top of page
Search

10 yrs. na raw nagsasama… NIÑO, TANGGAP NA 30-ANYOS LANG ANG DYOWA NG 82 YRS. OLD NA PADIR

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 8, 2024



Showbiz Photo

Marami ang nag-react sa ibinunyag ni Niño Muhlach na may karelasyong 30 years old ang kanyang dad na si Alex Muhlach na ngayon ay 82 years old na. 


Okay naman kay Niño ang pagkakaroon ng mas batang girlfriend ng kanyang Daddy Alex. Nakikita niyang inaalagaan nang husto ang kanyang dad at masaya sila sa kanilang relasyon. 


Ten years nang nagsasama si Alex at ang karelasyon niyang si Mae Fortaleza. Kasundo naman ito ng lahat ng anak at apo niya. 


Naiintindihan naman ni Niño ang kalagayan ng kanyang ama. Kailangan nito ang isang taong magmamahal at mag-aalaga sa kanya at pasado ito bilang madrasta. 


Nagabayan siya noon ng kanyang Daddy Alex noong siya ay nagsimulang child actor at ngayon ay si Niño naman ang nagga-guide sa career ng mga anak na nag-aartista na rin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page