Search
  • BULGAR

10 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Bacolod City

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Umabot na sa 45 ang kaso ng COVID-19 sa Bacolod City matapos magpositibo ang sampu nitong Linggo.


Siyam sa 10 positibo rito ay mula sa mga na-stranded na nakabalik na sa Bacolod, samantalang ang isa ay kabilang sa repatriated Overseas Filipino Worker.


Sa ngayon, nasa quarantine facility na ang mga ito. Bukod pa rito, isang 23-anyos naman ang nagpositibo sa Himamaylan City, Negros Occidental na bagong kaso rin ng lalawigan. 78 na ang total na nagpositibo sa bayan ng Negros Occidental.


Ibinahagi ni Governor Eugenio Jose Lacson na inaprubahan na ng National Inter-Agency Task Force ang 2 linggong suspensiyon sa lahat ng biyahe papuntang Region 6.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.