ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 8, 2025
Photo: Christian Bautista - IG
Ang saya ng kuwentuhan nina Boy Abunda, Christian Bautista at Kat Ramnani sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last May 6 (Tuesday).
Ikinuwento ni Christian na inimbitahan niya noon si Kat na makipagkita sa kanya sa Greece dahil bahagi ito ng kanyang European tour.
“Funny story. Mayroong European tour na nangyari and then sabi ko sa kanya, ‘Mayroon akong European tour, magkita naman tayo sa Greece kasi nandu’n na ako, makakatipid tayo,’” ang ganda ng ngiting kuwento ng Asia’s Romantic Balladeer.
Ikinuwento rin ni Christian na naiwala niya ang engagement ring na kanya sanang
gagamitin para mag-propose sa noo’y nobya pa lamang na si Kat.
“So, pumunta s’ya doon. Itinago ko ‘yung engagement ring,” saad niya.
Sinabi ni Christian na habang nasa Europe, sinubukan niyang maghanap ng pinakamagandang lugar at moment para mag-propose, pero parang hindi ito umaayon sa kanyang plano.
Aniya, “I don’t know, hindi lumalabas, hindi ko ma-feel at that moment or spot, until mawala ‘yung engagement ring.
“Nawala ‘yung engagement ring kasi inilagay ko sa check-in baggage at ‘yung eroplano, ipinadala sa ibang bansa. So, parang nagtanong ako sa sarili ko na, ‘Is this a sign? What’s going on?' ‘Di ba? So, parang I was so, so distraught,” dagdag pa ni Christian.
Nakita naman ang bag at naibalik ito kay Christian.
“Thank God, after a few days, nahanap ‘yung bag, and then noong nakita ko ‘yung bag and ‘yung ring, I proposed that night,” sabi niya.
Natuloy din sa wakas ang proposal ni Christian kay Kat kahit simple at private lamang sa kanilang hotel room.
At ang kuwento naman ni Kat ay “He proposed to me in my pajamas na may butas-butas on our last night. So in all the beautiful spots in Europe, no. He just did it in the room, in private, in my Winnie the Pooh pajama with butas on it.”
Dagdag pa ni Christian na gusto niyang ipakita kay Kat na wala siyang kailangang iba sa kanyang proposal kundi si Kat lamang.
“Parang ipinakita ko rin sa kanya na I don’t need all of these sceneries. I just need you,” pagtatapos ng kuwento ni Christian.
BUONG-PUWERSA ang ABS-CBN News na magbabantay sa mga pangyayari sa araw ng midterm elections — bawat oras mula botohan hanggang bilangan — sa Halalan 2025 marathon coverage ngayong Mayo 12 hanggang Mayo 13 sa Kapamilya Channel, A2Z at ANC.
Ihahatid ng Halalan 2025 special coverage ang real-time updates, breaking news, at election analysis sa mga Pilipino saanman sa mundo sa ABS-CBN News at ANC 24/7 channel sa YouTube (YT) at sa iba pa nitong digital platforms sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG) at TikTok (TT).
Mangunguna sa paghahatid ng mga pinakamaiinit na balita at pagsulong ng katotohanan ang ilan sa mga batikang mamamahayag sa bansa na sina Noli “Kabayan” de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, Jeff Canoy, Zen Hernandez, Adrian Ayalin, Tony Velasquez, Karmina Constantino, Ron Cruz, at Rico Hizon.
Kasama rin sina TJ Manotoc, Stanley Palisada, Denice Dinsay, Michelle Ong at Migs Bustos.
Magpapatrol din ang ABS-CBN News reporters sa iba’t ibang sulok ng bansa para ihatid ang unang bugso ng mga resulta sa bilangan ng boto hanggang sa proklamasyon ng mga kandidato.
Nitong Enero, nakipagsanib-puwersa ang ABS-CBN News sa 30 ahensiya ng gobyerno, media partners, research agencies, poll watcher organizations at ilang unibersidad para sa Halalan 2025 coverage at panawagang malinis at tapat na eleksiyon.










