa pag-araro ng bus

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 5, 2020


Inararo ng isang pampasaherong bus ang ilang motorsiklo sa Osmeña Highway, Makati City ngayong Biyernes ng umaga at ayon sa pulisya, 11 ang sugatan sa insidente.



Ang bus na may plakang TYF 328 ay bumangga sa isang kotse at ilang motorsiklo nang huminto ang mga sasakyan sa traffic light sa northbound lane ng Osmeña Highway sa Barangay Pio Del Pilar.


Ayon sa driver ng naturang bus na si Marlon Nacaytona, 29 years old, hindi umano gumana ang brake nang tapakan niya ang pedal nito. Ang mga sugatan sa naturang insidente ay isinugod sa Ospital ng Makati, Makati Med at St. Luke’s Global.


Ayon kay Makati Police chief Colonel Oscar “Jack” Jacildo, mayroon ding opisyal ng Philippine Coast Guard na isa sa mga motorcycle rider na sugatan sa insidente.


Patuloy pa ring iniimbestigahan ng awtoridad ang pangyayari at nasa kustodiya na ng Makati Police si Nacaytona at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries and damage to property.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.