top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 08, 2021



ree

Ang daming naaliw sa Instagram post ni Charo Santos-Concio kung saan ay ibinuking siya ng mga apo na naghihilik.


Nagbahagi ng isang maikling video si Charo kung saan ay makikitang katsikahan niya ang kanyang dalawang apo.


“Fun conversation with my grandchildren pero hindi ko alam kung matutuwa ako sa revelation nila. Secret is out... #buking #happygrandma @conciosisters,” caption ng aktres at ABS-CBN bossing.


Sey ng isang apo niya sa video, “I talk in my sleep and you snore.”


Itinanggi pa ito ni Charo pero talagang iginiit ng mga apo niya na naghihilik siya at ginaya pa siya.


Tawa nang tawa si Charo at sey niya, “Inilaglag na ako ng mga apo ko.”


Katwiran naman niya, “That’s when we travel and I get so tired.”


Sagot ng apo niya, “No, even here” at napahalakhak na naman si Charo.


Ang dami namang nakyutan sa maglo-lola at pati mga artista ay nag-comment.


“Super cute!!!!” sabi ni Bea Alonzo.


Komento naman ni KC Concepcion, “Gahh ADORABLE!!!”

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 07, 2021



ree

If not for COVID-19, Mrs. Perry Choi na sana si Kris Bernal sa mga oras na ito dahil naka-schedule pala sana silang ikasal ng fiancé noong June 5.


Kaya naman sa kanyang IG page noon ay hindi maiwasang mag-senti ni Kris sa naudlot niyang wedding kasabay ng pagbabahagi ng isang prenup photo nila ni Perry.


“The day I was supposed to turn from Ms. Bernal to Mrs. Choi and my supposed biggest day ever. We were supposed to get married today!” ang sey ni Kris sa post niya last Saturday, June 5.


“I remember it was April, when a sudden surge in COVID-19 cases happened and it reached around 12k or 15k a day so we decided to move our wedding instead.


“After careful consultation with our families, friends, and suppliers, it’s with deep sadness and heavy hearts that we had to move the wedding to a later date because of the coronavirus surge,” patuloy niya.


Pagbabahagi pa niya, iniyakan daw niya nang labis ang pagkaka-cancel ng kanyang supposedly “big day.”


“I remember crying so hard that day as I was having a hard time sending my cancellation message. I think it was one of the toughest decisions that I ever made but we need to prioritize the health and safety of the most important people in our lives,” aniya.


Sa huli ay nilinaw niya na matutuloy pa naman daw of course ang kanilang kasal at iniurong lang nila ng date.


“Nonetheless, the important thing is, the wedding is not entirely cancelled but moved to a later date and prioritizing the safety of everyone above anything else.


“More prenup photos will be out this month!” pagtatapos ni Kris.

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 05, 2021



ree

Sa latest YouTube vlog ni Gerald Anderson titled My First Long Motorcycle Ride, kasama ang mga kaibigan ay dinalaw niya ang girlfriend na si Julia Barretto na nasa locked-in taping.


Makikita sa vlog na maghapong nag-joy ride sa kanyang motorbike si Gerald kasama ang mga kaibigan at nagpunta sila sa Subic. Kung saan-saan sila nakarating at pati beach doon ay binisita nila.


Gabi na nang pumunta sila sa hotel na tinutuluyan ni Julia sa Subic. Pero dahil nga sa safety protocols ay hindi pinaakyat si Gerald sa room ng girlfriend, kaya hanggang ibaba lang siya.


Makikita namang nasa balcony si Julia ng kuwarto niya at tanaw na tanaw niya sina Gerald. Nagkasya na lang sila sa pag-uusap nang malayuan at pagkakawayan.


Nasa 2nd or 3rd floor lang naman ang aktres kaya nagkakarinigan sila.


“This is what the virus does,” sabi ni Julia. “The virus separates people.”


Sabi ni Gerald, “Love you, baby” at sinubukan pa niyang tumalon para maabot si Julia.

“Hindi kita abot,” sey ng aktor.


Sa comment section ay napakaraming kinilig sa pagdalaw ni Gerald sa GF at komento nila, ang sweet daw ng aktor at mukhang mahal na mahal talaga si Julia.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page