top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 01, 2021



ree

Sumabak si Kim Chiu sa "Truth or Drink" challenge sa kanyang latest YouTube vlog. May mga questions siyang sasagutin at ‘pag hindi niya masagot ay iinom siya ng iba’t ibang inumin na inihanda ng kanyang team tulad ng toyo, soju, vinegar, brandy, wine, hot sauce, etc..


'Kaaliw ang mga tanong sa kanya tulad ng nagpautang na raw ba siya sa boyfriend or naging boyfriend niya.


Sagot ni Kim, “No, pasalamat na lang sa Diyos at mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila.”


Isa pang tanong ay kung nagka-jowa na siya ng pangit.


“Hindi, hindi ako nagdyo-jowa ng pangit.”


Sa tanong na kapag inalok siya na lumipat sa ibang network ay tatanggapin ba niya, sagot ni Kim, “Hindi, siyempre solid Kapamilya tayo. You know naman that Kapamilya is going through something. Together as one, we can do this together. One day, we’ll see the light after the dark.”

“Yes” naman ang sagot niya sa tanong kung umihi na ba siya sa swimming pool.


Ang lakas din ng “yes” niya nang tanungin kung na-cheat na ba siya, but of course, hindi na sinabi kung sino.


Nang tanungin naman kung sumuka na siya sa sobrang kalasingan ay umamin naman si Kim.

“Dalawang beses lang ako nag-iinom sa buhay ko nang wasak. Birthday o Pasko.”


Umamin siyang nalasing daw siya sa bahay ni Sir Deo Endrinal na head ng Dreamscape Entertainment.


‘Kaaliw ang sagot ni Kim sa tanong kung nasampal na ba siya nang totoo sa isang eksena at kung sino'ng artista ito.


“Ay, oo. Ok lang. Glydel Mercado, (sa) Sana Maulit Muli, first teleserye. Ang sakit talaga! Pero du’n ko naman hinugot ang acting ko, pero okay lang naman,” sey niya.


Dagdag pa niya, talagang todo-iyak siya after niyang masampal at gusto na niyang umuwi ng Cebu.


“Nagkulong ako sa kotse nu’n. After ng eksena, nagkulong ako, tumakbo ako sa kotse ko, Revo pa kotse ko nu’n. Tapos, cryola talaga ako. Gusto ko nang umuwi ng Cebu dahil sa sampal. Buti na lang, napigilan ko ‘yung self ko,” aniya.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 31, 2021



ree

Sinagot ni Angeline Quinto sa kanyang latest YouTube vlog ang mga mean comments sa kanya ng mga netizens.


Sa Anilao, Batangas pa napiling mag-vlog ni Angeline at habang sinasagot ang mga bashers ay nagsasagwan siya ng bangka sa dagat.


“Usually guys, wala talaga akong violent reactions dahil nakakatawa naman ang pagka-mean ng mga bashers! Sanay na ‘kong ma-war shock! Pero try natin kung masisira ba nila ang panatag na tubig ng Anilao sa mga mean comments na babasahin ko, enjoy guys!” pahayag ni Angeline sa description box.


Ang unang komentong binasa niya ay nilait ang kanyang ugali na dapat daw ay ipinaretoke rin niya.


Mensahe ni Angeline sa basher, “Kung puwede nga lang iparetoke rin ang ugali, ginawa ko na! Pero kung gusto mo, sabay tayo, mas maganda ‘yon!”


Isa pang nakakalokang comment sa kanya ay mukha raw siyang kilikili ng pinaputi ng harina ni Dra. Vicky Belo.


“Ha?? May harina ba sa clinic ni Dr. Belo? Tagal-tagal ko nang nagpapa-Belo pero wala namang silang ginagamit na harina roon,” sagot ni Angeline.


“Ang harina, marami sa palengke, sa Talipapa. Diyan ka maghanap ng harina. Sa clinic ni Dr. Belo, waley!” sey pa niya.


Sinagot din ni Angeline ang komento na si Julia Montes ang bagay kay Coco Martin at hindi siya.


“Alam mo, Sophia (basher), kami ni Coco, maayos kaming magkaibigan. Maayos din naman kaming magkaibigan ni Julia. So, ngayon, bakit inuunahan mo si Kupido, ha? Marunong ka pa kay Kupido kung sino’ng bagay sa isang tao?” sagot ni Angeline.


Isa pang komento ay ang pangit daw ng pagkakagawa ng ilong niya at sagot ni Angeline, “Hanggang ngayon, nandiyan pa rin tayo sa ilong, hindi na natapus-tapos ‘yang issue tungkol sa ilong. Hindi nga ako nagpagawa.”


Kuwento pa ng singer, sinapak daw siya sa ilong ng isa niyang kaibigan na babae nu’ng 16 yrs. old siya kaya hindi raw talaga ito maganda.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 26, 2021



ree

Iba talaga ang karisma ni Sanya Lopez. Umabot na sa 10 million ang bilang ng followers ng aktres sa patok na social media platform na TikTok.


Sa kasalukuyan, siya na ang Kapuso star na may pinakamaraming followers sa TikTok! At talaga namang marami ang nag-aabang sa mga nakakaaliw na TikTok videos na ina-upload niya.


Aside from her TikTok videos, patuloy lang na tutukan si Sanya bilang Yaya Melody sa First Yaya gabi-gabi sa GMA Telebabad at tuwing Sabado bilang Maya sa Agimat ng Agila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page