- BULGAR
10 bahay tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | October 4, 2020
BUTUAN CITY—Sampung bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. San Ignacio.
Ang sunog ay nagmula sa bahay na pagmamay-ari ni Christopher Sataga sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Sataga at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay nasunog ang siyam pang kabahayan.
Nabatid na wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng sunog at malaman ang halaga ng napinsala ng apoy.