top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | September 2, 2024



Sports News

TULAD sa inaasahan dahil malakas at lamang sa tao umarangkada ang Magnolia 24-9 sa unang tatlong minuto at tinambakan ang perennial tail-ender Terrafirma Dyip, 124-103 para iposte ang walang kahirap-hirap na panalo sa wala pang panalo na Dyip sa PBA 49th Season Governors Cup sa pagbabalik ng liga sa Ninoy Aquino Stadium kagabi matapos ang pangalawang provincial game.


 “Overall, we played good offensively and defensively. I reminded my players to forget the past setbacks and concentrate and focus the attention their game against Terrafirma,” sabi ni coach Chito Victolero.


Tumipa si Glenn Robinson III ng 20 points at 13 rebounds, at tulungan ang Hotshots sa dalawang panalo sa apat na laro at panatilihin ang paghahari sa Car Makers. Tinalo ng 30-year-old, 6-foot-6 Robinson si Antonio Hester sa una nilang pagharap sa PBA.

Sa halip  na asset naging pabigat ang import na taga-Florida state sa kanyang mga kasamahan at kay coach Johnedel Cardel. Umiskor lang si Hester ng 2 points. “My role is to help my team win. It’s pretty good I made it,” sabi ni Robinson na pinanganak sa Gary, Indiana.


Tumipa si Jerrick Ahanmisi ng 24 points kasama ang apat na four point shot at itinanghal na best player of the game. Ang talo ang pang-apat na sunod at nanganganib na namang masibak at maagang magbabakasyon ang Terrafirma.


Lumamang ang Magnolia sa 70-37 sa apat na minuto sa third period matapos ang 63-32 halftime lead nang tumapos si Ahanmisi ng 10 points kasama ang dalawang four points shot. “Our game against Terrafirma is sharp contrast to our game against Talk ‘N Text,” wika ng 49 years old Magnolia coach na si Chito Victolero.


Target ni Victolero ang pangalawang Governors Cup na una niyang napanalunan noong 2018 nang talunin ang Barangay Ginebra ni coach Tim Cone.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | September 1, 2024


Sports News

Tinalo ng NLEX ang San Miguel Beer sa overtime, 112-108, sa PBA 49th season Governors Cup sa Aquilino Pimentel International Convention Center sa  Cagayan de Oro City kagabi.


Umiskor si Robert Herndorn at sinundan ni Robert Bolick ng dalawang free throws matapos sumablay and tres ni Chris Ross at iposte ang pangatlong panalo sa apat na laro at ipalasap sa SMB ang pangalawang talo sa apat na laro.


Tumapos si Bolick ng 15 points kasama ang dalawang charities at tuluyang kinalimutan ang mapait na pagkatalo sa undefeated Rain or Shine matapos lumamang ng 21 points.


Umiskor si Myke Henry ng 33 points, limang rebounds, apat na assists, dalawang block shots at dalawang steals. Tinalo ni Henry si Jordan Lavell Adams sa kanilang match up.


Hindi sana umabot ang laro sa overtime kung hindi sumablay ang shot ni Robert Bolick matapos tumawag si coach Jong Uichico ng huling timeout.


Dikit ang laban nagpalitan lamang ang SMB at NLEX at sumandal ang Road Warriors sa late heroics nina Herndon at Bolick. “It was a hard-earned win. SMB pushed us to play another extra five minutes before we secured the win,” sabi ni coach Jong Uichico.


Hindi madali ang panalo ng NLEX dumaan ang Road Warriors sa matinding pagsubok bago talunin ang nagmamatigas na Beermen. Dinuplika ng NLEX ang panalo ng RoS sa Magnolia, 113-110, sa Cagayan de Oro sa nakaraang Commissioner’s Cup na napanalunan ng Meralco at tinalo ang SMB sa finals.


Hinawakan ng NLEX ang pamumuno mula 83-81 hanggang 92-91 bago mag overtime. Balik ang laro sa Ninoy Aquino Stadium tampok ang laro ng Magnolia vs. Terrafirma at Meralco kontra North Port.



 
 

ni Gerard Arce @Sports | September 1, 2024


Sports News

Mga laro bukas (Lunes)

(Smart Araneta Coliseum)


Battle-for-Third


4 n.h. – Creamline/Cignal vs PLDT High Speed Hitters


Finals: Winner-take-all


6 n.g. – Akari Chargers vs Creamline/Cignal 


Kumarga ng kanilang ika-10 sunod na panalo ang Akari Chargers patungo sa kanilang kauna-unahang pagtuntong sa championship round kasunod ng dikdikang five-set panalo sa matinding koneksyon ng PLDT High Speed Hitters na nagtapos sa 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, kagabi, upang maipagpatuloy ang kanilang ‘Cinderella Story’ sa semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Iginiya ng trifecta nina import Oly Okaro, Ivy Lacsina at Gretchel Soltones ang atake ng Akari, higit na ang pangunguna ng American spiker sa 39 puntos mula sa 35 atake 4 blocks para makuha ng kanilang prangkisa ang pinakamalaking panalo sa kasaysayan ng paglahok nito sa liga.


Kumamada rin ang dating National University Lady Bulldogs na si Lacsina ng 19 puntos, habang hindi nagpatinag sa pagsuporta ang three-time NCAA MVP na si Soltones sa 16 puntos. Nag-ambag din ng double-double sa depensa si Dani Ravena sa 17 excellent receptions at mahusay na paggabay ni Kamille Cal sa 18 excellent sets.


Matapos makauna ng Akari sa first set ay nagawang pumuro ng High Speed Hitters sa pagtala ng panalo sa 2nd at 3rd set, subalit nanatiling matatag ang loob ng Akari na ipagpatuloy ang kanilang winning streak at pangarap na makarating sa unang tapak sa kampeonato para mapuwersa ang winner-take-all fifth set.


Sa huling set ay nagawang maglaban ng husto ng Akari mula sa 12-14 na paghahabol, na nahaluan pa ng mabigat na bentahe matapos na mabigong makakuha ng pagpabor sa challenge na maaaring magbigay sa PLDT ng panalo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page