top of page
Search

ni MC @Sports News | Nov. 9, 2024



Photo: Sina Zeng Jinjin at Xue Chen ng China sa mainit na laban sa 2024 Asian Beach Volleyball Championships sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna. (Gen Villota)


Nagmartsa sa quarterfinals ang Olympian at continental champions ng China dahil sa lakas na ipinakita kontra Alas Pilipinas Women sa Asian Senior Beach Volleyball Championships sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.


Nakausad na sina Xia Xinyi at Xue Chen, kapwa Paris Olympians at winners ng Asian Seniors 2023 sa Pingtan sa round of eight kasabay ng pakay sa titulo. Pinahirapan din nina Xia at Wang Jingzhe sina Gen Eslapor at Kly Orillaneda, 21-13, 21-8 para sa playoffs.


Nanatiling matibay si Xue, ang Olympic bronze medalist at dating world champion at target din ang titulo nang gapiin ng tambalan nila Zeng Jinjin ang Alas Pilipinas’ teen tandem nina Khylem Progella at Sofiah Pagara, 21-14, 21-11.


Naunang lumamang ang Air Force pair nina Eslapor at Orillaneda sa 5-3, pero ang lakas at determinasyon nila ay hindi sapat para tapatan ang Chinese spikers. “We wanted a good start and we did, but we just lost steam because it’s not easy trying to match the game of these veterans,” ayon kay Orillaneda.


Kumpiyansa si Eslapor na mahahasa sila sa nakaharap na Chinese players sa torneo na itinaguyod din ng Nuvali, Ayala Land, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, City of Santa Rosa, One Sports Plus, Pilipinas Live, Asian Volleyball Confederation at ng Philippine National Volleyball Federation.


“We played with nothing to lose, everything to gain. The important thing was we did out best because we were given an opportunity to face players of their level,” saad ni Eslapor.


Brilyo ang naging laro ng 18-year-old na si Progella at ng19-year-old na si Pagara pero malakas ang kontrol ng Chinese six-footers sa 31-minuto na hampasan match sa torneo na itinaguyod ng Philippine National Volleyball Federation at ng Asian Volleyball Confederation ni Ramon “Tats” Suzara.

 
 

ni VA @Sports | Nov. 9, 2024



Photo: Sina Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, first VP Al Panlilio at dating pangulong si Ricky Vargas.


Programang tuloy-tuloy at magandang samahan sa Philippine Olympic Committee (POC) ang asam ni Al Panlilio sa muli niyang paghahanap ng puwesto bilang POC first vice president sa ilalim ng tiket ni reelectionist president Abraham “Bambol” Tolentino. “I believe in his lea¬dership,” saad ni Panlilio kay Tolentino.


“And I will talk to him on how to sustain our programs or surpass it for the athletes and Philippines sports.” Nakamit ng Pilipinas sa ilalim ng liderato nina Tolentino at Panlilio ang kauna-unahang Olympic gold medal mula kay weightlifter Hidilyn Diaz noong 2021 sa Tokyo.


Hindi nagtagal ay dalawang ginto naman ang nasungkit ni gymnast Carlos Yulo mula sa Paris Games. “Our sports are p¬rogressing after Hidilyn Diaz won gold in the Tokyo Olympics, and now we won two golds courtesy of Carlos Yulo in Paris,” saad pa ni Panlilio, pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.


“We have to surpass previous achievements and provide for sustainable platforms for our athletes.” Nakapetsa ang pilian ng bagong liderato sa POC sa Nobyembre 29 sa East Ocean Seafood Restaurant sa Parañaque City.


Panibagong termino ang naghihintay kina Tolentino at Panlilio kasama si 2nd VP Richard Gomez. POC Working Team ang tawag ni Tolentino sa kanyang tiket kasama sina Dr. Jose Raul Canlas ng surfing (treasurer) at Donaldo “Don” Caringal (auditor) ng volleyball at sina Alvin Aguilar (wrestling), Leonora “Lenlen” Escollante (canoe, kayak and dragon boat), Alexander “Ali” Sulit (judo), Ferdinand “Ferdie” Agustin (jiu-jitsu) at Leah Jalandoni Gonzales (fencing) bilang Executive Board members. Pagkakaisa rin sa lahat ng national sports associations ang pinanawagan ni Panlilio.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | Nov. 7, 2024



Pormal nang humarap sa media ang lahat ng bumubuo ng All-Filipino Conference PVL Premier Volleyball League sa Novotel Manila kung saan nagbahagi ng mga impormasyon hinggil sa liga si PNVF at AVC President Ramon "Tats" Suzara kasama si PVL President Richard Palou habang kumpleto rin ang mga opisyal ng 12 koponan. Nakatakdang simulan ang liga sa Nob. 9 sa Philsports Arena, Pasig City. (Reymundo Nillama)


Pormal nang kinilala ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Asian Volleyball Confederation (AVC) president Tats Suzara ang Premier Volleyball League (PVL) bilang pangunahin at nag-iisang professional volleyball league sa bansa kasunod ng nalalapit na pagbubukas ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Nob. 9 sa Philsports Arena sa Pasig City.


Inilahad ni Suzara ang pagsuporta sa nag-iisang women’s volleyball league sa bansa sa press conference sa Maynila, na kanyang tinawag bilang nangingibabaw na organisasyon sa bansa.


Binibigyang-diin ng pagkilalang ito ang pag-unlad ng PVL mula nang simulan bilang Shakey's V-League noong 2004 hanggang sa pagiging isang propesyonal na liga noong 2021.


Ang All-Filipino Conference ng liga ang magiging pinakamahabang tournament nito na umaabot sa loob ng 6 na buwan at naaayon sa international FIVB calendar, kung saan nakikitang isa sa pinaka-balanse at unpredictable na season ang next conference. Ang conference ay preparasyon na rin para sa mga pandaigdigang torneo kabilang ang 2024 AVC Champions League sa Seoul, South Korea.


Ang magkakampeon sa All-Pinoy ay kakatawanin ang Pilipinas sa AVC Champions League, kung saan sasagutin lahat ng PVL ang lahat ng gastusin. Nakatakda ring kumuha ng dalawang bigating import ang koponan para mas maging matatag at malaki ang tsansa laban sa matitinding Asian clubs.


“The PVL is committed to fully supporting our representative club in the AVC Champions League,” wika ni Suzara, na hinihimok ang mga koponan na gamitin ang pagkakataong ito upang sumikat sa pandaigdigang estado.


“Thanks to the collaboration with (PVL president) Ricky Palou, all expenses, including travel and logistics for the AVC tournament, will be managed by PVL.” Maglalagay din ng mga international neutral referees sa mga semifinals at finals matches para masigurong patas at sumusunod sa mga pandaigdigang pamantayan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page