top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 2, 2025



Photo: Jhon Rendez at Nora - Circulated


Three days ago ay nag-live si John Rendez sa kanyang Facebook official page at sinabing hindi madali ang kanyang pinagdaraanan ngayon dahil wala na ang kanyang lifetime partner na si Superstar Nora Aunor.  


Pagkatapos ng kanyang FB Live, nag-post naman si John Rendez ng mahabang mensahe at nakakaantig ng damdamin na tribute para sa kanyang “Pupoy” (tawag niya kay Guy) and here it goes...


“It’s still hard to accept that our beloved superstar and national artist is gone.  


“My greatest hurt is that I was not able to see her one last time before she was put into the ground. 


“By that time natakpan na po ‘yung coffin niya. 

“I have so many regrets in my life but she never gave me any reason for regret.

“She was the one good thing in my life.

“She gave me purpose.

“She gave me hope.

“She gave me love.

“Unconditional love.

“Not one night or day passes by that I don’ think about her.  

“Pupoy ko

“Ang sakit po.

“Sana po magkita tayo, soon. 

“Ang sabi ko sa iyo, kung saan ka, susunod po ako sa ‘yo.

“Ako ang shadow mo.

“God bless you and thank you for the many years you gave me happiness.

“I don't know if I’ll be able to smile again. 

“I love you so much.

“Higit pa sa buhay ko. 

“Hopelessly devoted po ako sa ‘yo.  

“Goodnight, my love. 

“Sana po, I’ll see you again soon. 

“Diyos na po ang bahala. 

“I love you forever 

“And beyond  

“I’ll never forget you po. 

“God bless you po, Miss Nora Aunor. 

“My one and only true love. 

“My soulmate

“Miss you so much.”


May plano ang Diyos sa bawat isa sa atin, basta magpakatatag ka lang, John Rendez, at siguradong 'yan din ang gugustuhin ng ating Superstar Nora Aunor, devah naman, Jen Donna Pegris Morena at Marie Cusi na mga huling nakasama ni Guy sa kanyang huling sandali?



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 30, 2025



Photo: Willie Revillame - Wil To Win



Samantala, kundi pa kami itinext ng aming kaibigan na si Robert Castañeda ay hindi pa namin malalaman na unang namatay ang mommy dearest ni Kuya Wil a.k.a. Willie Revillame kesa kina Pilita Corrales at Nora Aunor.


“Noong April 1 , 2025 namatay ang mother ni Willie. Agad na ipina-cremate kaya walang burol na naganap kasi agad na iniuwi sa Tarlac ang mga abo ng nanay niya ng kanyang mga half siblings.


"Nagtataka nga kami kung bakit walang wake para makipag-condolence at makiramay.

“‘Di rin pala s’ya nagpunta sa wake ni Ate Guy. Pero sa certain Gaita Forex daw, nagbabad ito sa wake, sabi ng isa niyang kaibigan sa ‘kin.


"Kung alam lang ng maraming kaibigan ni Willie, at least nakiramay sana ang mga kaibigan n’ya,” pagtatapos ng chat ni Robert kay yours truly.


Anyway, huli man daw at magaling ay taos-puso kaming nakikiramay kay Kuya Wil sa pagyao ng kanyang mother dearest. 


May she rest in peace sa kingdom of our heavenly father Lord God Jesus Christ. 

Amen!


Bongga ang casting ng Totoy Bato serye ng TV5 na isa sa mga obrang nobela noon ng iconic novelist-cum director na si Carlo J. Caparas. Muling bubuhayin ng Kapatid Network sa kanilang primetime slot ang Totoy Bato simula sa May 5, 2025, at 7:15 PM.


Hindi pa man natatapos ang Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa (LKSL) na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, kasado na ang ipapalit sa time slot nito na ang guwapong anak pa rin ni Gary Estrada ang bibida.


Si the late Fernando Poe, Jr. ang gumanap na Totoy Bato noon sa pelikula, habang si Robin Padilla naman ang nagbida sa TV remake nito sa GMA-7.


Kaya ang bongga ni Kiko, sa kanya ipinagkatiwala ang Totoy Bato kung saan gaganap siya bilang boksingero at ‘di basta lover boy lang, ha?


Makakasama sa powerhouse cast ng TB sina Bea Binene bilang si Emerald Espejo, ang kababata ni Totoy na may lihim na buhay bilang isang agent, at Diego Loyzaga bilang si Dwayne Perez, isa pang kababata na naging mortal na kaaway. 


Tampok din sa serye ang hanay ng mga tanyag na beteranong artista tulad nina Art Acuña, Nonie Buencamino, Mon Confiado, Mark Anthony Fernandez at Ms. Eula Valdez. 

May mga espesyal na pagganap din sina Joko Diaz, Tanya Garcia, Carlene Aguilar, Kean Cipriano, at Ms. Jackie Lou Blanco. 


Sina Cindy Miranda, Gold Aceron, Ivan Padilla, Andrew Muhlach, Billy Villeta, Benz Sangalang, at Lester Llansang naman ang kukumpleto sa cast sa kanilang pagganap sa mga natatanging karakter. 


Sa direksiyon ng LKSL director na si Albert Langitan, at sa produksiyon ng MavenPro, Sari-Sari Network Inc. at Studio Viva, ang TB ay muling matutunghayan sa TV5 para itampok ang kuwento ng isang bayaning Pilipino – walang mga superpowers, walang armas, kundi ang malakas na “tibay ng paninindigan.”


Huwag palampasin ang premiere ng Totoy Bato ngayong Mayo 5, 2025 – subaybayan mula Lunes hanggang Biyernes, 7:15 PM sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5 pagkatapos ng Frontline Pilipinas.




 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 26, 2025



Photo: Nora at Lotlot De Leon - IG


Nag-post sa social media si Lotlot De Leon ng letter para sa kanyang mother dearest na si Nora Aunor and here it goes…


“Hi, Ma. Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na rin naman sa ‘yo lahat, Mommy. At alam ko rin na ang bilin mo sa ‘kin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo. ‘Yung tinuro mo sa ‘kin na maging matatag, sinusubukan ko po talagang gawin. 


“Ma, maraming nagmamahal sa ‘yo. Sobra! Sana nakikita n’yo po ‘yun. They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo, sobrang grateful po.  


“Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always, Ma. Alam ko, hindi mo kami pababayaan sa bawat desisyon na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kami nagkakaisa dahil sa ‘yo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko.  


“Rest easy, Ma… Your daughter forever,  Lot (white heart emoji).”



SAMANTALA, na-miss ng mga manonood ang Maalaala Mo Kaya (MMK) at nagpaiyak agad sa unang episode.


Ang daming naging emosyonal sa pagbabalik ng MMK ngayong linggo.

Lumabas na ang bagong episode nito sa iWantTFC last Thursday kung saan tampok ang kuwento ng The Voice US (TVUS) Season 26 Grand Champion na si Sofronio Vasquez.


Marami ang napa-senti including yours truly nang masilayan uli ang MMK.


At s’yempre, ang nag-iisang host ng MMK na si Charo Santos pa rin ang naghahatid ng inspiring life stories every week. 


Iba rin talaga kapag narinig mo ‘yung linyang “Dear, Charo…” trademark na ‘yan ng MMK, kaya marami ang natuwa sa comeback ni Charo sa programa.


“Buti si Ms. Charo pa rin ang host. Walang makakapantay sa paraan niya ng pagsasalaysay. Ramdam mo ‘yung emosyon at bigat ng mga salita kapag siya ang nagkukuwento,” saad ng Facebook (FB) user na si John Michael F. Estadilla.


“Bilang batang ‘90s, lahat ng story ng MMK,  pinanood ko. Ang dami kong luhang naitapon sa kuwento ni Sofronio kasi sobrang relate ako. Pero grabe, nakakatuwa na nakabalik uli ang MMK,” comment ni Lhenegy Sanarva.


“Nakaka-inspire manood ng MMK kahit na ang dami kong iniyak. Sobrang tagos sa puso ‘yung kuwento at nagpapaalala rin na darating ‘yung araw na magbubunga rin ‘yung mga sakripisyo sa buhay,” sabi ni Rose Sapiter Ting.


Mabenta rin ang bagong version ng MMK theme song. Nagsanib-puwersa kasi si Sofronio at ang grand winner ng Tawag ng Tanghalan (TNT): School Showdown Edition na si Carmelle Collado. In fairness, maganda ang blending ng boses ng dalawa. No doubt kaya naman very deserved nila ang titulong singing champs!


Siguradong maraming excited sa next episode ng MMK dahil ipi-feature naman ang kuwento ni BINI Sheena. Siya rin kaya ang gaganap sa MMK episode niya? Well, abangan!


Available na ang bagong episode ng MMK sa iWantTFC at mapapanood din ito ngayong Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. 


Iba pa rin ang nag-iisang Charo Santos pagdating sa MMK, ‘di ba naman, Kapamilya Aaron Domingo?


‘Yun na! Boom!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page