top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 15, 2021



ree

Nag-react si Ellen Adarna sa fake news na lumabas na pinagbayad lang daw siya ng utang ni Derek Ramsay.


Ipinost ni Ellen ang screenshot ng news item na lumabas at sa itaas nito ay sinagot niyang hindi raw siya pangit para maging sugar mommy.


“Alam naman ng lahat na 'di ako pangit para maging sugar mommy, lol! If ganyan…I just left gwapa ko ang peg lol bye felicia.”


Sa bandang dulo ng IG Story ay mapapanood din na nagbigay ng kanyang statement si Derek tungkol dito.


“Wala po akong utang, I don’t make utang,” sey ng aktor.


May nagtanong din na netizen ng “What if Derek cheats on you, will you forgive and still accept him?”


Sagot ni Ellen, “No, no, no!”


Singit naman ni Derek, “No, I will not cheat on you.”


Paninita pa niya sa netizen na nagtanong, “Why talk about negativity?”




 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 14, 2021



ree

Labis naming ikinalungkot ang balitang kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19 ang dating aktres at ngayo’y bokal (board member) ng 3rd District ng Laguna na si Angelica Jones at ang kanyang pamilya.


Sa kanyang Facebook page, ipinaalam ni Angelica ang malungkot na balitang nagpositibo siya sa nasabing killer virus gayundin ang 62-year-old mom niyang si Beth Jones at ang 8-year-old son na si Angelo. Kasalukuyan silang naka-confine sa ospital at ang mommy niya ay nasa ICU (intensive care unit).


“Me, my mom and Angelo are positive of COVID-19.


“Humihingi kami po ng inyong patuloy na dasal, malampasan namin itong pagsubok. PLEASE PRAY FOR MY MOM Beth Jones, NASA ICU po siya,” ang post ni Angelica.


Nagbahagi rin ang dating aktres ng larawan nila ng kanyang anak habang nasa hospital bed.

Dagdag pa niya ay may pneumonia raw sila ng ina, bukod pa sa may asthma siya.


Matatandaang sumikat si Angelica noong 2003 at binansagang Miss Flawless. Naging leading lady siya ni Vhong Navarro sa pelikulang Mr. Suave.


Dasal namin ang paggaling ni Angelica at ng kanyang pamilya.




 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 13, 2021



ree

Sa kanyang latest YouTube vlog ay sinagot ni Kim Chiu ang most searched questions sa kanya sa Google. Naaliw nga kami sa panonood dahil karamihan sa mga tanong sa kanya ay mga basic information about her, like ano ang height niya, ano ang favorite food niya, ano ang zodiac sign niya, saan siya na-discover, half-Chinese ba siya, etcetera.


Tawa nang tawa si Kim sa tanong na “How is Kim Chiu?” at pati kami ay natawa sa sagot niya.

Aniya, nakaka-touched naman daw na kinukumusta siya ng mga tao kay Google.


“Ang sweet naman ng mga tao, kinukumusta nila ako kay Google. Oh, naiiyak ako, they’re so sweet,” sey ni Kim.


“Siguro, hindi nila ako makumusta as myself, tinanong na lang nila si Google kung kumusta ako. Ah, the cutest! Okay lang po ako, maraming salamat,” dagdag niya na natatawa rin.


“Grabe, most searched question, ‘How is Kim Chiu?' I’m okay, I’m fine, I’m happy and thank you for asking Google kung how am I. I’m fine, thank you.


“Okay naman me. Siguro, kaya most searched ‘to, ‘yung mga nangyari sa akin last year. Kung kumusta ako. But I’m okay. After one year, ‘eto po tayo, alive na alive and kicking, thank you, Lord,” sey pa niya.


Isa rin sa mga tanong na napasigaw pa si Kim ay kung kasal na raw sila ni Xian.


“Mukha lang because we love each other,” natatawang sagot ni Kim. “But we are not yet married. We are in a relationship. Wala pa naman kami roon. So, let’s see.”


Siguro raw, kaya naitatanong ‘yun ay dahil ang tagal na nila together ni Xi.


May tanong din kung ‘together’ pa ba sila ni Xian at ani Kim, “Oo naman, ba’t naman hindi? Yes, we are still together and very much happy, all these years. Thank you, Xi.”


Isa rin sa mga tanong ay kung nakakapagsalita ba siya ng Chinese kaya nagparinig si Kim ng pagsasalita niya ng Mandarin. Pero Fookien daw ang madalas nilang ginagamit na salita.


“Malaking Chinese blood sa amin, tapos pina-follow namin ang Chinese tradition dahil sa lola ko.


“So, mas madali akong umintindi ng Fookien which is madalas na ginagamit dito sa Pilipinas. Pero 'pag umalis ka na ng Pilipinas, ang ginagamit na talaga is Mandarin and Cantonese. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masyadong natutunan mag-Mandarin,” aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page