top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | August 31, 2024


Sports News

Sinungkit ng Rain or Shine ang pang-apat na sunod na panalo at tinalo ang import less Phoenix, 116-99 at panatilihin ang walang mantsang record sa PBA Season 49 Governors Cup at sa pang-apat na beses muling humarap si coach Yeng Guiao sa mga reporters para sagutin ang mga katanungan ng tungkol sa kanilang magandang nilaro.


Hindi makalayo sa first half, biglang nag-init ang opensiba ng Elasto Painters sa huling 24 minutes at iposte ang pang-apat na sunod na panalo at ipalasap sa wala pang panalong LPG Fuel Masters ang pangatlong sunod na kabiguan na ngayon lang nangyari sa Phoenix.


Naglaro ang Phoenix na walang import dahil ang kapalit ni Jayuveous McKinnis si Le Brian Nash ay sobra sa required height na 6-foot-6. Lamang ang RoS 101-90, apat na minuto ang nakalipas sa fourth period at hindi na binitiwan ang hawak sa renda tungo sa impresibong panalo at palakasin ang title campaign sa Governors Cup na hawak ng Talk ‘N Text.


Apat na players ang gumawa ng double digits sa pangunguna ni Craig Aaron Fuller sa 28 points. Nag-ambag si Adrian Clarence Nocum ng 21 points, at itinanghal na best player of the game. Umiskor si Jhonard Clarito ng 15 points at Andrei Caracut ng 13. 


Isa sa mga dahilan ng pagkatalo ng Phoenix ang pagkawala ni ace gunner Jayson Perkins na lumabas sa court matapos makakuha ng anim na foul sa lamang ng RoS, 93-83, apat na minuto sa 4th quarter. “This is only temporary. Kailangan matatag kami to sustain the game. Kailangan matesting namin kung hanggang saan kami tatagal sa aming panalo sa pagharap namin sa San Miguel,” wika ng 65-years old RoS mentor na target ang pang-7  PBA title at pangalawa sa RoS. 


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 29, 2024



Sports News
Photo: Agustina Bantiloc - Philippine Paralympic Committee ( PPC )

Hindi nakisama ang lipad ng mga palaso ni Agustina Bantiloc at nagtapos siya sa ika-28 at huli sa Women’s Individual Compound Ranking Round ng 2024 Paris Paralympics Archery Huwebes ng gabi sa Les Invalides.


Dahil dito matatapat ang pambato ng Pilipinas sa bigatin na si #5 Jane Karla Gogel ng Brazil sa knockout round ngayong Biyernes simula 3:00 ng hapon sa parehong palaruan. Nakapagtala lang si Bantiloc ng 51 sa perpektong 60 puntos si Bantiloc sa kanyang unang anim na palaso na katabla ni Jeong Jinyoung ng Timog Korea.


Kung nakabawi si Jeong at umakyat sa ika-18, hindi na nakaahon ang Pinay at nanatili sa pinakailalim at nagtapos na may 618 mula sa 72 palaso. Numero uno si Oznur Cure Girdi ng Turkiye na nagtala ng bagong World at Paralympic Record na 704.


Inabot ng huling tira kung saan tinamaan niya ang 10 at siyam lang si Sheetal Devi ng India para magtapos sa 703 na hinigitan ang dating World Record na 698 ni Phoebe Patterson Pine ng Gran Britanya at Paralympic Record na 694 ni Jessica Stretton ng Gran Britanya noong Tokyo 2020.


Sa lakas ng mga kalahok, linamapsan din ng 696 ng pangatlong si Fatemeh Hemmati ng Iran ang Paralympic Record. Sina Girdi, Devi, Hemmati ang #4 Jodie Grinham ng Gran Britanya ay pasok na sa Round of 16 at maghihintay ng makakalaban mula sa Round of 32.

 
 

ni Rey Joble @Sports | August 30, 2024


Sports News

Agarang nagpakitang gilas ang bagong import ng Blackwater Bossing na si George King Jr na bumbomba ng 33 puntos kabilang ang 19 na rebounds para pangunahan ang kanyang koponan tungo sa 95-88 panalo kontra Barangay Ginebra San Miguel sa PBA Governors Cup nitong Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium.


Dalawang araw pa lang simula nang lumapag sa Pilipinas, madaling nakapag-adjust si King sa sistema ng Bossing at giyahan ang koponan sa kanilang unang panalo sa 49th season ng liga. Umakyat sa 1-3 record ang Bossing.


Nagdagdag naman ng 13 puntos ang rookie na si Sedrick Barefield habang may 11 natala si Christian David. Gumawa rin ng 10 puntos si Troy Rosario.


Tumipa ng nay kabuuang 56 puntos mula sa perimeter ang Bossing, mas marami ng 34 puntos kontra sa Beermen. Umiskor naman ng 37 puntos si Justin Brownlee para sa Ginebra, na nakakolekta na rin ng 17 puntos at 11 rebounds. Nagdagdag rin ng 10 puntos ang baguhang si Rhon Jay Abarrientos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page