top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 25, 2021



ree

Puspusan na ang paghahanda ng bumubuo ng highly-anticipated live-action TV series ng Kapuso Network na Voltes V: Legacy para sa first leg ng kanilang locked-in taping.


Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Direk Mark Reyes na nakapag-check-in na sa hotel ang ilang cast members ng series nitong Biyernes (May 21) upang sumailalim sa quarantine bago opisyal na simulan ang kanilang taping.


Kasama sa post ang kakalaban sa team Voltes V na Boazanian gang na kinabibilangan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez), kasama rin ang executive producer ng series na si Darling Torres.


Ani Direk Mark, "We start our hotel quarantine today. In a few days, we'll finally start production on Voltes V: Legacy! #newnormal #safetyprotocols #letsvtogether #theboazaniansarecoming.”


Iikot ang kuwento ng Voltes V: Legacy sa tatlong magkakapatid na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho) kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson (Ysabel Ortega) at Mark Gordon (Radson Flores) na may misyong labanan ang humanoid aliens na Boazanians na planong sakupin ang mundo.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 22, 2021



ree

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinanong ni Edward Barber ang ka-love team na si Maymay Entrata kung ano ang naramdaman nito sa mga kontrobersiyang lumabas tungkol sa kanya last year.


Matatandaang noong nakaraang taon ay ginulat nila ang kanilang MayWard fans nang mag-issue sila ng joint statement tungkol sa estado ng kanilang relasyon at dito ay inihayag nga nilang hanggang magkaibigan lang sila.


Pagkatapos nito ay sari-saring espekulasyon na ang mga netizens at inisip na may ibang girlfriend si Edward although wala naman silang napatunayang totoo nga ito.


Sa finale episode ng online show ni Edward na Kwentong Barber sa KUMU last Wednesday, for the first time ay napag-usapan nila ang mga issues last year at si Edward ang nagbukas ng topic.


Simula ng aktor, “2020, crazy year. A lot of stuff was said about me, a lot of stuff was rumored about me. Yeah, a lot of things. And I’m looking back on it right now, and it was a process together to just get over, to just think about. Ano ‘yung thoughts mo about that?


“Going through that, especially when all these things were said, how did you feel about that then? Kasi I never asked you. I never got to talk to you about it. A lot of things that were not true were said, I never got to really clear up everything with you.”


Hindi agad nakasagot si Maymay. Aniya, “Wow, biglaan ‘to” at nagbiro ng “Tito Boy (Abunda), ikaw ba ‘yan?”


Pero pagkatapos nito ay seryosong sinagot ni Maymay ang tanong ni Edward.


“As a friend mo na kilala ka na since 2016, nakita kitang alam mo ‘yun, na na-experience mo ‘yung last year na nakita kitang sobrang hirap na hirap ka kung paano mo i-handle ‘yung pressure, ‘yung rumor na ‘yun, ‘yung mula sa ‘yo.


“Sobrang na-feel bad ako, alam mo ‘yun? Mula nang nakita ko ‘yun, talagang pinagtrabahuhan nating dalawa kung ano ba ‘yung magagawa ko para lang ma-stop ‘yun.


“Pero ‘yun nga, kahit ano'ng gawin natin, kahit ano'ng sabi natin, may iba talaga na hindi tumitigil.


“Kasi, gaya ng sinabi mo, hindi naman talaga natin nabigyan ng chance na i-open-up natin ‘to kahit sa personal. Hindi ko alam kung ano ‘yung buong nangyari talaga. Bigla na lang nag-pop out ‘yung mga rumors na ganu’n,” ani Maymay.


Patuloy niya, dahil kilala nga niya si Edward, alam daw niyang hinding-hindi nito magagawa ang mga ibinibintang ng mga tao na hindi na nila idinetalye pa.


“At siguro, gusto ko ring sabihin sa ‘yo na ang importante ay kaming mga naniniwala sa 'yo at kilala ka. Siguro, importante na enough na 'yung alam namin 'yung totoo at ‘di mo na kailangan na gawin pa ang mga bagay para lang makapagpasaya ru’n sa mga tao, kung ano ‘yung approval nila. Kasi kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi mo lahat mapi-please talaga,” sey ni Maymay.


Inamin ng dalaga na habang may pinagdaraanan si Edward ay wala siya sa tabi nito dahil may hindi sila pagkakaintindihan. Kaya naman, humingi siya ng sorry sa ka-love team.


“Gusto ko ring humingi ng pasensiya sa 'yo kung hindi enough 'yung bilang isang kaibigan na paano kita poprotektahan. Kasi nu'ng time na 'yun, may hindi tayo pagkakaintindihan, alam mo ‘yun? Tapos, nangyari sa 'yo 'yun. Sorry, kung wala ako roon sa time na sobrang…” sabi ni Maymay.


Sey naman ni Edward, “You did nothing wrong. You did everything right. Even when we worked together sa movie, you had my back. You supported me. And thank you for that. Hindi mo alam 'yung weight na na-lift sa chest ko after hearing those words."


Ayon pa sa binata ay siya raw ang may pagkakamali.


“I've made my own mistakes, realizing stuff through failure and it’s one of the reasons why until now, there are certain things I have struggles forgiving myself for.


“One of them is putting you in a situation where you got hurt or other people got hurt and there are reasons why I have to find my forgiveness in God,” ani Edward.


Humingi rin ng sorry ang aktor sa ka-love team.


“From the bottom of my heart, I’m really sorry that I allowed you to be put in a situation like that or that you had to go through that,” sey ni Edward kay Maymay.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 05, 2021



ree

Nakatakdang magbigay ng tribute si Willie Revillame sa mga namayapang komedyante na sina Kim Idol at Le Chazz na naging bahagi ng kanyang programang Wowowin.


Matatandaang pumanaw si Kim Idol nu'ng Hulyo, 2020, habang si Le Chazz naman ay natagpuan na lang na wala nang buhay sa kanyang bahay nitong May 1, 2021 lang.


Sa kanyang programang Wowowin last Monday ay inalala ni Kuya Wil ang dalawang komedyante. Bakas ang kalungkutan sa mukha ng TV host.


“Noong isang araw, kausap ko lang. Noong isang araw, nagpapatawa sa 'yo. Last February 13, nandito, nasa Wil Tower, nagpapasaya. Tapos, mababalitaan mo, wala na.


“Gusto ko lang ho magbigay ng kumbaga, pasasalamat sa kanila, kasama ko on and off the camera. Masasayang kasama.


“Nakakalungkot, eh. Nami-miss ko 'tong mga 'to.


“Kasi magaling 'tong batang 'to, eh, mabait, walang negative. Pumanaw na ho siya… Siya po ay nagpaalam na sa atin. Pero 'yang episode na 'yan, 'yun po 'yung February 13. Sa Wil Tower pa po kami, kasama si Donita (Nose) at si Jennie,” pag-alala ni Willie kay Le Chazz.


“Nakasama rin namin si Kim Idol. Si Kim Idol din po, namaalam na pero during that time na siya ho'y namaalam, ang ganda ng ginagawa niya. Siya'y isang frontliner. Tumutulong po siya sa maysakit. Siguro ho, ayun nga nangyari, nahawahan din siya. Bigla-bigla din ho lahat,” pagbabahagi ni Willie tungkol naman kay Kim Idol.


Kaya naman ngayong Biyernes, May 7, ay nakatakda silang maglabas sa Wowowin ng isang tribute para sa mga nakasamang yumaong komedyante.


“Sumulat po sa akin si Le Chazz. Meron ho siya sa aking sulat bago siya namatay. Ipapakita ko sa Friday. Personal niyang sulat, 'Para sa 'yo, Kuya Willie.'


“Nami-miss ko 'yung dalawang 'to. Napamahal sa akin 'tong dalawang 'to, eh. 'Pag nag-a-out-of-town ako, kasama ko sila. Isang tawag mo lang, nand'yan sila. Kasi gusto ko, sumasaya sila.


“Eto po si Kim Idol at ito si Le Chazz, naging parte po sila ng programang Wowowin,” sey pa ni Willie.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page