top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 04, 2021



ree

Sa panayam sa kanya ni G3 San Diego para sa Mega Entertainment ay nag-open-up si John Lloyd Cruz tungkol sa pagiging ama sa 3-year-old son nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.


Dahil nga co-parenting naman ang setup nila ni Ellen kay Elias ay regular niyang nakikita’t nakakasama ang anak kahit hiwalay na sila. At ibinahagi nga ng aktor ang mga ginagawa nila together kapag magkasama sila ng bagets.


“We like to get lazy, especially at night, ‘yung winding down na and time for bed. I like those moments, ‘yung talagang galing kami sa buong araw na… very active kasi ‘yung bata, eh, and madalas, struggle. He’s about to turn three. Very active siya, so madalas hindi na siya nakakapag-nap in the afternoon. So, ‘pagka ganu’n, at you see him winding down at night, pipikit-pikit ‘yung mata niya, nilalabanan niya, ‘yun ‘yung gustung-gusto ko na parang alam mo na napagod siya today, so it’s a good day…” ang kuwento ni JLC.


When asked kung ano ang mga qualities ni Elias na nakuha sa kanya, unang sagot ni Lloydie ay “Ayokong makita sarili ko. Wala.”


Pero nang tanungin siya ulit, sagot ng aktor, “Bibig, mata. Meron siyang ginagawa sa bibig niya, sa mata na kakabahan ka, eh, kasi… Pero magbabago pa naman ‘yun. But he’s very stubborn like me and like the mother.”


For the first time ay nag-open-up din si Lloydie during those times na nalaman nilang nagdadalantao si Ellen at magkakaroon na sila ng baby.


“Hindi siya ganu’n kadali. Parang pampelikula lang pala ‘yung ano — ‘yung parang nalaman mo, parang, ‘Magiging tatay na ako!’. Para sa akin, hindi. I mean, kung ano ‘yung nangyari sa akin, hindi. To each its own. Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay ‘yan, ‘yung nangyari sa ‘yo. Pero para sa akin… We wanted it, eh. Alam naman na namin na it was going to happen,” he said.


Habang ipinagbubuntis ni Ellen si Elias, ayon kay Lloydie ay sabay-sabay din ang mga turn of events sa buhay nila.


“Ang daming nangyari at that time… like ‘yung father ni Ellen (Adarna) passed away two weeks before ipinanganak si Elias and she was going through motherhood, becoming a mother and our own personal issues. ‘Di ba parang lahat, ang daming nangyari? And halos walang time actually to reflect on what’s happening on a day-to-day basis. And I was going through my own…


“So, ngayon lang talaga nu’ng nakita mo na and humahaba na ‘yung mga araw —‘ di ba, parang ‘and’yan na siya. Totoong responsibility na. Oo, pupunta kayo ng doctor…


“So, siguro sa akin lang, it’s a process na — kapag kasi masyado ka na nagre-reflect about the process, para siyang ‘life happens when you’re so busy planning,’ para siyang ganu’n.


“But ‘pag may mga random or mga unexpected na conversations and you actually ponder on being a father, ‘yun lang naman talaga ‘yung time na mapapaisip ka na, ‘Oo nga, ‘noh?’


“Kasi napakaano niya, eh, matrabaho siya, so parang practical siya. It’s very physical as well, so nandu’n ka sa physicality of being a father, parang minsan lang naman ‘yung mapapaisip ka and mapapa-reflect ka na… it feels nice, ah,” pahayag ni Lloydie.


And now na 3 years old na si Elias, aminado ang aktor na proud daddy moments sa kanya nang matutong magsalita ng “please” at “thank you” si Elias.


“Pinaka-proud ako hearing him say ‘please’ and ‘thank you.’ ‘Yun lang naman ‘yung parang munting pangarap ko nu’ng ipinanganak siya na sana, matuto siya mag-‘please’ at ‘thank you,’” ani Lloydie.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 03, 2021



ree

Mukhang maisasantabi na muna ng mag-asawang Ice Seguerra at Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño-Seguerra ang matagal na nilang plano na pagkakaroon ng anak.


Sa virtual media conference ng PelikuLAYA Film Festival ng FDCP last June 1, nabanggit ni Chair Liza na pinag-uusapan talaga nila ngayong mabuti ni Ice ang tungkol sa pagkakaroon ng baby na matagal na nga nilang plano.


Medyo atubili sila na ituloy ang plano dahil sa law natin sa Pilipinas na mawawalan ng karapatan si Ice sa bata.


“Imagine, if we’re going to have a baby, so, pinag-uusapan po natin ngayon ito pong pagkakaroon ko po ng baby, kung papalarin po kami, it’s going to be Ice’s egg and I’m going to be the surrogate.


“But when this baby comes out, I’m going to be recognized as the mom, and Ice will have no right over our baby. Because wala pa po tayong surrogacy law. And for us, that is something we should think about po sa society,” ani Liza.


Unfair naman daw for Ice na anak nito ang bata pero wala siyang karapatan dito dahil dito sa atin, kung sino ang nagluwal ng bata ay ‘yun ang biological mom.


“And this is something that we’re thinking, pinag-uusapan po namin ‘to lagi, paano po namin mae-ensure ‘yung rights?” dagdag niya.


Sa ngayon ay pinag-iisipan nila na sa US na lang siya manganak if ever dahil doon ay kinikilala ang marriage nila.


“And Ice will be the father and we will be recognized nang normal. Pero dito po sa atin, ang daming magiging komplikasyon because of the situation,” she said.


Bukod pa nga rito ang pandemic na pinagdaraanan natin ngayon.


“Siyempre, lahat po tayo, may pinagdaraanang financial constraints, so, si Ice po, more than a year na rin pong walang work, so we’re both finding ways to maintain and sustain our life,” aniya.


Samantala, bilang selebrasyon sa Pride Month this June, FDCP will hold the 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online from June 4 to 30.


With the theme Sama-Sama, Lahat Rarampa!, this year’s PelikuLAYA aims to further empower the members of the LGBTQIA+ community through a lineup of local and international films, film talks and lectures, a drag yoga event, and musical performances.


Beginning June 4, a total of 23 subscription films can be viewed for only PHP 99 on the FDCP Channel (fdcpchannel.ph), including the seven PelikuLAYA titles that are available until June 30: Masahista by Brillante Mendoza, I Love You. Thank You by Charliebebs Gohetia, Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko by Gerardo Calagui, Miss Bulalacao by Ara Chawdhury, Ang Huling Cha-Cha Ni Anita by Sigrid Andrea P. Bernardo, Best. Partee. Ever. by HF Yambao, and Ned’s Project by Lem Lorca.


“The Film Development Council of the Philippines is relaunching PelikuLAYA this year as an annual LGBTQIA+ film festival organized by the national government as our way to express our continued support for gender equality and inclusivity by creating platforms to bring to light the struggles, celebrate the achievements, and champion the causes of the LGBTQIA+ community," pahayag ni Chair Liza.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 02, 2021



ree

Walang problema kay 2020 Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo na maging single mom din siya tulad ng kanyang lola at mommy. Ito ang pahayag ng beauty queen sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Boy Abunda Talk Channel online show.


Natanong ni Kuya Boy si Rabiya kung may fear ba siya na maging single mother tulad ng kanyang ina at lola.


Ayon kay Rabiya, of course, gusto niya siyempre ng kumpletong pamilya, pero kung hindi raw mag-work-out ang pagsasama nila ng kanyang partner, kailangan naman daw niyang i-establish ang sarili.


“So, I can be independent as a woman, as a mother,” aniya.


“Of course, I want to have a complete family. But more than you know, having a partner, I want a family that is happy.


“And kung hindi ko ‘yun makita sa asawa ko, then, I can be a single mother myself. I can establish my own home,” dagdag pa niya.


Samantala, kinumpirma ni Rabiya na show business naman ang kanyang susubukan and in fact, in the coming days ay pipirma na siya sa isang network. Kung aling network ay hindi na sinabi ng beauty queen at abangan na lang natin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page