top of page
Search

ni MC @Sports | August 25, 2024


Sports News
Photo: Chloe Isleta / IG

Nakumpleto ni Chloe Isleta ang halos perpektong kampanya sa isa pang mahusay na ratsada nang walisin ang huling dalawang kaganapan at tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee sa pagtatapos ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Trials 25-meter short course sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Manila.


Hataw ang 26-anyos na alumnus ng Arizona State University sa girls' 100 freestyle at 200 backstroke na nagtala ng 56.38 at 2:12.30, ayon sa pagkakasunod-sunod upang taasan ang kanyang gold medal haul sa pito sa apat na araw na torneo na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC). Nakipagkompetensiya sa ilalim ng kanyang sariling banner na Chloe Swim Club na nakabase sa Ilocos Sur, naungusan ni Isleta ang Fil-American bet na sina Miranda Renner (56.59) at Camille Buico ng Rising Atlantis (58.30) sa freestryle bago tinalo ang kapwa National mainstay at Southeast Asian Games (2023) record holder Xiandi Chua (2:13.00) at Mishka Sy (2:22.08). Maliban sa 200 Individual Medley kung saan nag-time siya ng 2:16.35 at natalo kay Chua (2:16.22), nangibabaw rin si Isleta sa 50 back (27.83),100 back (1:00.31), 50-free (25.65), 200 free (2). :04.17), at 100 Individual Medley (1:01.64) para sa kabuuang 231 puntos para manguna sa women's division.


“Wow, I’m so happy sa performance ko. Mas maraming oras ang ginugol ko sa pagsasanay noong mga nakaraang linggo at nagbunga ito. With still more than one month before the World Series, we can go back in training and prepared,” ani Isleta, kumukuha ng masteral sa Communication and Media sa Dela Salle-Taft.


Ang kaganapan ay ginamit bilang pagpili para sa mga miyembro ng Philippine Team na nakatakdang lumahok sa World Aquatics World Series (maikling kurso) sa Oktubre 18-20 (Serye 1) sa Shanghai, China; Serye 2 ng Okt. 24-26 sa Incheon, South Korea; at Series 3 Okt. 31- Nob. 2 sa Singapore

 
 

ni Gerard Arce @Sports | August 25, 2024


Sports News
Photo: Boxing scene

Matunog ang pagbabalik sa bakbakan ni dating 3-division World champion John Riel “Quadro Alas” Casimero kontra kay dating World title challenger Saul “The Beast” Sanchez sa Okt. 13 sa bansang Japan.


Mag-iisang taon ding bakante sa laban ang dating 3-division World champion matapos mauwi sa 4th-round technical draw ang laban kontra sa boxing trainer na si Yukinori Oguni noong Okt. 12, 2023 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan, matapos ang aksidenteng pagsasalubong ng kanilang mga ulo na nagresulta sa pagkakaroon ng malaking cut sa Japanese boxer tungo sa tuluyang pagpapatigil ng laban.


Bago ang naturang planong laban ay naging laman rin ng iba’t ibang kontrobersiya ang 35-anyos na tubong Ormoc City, Leyte kasama ang kapatid at trainer na si Jason nang mapasok sa bangayan sa kampo ng MP Promotions at president nitong si Sean Gibbons, gayundin ang bulung-bulungan na paghahanap ng bagong boxing promoter na kanila ring pinabulaanan, kung saan kasalukuyan pa rin itong hawak ng Treasure Boxing Promotions ni dating World champion Masayuki Ito.


Kasalukuyang nakapuwesto ang dating World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion (33-4-1, 22KOs) bilang number five ranked sa WBO, No.8 sa World Boxing Council at No.11 sa International Boxing Federation na pare-parehong hawak ni undefeated at two-time undisputed champion Naoya “The Monster” Inoue ng Japan, na nakatakdang itaya lahat ng korona laban kay TJ “The Power” Doheny ng Ireland sa Setyembre 3 sa Ariake Arena.


Naging malamlam ang kasikatan ni Casimero sapol ng mawala sa mga beywang ang WBO title belt at makipaghiwalay ng landas sa MP Promotions matapos labagin ang kautusan ng British Boxing Board of Control sa pagsusuot ng Sauna suit sa nakatakdang laban sana nito kontra Paul Butler, na nagresulta sa pagtanggal ng korona at mauwi sa pagsabak ng Briton kontra Jonas Sultan.



 
 

ni Clyde Mariano @Sports | August 25, 2024


Sports News
Photo: Felix Lemetti & PBA / FB

Matamis na ngiti ang pinalasap ng Rain or Shine sa kanilang conqueror na Barangay Ginebra nang payukuin  ang outstanding favorite Kings, 73-64, sa kanilang out-of-town game at sumosyo sa early leadership sa Talk ‘N Text sa 2-0 record sa 49th PBA Season Governor’s Cup kagabi sa Candon, Ilocos Sur.


Rumatsada ang Elasto Painters 11-2 run kasama ang tres nina Andrei Caracut, Francis Escandor at Felix Lemetti at iposte ang pangalawang sunod na panalo matapos talunin ang Blackwater, 110-97, sa unang laro sa Smart Araneta Coliseum at gantihan ang Kings na tumalo sa kanila sa Commissioner’s Cup, 107-102, at All-Filipino Cup, 90-85.


Dalawang puntos lang ang naiskor ng Barangay Ginebra sa  huling limang minuto sa lungkot ni coach Tim Cone. Umiskor si Craig Aaron Fuller ng 15 points, 23 rebounds at 3 assists at itinanghal ang 33 years old import na taga-Arizona state na best player of the game.


Nag-ambag si Lemetti ng 13 points at newly crowned rookie of the year Stephen Holt ng 11 points. Nakitaan ang Barangay Ginebra ng pagkakalawang sa kanilang laro sanhi nang mahabang pahinga na umabot ng mahigit isang buwan at masuwerteng nalusutan ang RoS.


Pati si Justine Brownlee ay hindi makaiskor at tinalo ni Fuller sa kanilang match up.“It’s pretty good we won our first two games. The back-to-back wins bolstered the morale and fighting spirit of the players play their best in the succeeding games,” sabi ni coach Yeng Guiao.


Lumamang ang Barangay Ginebra 44-36 sa third quarter.Subalit nabigo ang Kings na panatilihin ang hawak sa rieda at bumigay sa huli.


Lumapit ang RoS sa 44-47 at inagaw ang lamang 49-47 sa tres ni rookie of the year Stephen Holt. Nabawi ng Barangay ang lamang 52-51 sa pagtatapos ng third period.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page