top of page
Search

ni Eddie M. Paez, Jr. @Sports News | Jan. 4, 2025



Photo: CENTENO AT AMIT (amitfbpix)


Magtitipun-tipon ang 64 sa mga pinakamababangis na mga bilyaristang kababaihan sa pagsargo ng Kamui Las Vegas Women's Open sa Nevada ngayong Pebrero 25.


Umaasa ang mga miron sa Pilipinas na alinman sa mga pambatong sina Chezka Centeno at Rubilen Amit ang aakyat sa trono para bigyan ang bansa ng karangalan sa tunggaliang masasaksihan sa Rio All Suite Hotel ng Las Vegas.


Malupit ang baong armas ng dalawang Pinay sa kompetisyon. Si "The Flash" Centeno ang nagtatanggol na kampeon sa paligsahan.


Ang 25-taong-gulang na cue artist ay dating world 9-ball junior champion at 2024 World 10-Ball Championships winner din.


Sa kabilang dako, bagamat 43-anyos na ang pambato ng Mandaue, Cebu, tatlong beses naman nang naging reyna ng pagtumbok si "Bingkay" Amit sa globo (dalawang beses sa 10-ball at kasalukuyang kampeon sa 9-ball).


Tiyak namang magpipilit na pigilan sa nabanggit na 10-ball event na may basbas ng World Pool Billiards Association ang mga bigating karibal mula sa iba't-ibang parte ng daigdig. Ang cash pot ay sumampa sa US$ 75,000.


Kasama sa listahan sina Han Yu (China), Jasmin Ouschan (Austria), Yuki Hiraguchi (Japan), Allison Fisher (Great Britain), Kelly Fisher (Great Britain), Kristina Tkach (Russia), Pia Filler (Germany), Seo Seoa (South Korea), Sylviana Lu (Indonesia) at Chou Chieh Yu (Taiwan).

 
 

ni MC @Sports News | Feb. 3, 2025



Photo: Nagpakitang-gilas sa kanyang polo training session si Mikee Romero kasama ang kanyang local team sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas. (fbpix)



Sa unang pagkakataon iwawagayway ng Pilipinas ang bandila sa 2025 US Open Polo Championship sa pagsabak ni Mikee Romero at ng kanyang Globalport Polo team laban sa pinakamahuhusay sa mundo sa Wellington, Florida.


Kasaysayan naman ang iuukit ng Globalport bilang unang team ng Asya na sasabak sa kampeonato ng torneo na idaraos sa Marso 24-Abril 20,2025. First time na itatampok ng torneo ang koponan ng mga Filipino.


Ang kuwalipikasyon ng team ay senyales ng impluwensiya ng bansa sa international polo at aasahang maghahatid ng bagong inspirasyon na sport sa bansa maging sa Southeast Asian region.


Hindi lang ito ang unang beses na si Romero na nasa ikatlong termino bilang mambabatas at isa sa pinaka-prominenteng sportsmen at SEA Games bronze medalist na kakatawan para sa bansa.


Kakatawan din siya sa ilang international polo competitions pero ito ang unang pinakamalaking torneo. “It’s a big honor for me to represent the country in this US Open,” ani Romero, na magsisilbi sa ikatlong taon ng 1Pacman party list.


“While qualifying for the US Open is accomplishment enough, we hope to make an impact on the competition as we mount a challenge on the dominance of the established powers of the polo world.”


Pasok din ang Globalport Polo sa 2025 competition kung saan makasasagupa ng team ang world's no. 1 polo player na si Barto Castagnola ng Argentina.


Ang US Polo Open na inorganisa ng United States Polo Association (USPA) ang pinaka-prestihiyosong polo tournament sa mundo sa loob ng 120-year.


Taunan itong ginagawa sa Wellington at ang 22-goal competition ay nilalahukan ng pinaka-astig na polo players sa mundo. Aabangan naman ang Globalport Polo na naghahanda para sa debut game sa kompetisyon.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | Feb. 3, 2025



Photo: Johnriel Casimero at Naoya Inoue / Quadro Alas It's My Boy FB / Naoya Inoue 410 IG



Nagawang magpakumbaba ng dating three-division World champion na si Johnriel “Quadro Alas” Casimero kasunod ng hirit nitong humingi ng tulong sa nag-iisang eight-division World champion at MP Promotions top honcho Manny “Pacman” Pacquiao upang maisakatuparan ang matagal ng pangarap na makalaban ang undefeated at two-time undisputed titlist na si Naoya “The Monster” Inoue ng Japan sa hinaharap.


Hindi na naiwasan pang ihayag ng 35-anyos mula Ormoc City, Leyte ang kanyang saloobin sa isang Facebook post sa kanyang opisyal na social media account na ‘Quadro Alas it’s my boy’, na napapanahon na umanong putulin ang unbeaten record ng Japanese boxer na unti-unting inihahalintulad sa nagawang legasiya ng Filipino boxing legend na si Pacquiao na minsang inilahad ni Top Rank Promotions head Bob Arum sa hiwalay na ulat.


Sinabi ng American promoter na nakikita niyang nahihigitan na ni Inoue ang 46-anyos na International Boxing Hall of Famer sa mga boksingerong nagmula sa Asya sa pagiging pinakamahusay na boksingerong kampeon. Sinabi ni Arum na bagaman maituturing na mahusay na kampeon si Pacquiao ay nagawa namang maibulsa ang bawat titulo sa magkakasunod na dibisyon na hindi nakakatikim ng anumang pagkatalo ni Inoue.


Boss Manny Pacquiao, itapat mo na 'yan sa akin 'yung Monster; wala naman ibang katapat 'yan kundi ako lang. Para matapos na'yang agawan nyo sa legacy, tulungan mo nga ako para magtuos na kami para tapos na ang Sturya nyo,” bulalas ng power-punching boxer, na nananatiling walang talo simula nung 2018, na minsang nabigo lamang sa kababayang si Jonas “Zorro” Sultan sa bisa ng 12-round unanimous decision.


Minsang nagkaroon ng lamat sa pagitan nina Casimero at MP Promotions matapos na unti-unting lumayo ang 5-foot-4 boxer sa panig ng nasabing boxing promotion na pinapatakbo ng international matchmaker na si Sean Gibbons bilang presidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page