top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 11, 2021



ree

Malaki raw ang pagkakahawig ni Kapuso actress Sanya Lopez kay Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo kaya marami ang humihimok sa kanya na sumali rin sa beauty pageant.


Noon pa naman talaga ay marami na ang nakapansin sa pang-beauty queen na dating ni Sanya. In fact, minsan nga ay nagpahayag pa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na willing siyang i-train ang Kapuso actress if ever na mag-decide ito na sumali sa beauty pageant.


Bale ba, sa serye niyang First Yaya sa GMA-7, may mga episodes na para silang may kompetisyon sa beauty pageant ng co-star na si Maxine Medina na isa ring beauty queen.


May episode na nagpatalbugan sila sa pagsusuot ng swimsuit at evening gown kaya naman mas lalong naging kumbinsido ang marami na dapat ding sumali si Sanya sa beauty pageants.


Sa latest interview kay Sanya ng GMA-7, ayon sa aktres ay nais din naman niyang i-explore ang mundo ng pageantry.


“Actually, gusto ko rin namang i-explore ‘yung part na ‘yun, ‘yung pagiging beauty queen. Kaya lang talaga, sabi ko, sa ngayon na maganda ‘yung ibinibigay sa akin ng GMA Network, marami akong projects na ginagawa sa ngayon dahil sa GMA, eh, talagang ang hirap iwanan po,” aniya.


Pero bukas naman daw ang kanyang pintuan para rito.


“So, sabi ko, kapag naman pinalad tayo, of course at du’n talaga tayo papunta, eh, tingnan natin, 'di ba?” sey ng dalaga.


Tungkol naman kay Rabiya, aniya ay nagkita na sila minsan at nagkagulatan nga sila dahil magkamukha sila.


“Nagkita kami nu’n kaya kami nagkagulatan nu’n. Parang ‘Uy!' Iisa ang reaksiyon namin,” sey ni Sanya.


“As in, pareho kaming nakatitig lang sa isa’t isa. Tapos du’n pa lang kami nag-hi-hello,” dagdag pa niya.


“Sabi ko, ‘Ikaw si Rabiya, 'di ba?’ Sabi niya, ‘Yes po, Miss Sanya Lopez.’ Gumanu’n siya. Sabi ko, ‘Hi and congratulations.’ Sabi niya, ang dami nga raw nagsasabi sa amin na magkamukha kami. Kaya parang siya ang nagulat din nu’ng nagkita kami,” kuwento ng leading lady ni Gabby Concepcion sa First Yaya

 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 10, 2021



ree

Naturukan na ng first dose of anti-COVID-19 vaccine si Piolo Pascual na umani pa nang katakut-takot na reaksiyon mula sa mga netizens.


Ipinost ni Papa P. sa kanyang Instagram Story ang larawan niya habang tinuturukan kung saan ay makikitang nakataas hanggang leeg ang kanyang long sleeved shirt kaya naka-expose ang kanyang dibdib at braso.


Sa caption ay nagbiro si Piolo na ikinamatay daw niya ang pagpapaturok.


“1st jab done... then I died (joke)," ani Piolo.


Needless to say, pinagkaguluhan ng mga netizens ang pagka-hot ni Papa P.


“'Kaloka! Sana ako na lang nagbakuna sa 'yo Papa P kung ganyan ang isusuot mo 'pag nagpa-vaccine ka,” komento ng isang netizen sa thread sa isang showbiz portal.


“Vaccine shot or abs ang point niya?” tanong naman ng isa pang netizen.


Hirit ng isa, “Actually, 'yung utong n'ya. BWHAHAHAHA.”


Na sinagot naman ng isang reader ng “Same thought baks.. Buti nakapag-concentrate 'yung vaccinator, haha! Ang hot naman kasi.”


Pero may mga netizens din na hindi nagustuhan ang joke ni Papa P. at binash nila ang aktor.


“Not funny. Mahirap mag-establish ng vaccine confidence tapos magdyo-joke pa nang ganyan. People are dying,” komento ng isa.


Sey naman ng isa pa, “Agree, this is not the time to joke about it. Sadly what we're seeing here is the real Piolo unmasked.”


Another netizen remarked, “Such an irresponsible statement, kahit pa joke 'yan.”


Pero may mga nagtanggol din naman kay Piolo at sinabing ‘wag itong seryosohin at kaya nga joke lang.


“Lahat sa inyo, offensive. Obvious bang joke, nagpabakuna nga s’ya at buhay pa. Epal,” sey ng isang tagapagtanggol ni Piolo.


Pag-ayon naman ng isa, “Tama. Lahat kasi sineseryoso. One can weigh things naman if it should be better taken as a joke or not.”


Komento ng isa pa, “Ang masasabi ko lang, ang suwerte naman ng nag-vaccine kay Piolo.”

 
 

PAGTITINDA NG TUYO.


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 09, 2021



ree

Nagiging inspirasyon sa marami ang kasipagan ng misis ni Chito Miranda na si Neri Naig. Nakakatuwa nga na dahil sa negosyo niyang gourmet tuyo ay nakapagpundar na siya ng mga sasakyan at properties.


Ang latest na binili naman niya ngayon ay isang truck na gagamitin daw nila na pang-deliver ng tuyo dahil tumaas na raw ang demands nito.


Ipinost ni Neri sa kanyang IG ang larawan ng bagong biling truck at masayang-masaya ang dating aktres sa bagong achievement.


“Paparating na si Truckie this week! Yahooooo! Thank you, Lord!


“Mga ka-wais at ka-tuyuan! May bago tayong makakasama sa paghatid ng mga tuyo natin at dahil sa sooooobrang dami ng order n'yo, 'di na kakayanin ni Eltri (L300 van) sa bigat ng dinadala n'ya,” simula ni Neri sa caption.


Kuwento pa niya, ang ipinambili niya sa truck ay ang pinagbentahan niya ng mga tuyo at binayaran niya in full, take note.


“Yes, ang kinita ko sa pagtutuyo ang ipinambili ko kay Eltri at ngayon naman, kay Truckie. Inipon ko para 'di mag-loan at walang karagdagang bayad.


“Tiis-tiis lang talaga at pikit-mata mong babayaran. Pero naniniwala akong mababawi ko naman! Hehe! Hindi man overnight pero makakabawi rin. Saka, kailangan na talaga. Para maka-deliver na kami nang maramihan sa aming mga distributors! At para 'di na sila kukulitin ng mga masisipag nilang resellers at dahil UBUSAN TALAGA NG STOCKS!” sey pa ni Neri.


Hindi kami magtataka kung in the near future ay isa nang malaking negosyante si Neri dahil sa kanyang ibayong sipag at determinasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page