Search
  • BULGAR

10,840 Pinoy abroad, may COVID-19

ni Lolet Abania | October 6, 2020



Umabot na sa 10,840 overseas Filipino workers (OFWs) ang tinamaan ng COVID-19 matapos magtala ng panibagong karagdagang kaso na 291, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Sa pinakahuling datos ng DFA, umabot sa 6,903 ang narekober sa virus sa ngayon, matapos na 153 Pinoy abroad ang gumaling sa respiratory illness. Gayunman, tumaas ang bilang ng mga namatay na 798.


Sa Middle East – Africa, nananatili ang lugar na mayroong pinakamaraming kumpirmadong kaso ng Coronavirus ng nagtatrabahong Pinoy dahil may bilang itong 7,127, ang mga nasawi ay 516 at 4,300 ang nakarekober.


Sa Europe, mayroong 1,201 infected na OFWs, 95 ang namatay at 939 ang gumaling. Sa Asia Pacific Region, 1,702 ang naitalang Pinoy na tinamaan ng virus. Siyam ang nasawi habang 1,198 ang nakarekober.


Sa mga bansa sa America, 810 ang nai-record na kaso na may 178 namatay at 466 ang gumaling.


“The DFA, together with its Foreign Service Posts, continues to partner with host governments to ensure the safety and well-being of Filipino nationals abroad amid the pandemic,” pahayag ng ahensiya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.