Search
  • BULGAR

1 drug pusher patay, 2 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Bicol region

ni Twincle Esquierdo | August 5, 2020




Patay ang isang drug pusher habang arestado naman ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon sa Bicol region sa kalagitnaan ng Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga.

Ayon Colonel Roderico Roy Jr., director of the Camarines Sur police, nagpadala sila ng search warrant laban kay Dian Pascual, 8 p.m nitong Martes sa Barangay Sta. Cruz Sur, Iriga City sa Camarines Sur province ng biglang magpaputok ng baril ang suspek na naging dahilan kaya gumanti ng putok ang mga pulis.

Si Pascual ang isa sa mga target ng pulisya, nakuha sa kanya ang caliber .38 revolver kasama ang dalawang live ammunition, medium sachet at dalawang maliit na sachet na pinaghihinalaang shabu.

Sa Canaman, Camarines Sur arestado naman ang drug suspek na si Virgilio Navidad, 62-anyos, sa Barangay San Agustin, 9:50 p.m. nitong Martes , nasamsam ang 11 sachet ng shabu, aluminum foil at tooter na may bakas ng shabu.

Sa Catanduanes, Barangay Concepcion, Virac arestado si William Tablete 37-anyos, 3:15 am nitong Miyerkules, nasamsam ng mga awtoridad ang 19 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng Php80,000 ayon kay Major Antonio Perez, chief of Virac police.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.