top of page
Search

ni MC @Sports News | Nov. 3, 2024




Muling magbabalik sina Stefanie Fejes at Jana Milutinovic ng Australia upang muling targetin ang isa pa muling titulo kung saan ang Alas Pilipinas ay sasabak sa sa 2024 Asian Senior Beach Volleyball Championships simula sa Nobyembre 5 sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.


Ang tambalang Aussies ang nagreyna sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open noong Abril at kumpirmado na ang paglahok kasama ang 19 na iba pang women's tandems sa anim na araw na event na itinaguyod ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).


Walo sa iba pang women's teams ang sasalang sa qualifying para sa nalalabing apat na slots sa main draw ayon kay PNVF and Asian Volleyball Confederation president Ramon “Tats” Suzara. Nakatakda ring magbalik sina Abbas Pourasgari at Alireza Aghajanighasab ng Iran na pakay na makabawi sa Nuvali Open at makikipagtunggali sa 20 pares sa men's main draw.


Sasabak para sa Pilipinas team sina Philippine Air Force duo Gen Eslapor at Kly Orillaneda, na naabot pa ang Round of 16 noong nakaraang summer. Sina Khylem Progella at Sofiah Pagara, teammates ng University of Santo Tomas ay nasa main draw rin ng torneo.


Ang ikatlong Philippine pair, Philippine Army’s Alexa Polidario at Coast Guard’s Jenny Gaviola ang susubok para sa qualifying tournament. Isinaayos din ng PNVF beach volleyball program ang men's side ng Alas Pilipinas nang kunin ang pares nina Southeast Asian Games veterans Ran Abdilla at James Buytrago.


Si Rancel Varga, na naka-silver medal ka-tandem si Buytrago sa FIVB Volleyball World Beach Pro Tour Futures noong Abril, ay makakasama sa big stage si Lerry John Francisco. Pasok sina dating University of Perpetual Help star Ronniel Rosales at ex-National University stalwart Edwin Tolentino sa men’s qualifiers.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | Nov. 3, 2024



Sports News

Sina Custodio, Co, Palanca at Ramirez nang humakot ng gold, silver at bronze medals sa 2024 JJIF World Championships sa Greec. Photo: (pscpix)


Bumalibag muli ng gintong medalya at ikalawang World title si Pinay jiujiteira Kimberly Anne Custodio matapos ibulsa ang korona sa women’s under-45kgs category laban kay Balqees Abdulkareem Abdoh Abdulla ng United Arab Emirates sa bisa ng advantage point, habang nagbulsa ng silver at bronze medal sina Jollirine Co at Daniella Palanca at may tansong medalya si 2019 World jiu-jitsu champion Annie Ramirez upang umabot na sa apat na medalya ang Pilipinas sa magkahiwalay na dibisyon sa ginaganap na 2024 Jiu-jitsu World Championships sa Heraklion, Crete, Greece.


Naunang nagka-titulo noong 2022 edisyon sa Ulaanbaatar, Mongolia, kung saan tinalo nito si Kacie Pechrada Tan ng Thailand, habang nabawian ng 2018 Asian Championships bronze medalists ang kasalukuyang World No.1 para sa tapatan ng top-two athletes, habang nabawian si Balqees na tumalo sa kanya noong 2023.


Bago makuha ng 2019 Jiu-Jitsu Grand Prix champion ang korona ay nagawa muna nitong pasukuin si Abdyyeva Hurma ng Turkmenistan sa iskor na 15-0 sa Round 1, habang isinunod na pasukuin si World No.3 Aysha Alshamsi ng UAE sa bisa ng submission sa Round 2 ng main Pool.


Muling tumapos ng bronze medal si Palanca sa parehong kategorya nang talunin si Abdyyeva sa bronze medal, matapos daigin ni Balqees sa Round 2. Bigo namang makakuha ng medalya si two-time World champion at World No.1 Meggie Ochoa nang tumapos ito bilang No.7 nang talunin ng Thai grappler sa advantage point, habang pinatapik ni Betty Van Aken ng France sa lower bracket.


Nagawang makatuntong sa finals ng World No.8 na si Co matapos talunin Rachel Shim ng Canada sa 6-0. Kinapos naman sa podium finish si women’s under-52kgs World No.1 at 2023 World Games titlist Kaila Napolis nang hindi makalusot kay Michal Baly ng Israel, na dalawang beses siyang tinalo sa Round 2 at battle-for-bronze para tumapos sa ika-fifth spot. (GA) 

 
 

ni MC @Sports News | Nov. 3, 2024




Naging tulay ang tatlong gintong medalya mula sa Olympics kasunod ang apat pang Asian Games gold medals—kasama na ang natatanging men’s basketball title—na binigyang-diin ni Abraham “Bambol” Tolentino sa loob ng 4 na taon niya bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).


Dagdag pa ang overall championship sa matagumpay na pag-host ng bansa sa 30th edition ng Southeast Asian Games noong 2019 kung saan nagwagi ang Pinoy athletes ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa may 56 sports—higit sa 50 golds nang sumegunda sa Vietnam.


Sa administrasyon ng POC administration na pahirapan nang mahigitan lalo't may Carlos Yulo na naka-2 gymnastics gold medals sa Paris 2024 at bago iyan ay si weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo na unang naka-ginto sa Olympics noong Tokyo 2020.


“It’s about teamwork, it’s about setting and achieving goals, it’s about cooperation,” ani Tolentino na ayon sa kanyang video tinawag niyang “My Working Team” para sa muling halalan ng POC sa Nob. 29 sa East Ocean Palace Restaurant sa Paranaque City.


Tuwing apat na taon maghalal ng pamunuan sa POC kasabay ng Olympic cycle. Sa Nobyembre, ani Tolentino pinuno rin ng cycling federation mula 2008, pakay ding muling pamunuan ang pinakamataas na sports-governing body sa bansa kasama ang “Working Team” na sina Alfredo “Al” Panlilio (basketball) First Vice President, Rep. Richard Gomez (modern pentathlon) 2nd Vice President, Dr. Jose Raul Canlas (surfing) Treasurer at Donaldo “Don” Caringal (volleyball) bilang Auditor at Alexander “Ali” Sulit (judo), Ferdinand “Ferdie” Agustin (jiu-jitsu), Leonora “Len” Escolante (canoe-kayak) at Alvin Aguilar (wrestling) at Leah Jalandoni Gonzales (fencing) bilang miyembro ng Executive Board.


Ang pag-file ng kandidatura ay nagsimula noong Okt. 15 at magtatapos ngayong Okt. 30.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page