top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 15, 2025



Daniel at Kathryn - Mega, IG

Photo: Daniel at Kathryn - Mega, IG


Si Panyerong Ogie Diaz daw ang unang nagbuking na may bago nang syota si Kathryn Bernardo, ayon na rin sa ilang Marites at tribu ni Mosang.

Sinex (sino) daw ang bagong BF ni Kathryn? Ito’y ang Lucena City mayor na si Mark Alcala.


Pero ayon naman daw kay Panyerong Ogie, hindi rin siya 100% sure kung si Kathryn ay may newly found love na nga.


Si Alden Richards naman daw ay wa’ pakels ‘coz abala itey sa maraming ganap in his showbiz career and business. Abala rin ang aktor sa pagbubukas ng kanyang ikalawang branch ng fast food chain sa Sta. Rosa, Laguna. Naka-focus daw kasi now si Alden sa pagpapayaman. 


Wow, galing-galing naman. If ever, napakasuwerte ng kanyang mapapangasawa at mga magiging anak, boom ganern!


Well, kung si Alden ay wa’ pakels sa bagong karelasyon ni Kathryn Bernardo, if ever na true nga ang tsika, now ang tanong, how about Daniel Padilla? Bakit nga ba tikom pa rin ang bibig ni DJ, ha? 

‘Yun na!



Pati kilikili, ipinaaamoy sa BF in public… 

ASHLEY, WALA NANG ITINATAGO KAY MAVY





TURNED-OFF ang mga viewers ng bagong edition ng Pinoy Big Brother (PBB) kay Ashley Ortega na isa sa  mga napiling housemates ni Kuya.


Kasi nga, may eksenang ipinaaamoy ni Ashley ang kanyang kilikili kay Mavy Legaspi na ang naging saksi nila ay si Kapuso artist Josh Ford.


Tipo kasing hindi magandang tingnan ang ipinagawa ni Ashley kay Mavy kahit na sabihin pang magdyowa sila, ‘noh?


Tanong tuloy ng ilang press pipol, ano raw ba ang gustong palabasin nitong si Ashley... na wala na siyang itinatago sa kanyang boyfriend na si Mavy? 


Harutan lang daw ng dalawa ‘yun, sey ng mga faneys in defense sa kanilang mga lodi.

Wow, ha? Ibang klase rin naman ang kanilang harutan, sey mo, Carmina Villarroel na ermat (mother) ni Mavy? 


At ano rin kaya ang naging reaction ng mommy dearest nitong si Ashley? 


Ay, sabagay, 3 yrs. na nga pala silang walang talkies, as in ‘di nag-uusap, kaya malay ba natin kung nanonood ng PBB Celebrity Collab Edition ang mudra ni Ashley.  


Si Kyline Alcantara na lang kaya ang tanungin natin kung ginawa rin ba niya ‘yan noong sila pa ni Mavy ang magdyowa?

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 12, 2025



Ogie Alcasid - FB

Photo: Ogie Alcasid - FB


Ipinakilala bilang mga bagong hurados ang dalawa sa top OPM icons ng bansa na sina Concert Queen Pops Fernandez at Asia's Nightingale Lani Misalucha sa bagong edisyon ng Tawag Ng Tanghalan (TNT) All Star Grand Resbak 2025.


Ibang klaseng flavor at saya nga ang hatid nina Pops at Lani na kikilatis sa 48 resbakers ngayong edisyon. Masaya si Karylle na muling makasama at makatrabaho ang dalawa.


“It came as a surprise. I’m just really excited to work with Pops and Lani again and to show them how fun it is to be here,” sabi niya.


Excited naman sina Louie Ocampo at Jed Madela sa resbakers na sasalang ngayong season at natutuwa rin sila na patuloy ang pagbibigay ng TNT ng oportunidad sa mga ito.


“I’m excited and very nervous because to be surrounded by these talented people, I have to be prepared. To be part of this group, ito ‘yung tunay na ‘TNT,’ tried and tested,” pagbabahagi ni Louie.


“Sobrang saya ko na nagbibigay sila ng isa pang opportunity para ipakita kung gaano sila kagaling. Exciting ito kasi salang-sala sila, itong grupo na ito,” dagdag ni Jed.


Para kay Ogie, kaabang-abang ang season na ito dahil sa bagong format na kanilang ipapakita lalo pa’t para sa kanya ay TNT ang pinakamahirap na singing competition.


“Napakaganda ng format this season. Patibayan talaga ito. It is nice to see old faces and new faces. Alam n’yo itong Tawag ng Tanghalan ang pinakamahirap na singing contest. It stands the test of time. It’s like a marathon,” aniya.

‘Yun lang and I thank you.


Ready na raw magbuntis si Ara Mina at bigyan ng mga dyunakis ang dyowa niyang si Dave Almarinez next year. 


Nilinaw ng singer-actress na no need daw na magpa-freeze ng kanyang eggs. Batay daw kasi sa kanyang latest medical checkup ay uubra pa siyang magbuntis. 


“‘Wag lang daw patagalin,” added na sey pa ni Ara na tipong seryoso na ngang magbuntis.


May timeline na nga siyang sinusundan. Sa ngayon ay nagwo-workout si Ara to achieve a toned body.


“I need to stay fit para ‘di ako hingalin,” paliwanag pa ni Ara.


Well, harinawa ay matupad na nga ni Ara ang pangarap niyang magkaanak na sila ng dyowa niyang si Dave.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 5, 2025



Ivana Alawi - Instagram

Photo: Ivana Alawi - Instagram


Sa totoo lang, parehong beautiful, makinis ang balat and oozing with sex appeal sina Rhian Ramos at Ivana Alawi in person, ‘noh!


Kahit hindi pa artista itong si Ivana, kilala na siya ng madlang pipol through social media kung saan meron siyang vlog.


In her latest vlog, nagpa-tour siya sa kanyang silid-tulugan at sa kanyang walk-in closet.

Ang kanyang bunsong kapatid na dating artista ng GMA Network na si Mona ang siyang nagsilbing videographer niya.


“Welcome to my bedroom!” intro ni Ivana with matching reveal ng kanyang kuwarto.  

“This is where the magic all happens!” pagbibida niya.


Na-realize yata ng sexy actress that she might be misinterpreted dahil sa linya niyang ‘yun. Biglang kambiyo niya, “Yuck! Hindi pa ako nagdadala ng lalaki rito!”  

If she wasn’t defensive, ano’t bakit niya nasabi ‘yun?  


Sabad naman ni Mona, “Hindi pa?”  


Ganti ni Ivana sa kapatid, “Hindi mo sure?” sabay tawa.

Kasama sa pag-tour ni Ivana ay pagpapakita ng kanyang mga undies, bras, at mga damit pantulog.  


Kaso, props lang daw pala ‘yun. Dahil ang totoo, she goes to bed with nothing on! 

Pero bigla siyang bumawi, “Siyempre, ‘pag may kasama ako, hindi ako nakahubad!”  


Hindi nga lang malinaw kung kapwa rin niya babae o lalaki ang kasama niyang matulog, boom ganernn!


IVA ka talaga, Ivana!



SI Rhian Ramos naman na super-sexy din tulad ni Ivana Alawi ay okey lang sa kanyang labs na si Dear SV a.k.a. Sam Verzosa ang mga isinusuot nitong sexy dress na halos mabilad na ang kanyang katawan na super-kinis with matching legs, legs, legs na nakakasilaw.


Sa preskon ng bagong lifestyle show ni Rhian sa GMA-7, natanong siya kung ano ang reaction ni Dear SV sa pagpo-post niya nang super sexy sa social media.


Sagot niya, “Ilang years na rin ako sa showbiz. Feeling ko, kahit paano, nakilala na rin ako ng mga tao. Alam nila ang aking kakulitan, sense of humor, kung ano ‘yung mga trip ko na damit.


“You can see it all naman on my Instagram. Si SV naman ‘yung not the tipo na parang sobrang protective na, ‘Uy, ayaw kong nagsusuot ka nang sexy.’ He really just lets me do what I want and accepts me for the way I am.”


Lucky you, Rhian Ramos at nakatagpo ka ng dyowang tulad ni Dear SV a.k.a. Sam Verzosa na tipong hindi insecure sa pagpapa-sexy mo, sa true lang.



WINELKAM ng ABS-CBN Star Music si Ms. Universe 2023 Michelle Dee, who is set to release her single Reyna this coming Friday, March 7.


Ayon kay Michelle, her first single titled Reyna is a collaboration between Star Music and GMA Music. 


Now just asking, magkaroon din kaya sila ng collaboration ni Rhian Ramos na mag-duet sila to sing Reyna


Well, kapag nangyari ‘yan, for sure, hindi na naman sila titigilan ng mga Marites at tribu ni Mosang sa pang-iintriga sa friendship nilang dalawa. 


Wanna bet, ha, Log?


‘Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page