Search
  • BULGAR

1 patay, 3 sugatan sa grupo ng PHL Marines kontra NPA sa Palawan

ni Lolet Abania | July 13, 2020




Nagkaroon ng engkwentro ang Philippine Marines at New People's Army kaninang hapon sa Palawan.


Ito ang kinumpirma ng spokesperson ng 3rd Marine Brigade na si Capt. Orcholin Bobis. Naganap ang engkwentro bandang alas-3:30 ng hapon sa Sitio Ibangley, Taytay, Palawan. Tumagal ng 10 minuto ang sagupaan at palitan ng putok sa pagitan ng PHL Marines at NPA, kung saan sa lugar ding iyon tinambangan kahapon ang hepe ng Dumaran Police na masuwerteng nakaligtas.


Isang PHL Marine ang namatay at tatlo pang sugatan sa tropa ng gobyerno habang nakikipaglaban sa NPA. Mabilis na nag-alpasan ang mga NPA matapos ang engkwentro.


Inamin naman ng Bienvenido Vallever Command, grupo ng NPA, na sila ang nakaengkwentro ng Philippine Marines.


Sinusuyod na ngayon ng tropa ng Marines ang pinangyarihang lugar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.