top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 28, 2025



Photo Mark Herras - IG


Bihirang mag-video post si Superstar Nora Aunor sa socmed (social media), pero just recently ay may video post ito regarding the controversial singer Jojo Mendrez. 


“Excited akong makasama ka, Jojo, sa music video sa latest single mo under Star Music na Nandito Lang Ako,” naka-smile niyang sabi with matching happy face sa alok ni Jojo Mendrez para siguro matigil na ang mga intrigang tsismis tungkol kina Jojo at Mark Herras.


At siguradong susuportahan naman ito ng mga Noranians all over the world, devah naman, mga Marites at mga tribu ni Mosang?


“Close chapter,” na agad ang bungad ng mga managers ni Jojo na sina David at Vince ng Aqueous Entertainment, dahil ayaw na raw nilang magkaroon ng kaugnayan kay Mark Herras at ito ang kanilang ipinaliwanag sa Q&A portion during the emergency mediacon just recently na ipinatawag ni katotong Morly Alinio.


Sa dami ng naging kontrobersiya ni Mark Herras, may panibago na naman siyang isyu regarding sa pera na diumano ay inutang niya kay Jojo Mendrez.


Ayon kay David, malaking halaga diumano ang nakuha ni Mark kay Jojo bilang utang na more or less ay nasa P1 milyon mula sa pakiusap ng aktor dahil sa pangangailangan nito.


Posible raw na kausapin nila ang isang abogado para sa utang ni Mark.

Isa pa sa mga disappointments ni Jojo ay nang umalis si Mark at hindi na bumalik para mag-present ng award sa Star Awards for TV nitong weekend, gayung bayad ito in advance.


Buti na lang, sinalo ito ni Rainier Castillo na siyang humalili kay Mark.

Isa sa mga nagbigay ng rason para dumistansiya si Jojo ay ang isang pagbabanta umano ni Mark, ayon pa kay David. 


Posibleng ang pagiging magkaibigan nina Jojo at Rainier ang dahilan ng selos kung ito nga ang totoong naramdaman ni Mark kay Rainier. Nalaman daw kasi ni Mark na binigyan ng cellphone ng singer ang kapwa StarStruck star.


Sa tanong kay Jojo kung hahabulin ba niya si Mark sa mga nakuha nito sa kanya, kailangang mag-usap muna raw sila ng aktor bago siya magdesisyon.


Si Jojo ang tinaguriang “King of Revival” na siyang umawit ng Somewhere in My Past na unang pinasikat ng yumaong ‘70s teen star na si Julie Vega.


Ito ang unang collab nina Jojo at Mark kung saan merong honorarium fee na natanggap ang huli.


At ngayon ay original song naman na komposisyon ni Jonathan Manalo na pinamagatang Nandito Lang Ako (NLA) ang kanyang latest single.

Harinawa ay magpapreskon din si Mark Herras para linawin ang mga kontrobersiyal na isyu sa kanya. Pak, ganern!


Napakinggan din ni yours truly ang kantang NLA ni Jojo Mendrez at tipong hindi nagpahuli sa kanta ni Ogie Alcasid titled Nandito Ako, pero sabi ni Jojo, ang sa kanya ay may additional word na ‘LANG’. ‘Yun na!  


At for sure ay magwawagi rin ito sa mga music awards sooner than soon, wanna bet, ha, Log?


Samantala, napabilib kami sa mga managers ni Jojo na sina David at Vince na talagang suportado nila ang singer sa lahat ng laban nito.



PANGUNGUNAHAN ni Gerald Anderson ang bagong crime thriller mystery drama ng ABS-CBN Studios na pinamagatang Sins of the Father.


Makakasama niya rito sina Jessy Mendiola, JC De Vera, Shaina Magdayao, Joko Diaz, RK Bagatsing, Seth Fedelin, Francine Diaz, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, LA Santos at Tirso Cruz III.


Naganap noong Martes (Marso 25) ang story conference ng bagong teleserye na sasailalim sa direksiyon nina FM Reyes, na nasa likod ng Ang Sa Iyo Ay Akin at Linlang, at Bjoy Balagtas, na isa naman sa mga direktor ng Nag-Aapoy Na Damdamin.


Ang JRB Creative Production ang magpo-produce ng programa sa ilalim ng business unit head nito na si Julie Anne R. Benitez at creative manager na si Dindo Perez.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 28, 2025



Photo Kim Chiu sa PMPC - IG


SI Kim Chiu ang itinanghal bilang Best Drama Actress para sa seryeng Linlang sa katatapos lang na 38th Star Awards for TV ng PMPC last Sunday. 


Mangiyak-ngiyak na tinanggap ng aktres ang kanyang tropeyo at buong-pusong nagpasalamat sa ilang tao na nakatulong sa kanya upang magampanan nang maayos ang kanyang unang bida-kontrabida role sa telebisyon.


Samantala, si Piolo Pascual, Kim Chiu at Alden Richards ay may chemistry at puwedeng gawaan ng love angle. Ito ang nakita namin sa mga kilos at looks nila nang sila ay mag-host sa Star Awards for TV na ginanap sa Dolphy Theater of ABS-CBN last Sunday. 


Sey n’yo, Paulo Avelino at Kathryn Bernardo, plus siyempre mga Marites at tribu ni Mosang? Puwede naman, devah? ‘Yun na!



NAGING emosyonal si Janice de Belen na tinanggap ang pinakamataas na recognition (para sa isang artista o TV host) bilang recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award at nagbalik-tanaw siya sa kanyang pagsisimula bilang child star noong 1978.


Ang nagpakilala naman kay Julius Babao na ginawaran ng pagkilala bilang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award ay ang mentor niyang si Jake Maderazo, isang haligi ng ABS-CBN News and Public Affairs.


Tilian ang kanilang mga tagahanga nang umakyat sa entablado upang tanggapin ang kanilang tropeyo bilang German Moreno Power Tandem ang KimPau (Kim Chiu at Paulo Avelino) at BarDa (Barbie Forteza at David Licauco). Ang special award na ito mula sa German Moreno Foundation ni Master Showman Kuya Germs ay tradisyong iginagawad tuwing Star Awards for Television.


Madamdamin ring tinanggap ni Maritess Gutierrez ang plake ng pagkilala ng PMPC para sa kanyang namayapang inang si Gloria Romero na binigyan ng special tribute bilang isa sa Icons of Philippine Television at inalayan ng bonggang awitin ni Concert King Martin Nievera.


Sa pamumuno ng batikang dokumenarista na si Howie Severino, naroon din ang i-Witness team ng GMA-7, upang tanggapin ang parangal nila nang maluklok ang kanilang iconic program sa PMPC Hall of Fame Award as Best Documentary Program, sa pagkakapanalo nang labinglimang beses sa iisang kategorya sa loob ng maraming taon.


Nauna rito ay inihayag na ng PMPC Star Awards ang ilan pang nanalo sa iba’t ibang kategorya.


Ang 38th Star Awards for Television ay mula sa Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard at sa direksyon ni Eric Quizon. Ang pagbibigay-parangal na ito ay mula sa PMPC Star Awards sa pamumuno ni Mell Navarro na kasalukuyang PMPC President at Overall Chairman Rodel Fernando.


Mapapanood ang delayed telecast ng buong gabi ng parangal sa April 5, Sabado, 10:30 PM sa Channel A2Z.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 23, 2025



Melai sa PGT - FB

Photo: Melai sa PGT - FB


Tuwang-tuwa hindi lang ang press at mga online viewers sa mga punchline at banat ni Melai Cantiveros sa ginanap na mediacon kamakailan ng Pilipinas Got Talent Season 7, kundi maging ang mga judges ng talent show na sina Kathryn Bernardo at Eugene Domingo.


Host si Melai ng PGT 7 kasama si Robi Domingo, at talaga namang napapa-LOL (laugh out loud) sa kanya maging sina Kathryn at Uge dahil sa pagiging witty at humorous ng misis ni Jason Francisco.


Kaya nga naisip namin, kung meron sigurong maituturing na babaeng Vice Ganda sa galing magpatawa at pak na pak ang mga hirit na punchline, si Melai na ‘yun!


Kaya naman ang saya-saya talaga ng mediacon ng PGT 7 na nagkaroon pa ng Press Edition at sinalihan ng aming showbiz editor dito sa BULGAR na si Ateng Janice Navida, na in fairness, meron palang good singing voice na sabi nga ng mga judges na sina Mr. Freddie M. Garcia at Eugene Domingo ay… “May ningning ang boses mo!”


Sana pala, Ateng Janiz, ‘yung Bituing Walang Ningning ni Sharon Cuneta ang kinanta mo para lalo kang nagningning, pak!


Tsk, sayang at hindi nakasali si yours truly kasi namaga ang isang tuhod sa kapapraktis ng Billy Jeans dance moves. Pak, ganern! 


‘Di bale, there’s always a next time naman, eh. Devah naman, mga Marites, mga tribu ni Mosang at mga vloggers? 

‘Yun na!



WALASTIK, artista na rin ang premyado at busiest movie director na walang iba kundi si Direk Joel Lamangan.


Yes, Sir! Kasama siya sa Jackstone 5 movie ng Royal Star Media Productions Philippines, Inc. kung saan makakasama niya sa cast sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio at Jim Pebangco. 


At lahat sila ay beki, as in baklitas ang role rito, na ewan lang kung sino sa kanila ang tunay na bading in real life. Pahulaan n’yo na lang kay Madam Damin, pak, ganern!


Ang nasabing pelikula is a heartwarming rip-roaring comedy about friendship and the complicated ties that bind overseas Filipino workers to their families, ayon sa kanilang publicist na si longtime friendship Dennis C. Evangelista.


Sige, hintayin natin ang showing nitey at tingnan natin kung matatabunan ni Direk Joel Lamangan sa aktingan ang kanyang mga artista like Gardo, Eric Quizon, atbp..




LUBOS na tinatangkilik ng mga viewers ang parehas na pinag-uusapan at trending na ABS-CBN Studios produced action-drama serye na Incognito at pelikulang Sosyal Climbers (SC), kaya hawak nila ang magkaparehas na top spot sa listahan ng Netflix Philippines.


Simula nang ipalabas ang Incognito noong Enero 17, labis na tinutukan ng manonood ang kuwento ng Kontraks na sina Jose (Richard Gutierrez), Greg (Ian Veneracion), Miguel (Baron Geisler), Gab (Maris Racal), Tomas (Anthony Jennings), Max (Kaila Estrada), at Andres (Daniel Padilla), kaya naman nangunguna sila sa listahan ng most watched series. 


Naabot din nito ang all-time high viewership nito na may 997,260 peak concurrent viewers noong Pebrero 21.


Kasabay ng tagumpay ng Incognito ay ang pag-angat din sa number one spot ng Top 10 Movies ng Netflix PH ng kauna-unahang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN Studios at Netflix Original sa film na SC. Pinagbibidahan ito nina Maris at Anthony kasama sina Carmi Martin, Ricky Davao, Shanaia Gomez, Cheska Iñigo at Marissa Sanchez.


Sa pamamayagpag ng Incognito at SC, labis na pinuri ng mga netizens sina Maris Racal at Anthony Jennings na parehong tampok sa dalawang palabas dahil sa galing nila sa pag-portray ng kanilang roles at sa kanilang undeniable na chemistry. 




 
 
RECOMMENDED
bottom of page