top of page
Search

For sure, marami sa atin ang nag-ala-chef o nag-practice ng cooking skills ngayong lockdown, kaya naman hindi lang sina nanay ang laman ng kusina kundi pati tayo rin.

Well, siguradong marami sa atin ang “baguhan” sa kusina o gustong gamitin ang pagkakataong nasa bahay lang para ma-discover ang mga puwede pa nating gawin.

At dahil baguhan tayo, anu-ano ang mga bagay na dapat nating malaman sa pagluluto? Mga besh, sabay-sabay nating alamin ang mga bagay na dapat nating iwasan para maging success ang ating bawat lulutuin:

1. MALING PAGDE-DEFROST. Kung nakasanayan mong mag-defrost ng karne sa pamamagitan ng simpleng paglabas nito mula sa freezer, stop it, besh. Ang tamang paraan ng pagde-defrost ay ang paglipat muna ng anumang frozen food sa refrigerator mula sa freezer. Ang mabagal na pagto-thaw ay paraan upang manatili sa constant temperature ang karne kung saan napipigilan nito ang pagkalat o pagdami ng bakterya na maaaring maging sanhi ng food-borne illnesses.

May tatlong paraan ng pagde-defrost, una, sa pamamagitan ng refrigerator. Ilipat dito ang karne overnight hanggang dalawang araw bago gamitin. Pangalawa, sa pamamagitan ng malamig na tubig at lastly, gamit ang microwave sa defrost setting.

2. PREHEAT. Ang pagpi-preheat ng pan ay paraan upang hindi dumikit ang pagkain dito. Kapag hindi preheated ang pan, hindi lang dumidikit ang pagkain kundi nagkakaroon din ng hindi magandang kulay ang pagkain. Gayundin, napipigilan nito ang paglabas ng flavor na nade-develop ng karne. Ang pagpi-preheat ng pan ay hindi nangangailangan ng mahabang oras dahil oks na ang ilang minuto, kaya naman mainam na maghintay para sure na mas maging malasa ang inyong lutuin.

3. CROWDED PAN. Kung preheated ang pan mo, pero punumpuno ito ng mga pagkain, hinay-hinay lang, besh! Kailangan mo ng mas mahaba pang pasensiya sa step na ito para mas maging magandang tingnan at masarap ang inyong niluluto. Kapag crowded ang pan o masyadong maraming laman, bumababa ang temperatura nito, kaya mas mahabang oras ang kakailanganin mo para matapos ang lahat ng nakasalang rito. Gayundin, maghihintay ka ulit bago bumalik ang eksaktong temperature para makapagsalang ng panibagong batch. Dahil dito, mas oks magluto per batch, lalo na kung medyo maliit ang iyong pan.

Alam n’yo na, beshies? Madali lang matutong magluto kung talagang gugustuhin natin at para magawa ito, may mga bagay tayong dapat malaman at iwasan pagdating sa kusina.

Sana ay may natutunan kayo sa artikulong ito at make sure na ise-share ninyo ito sa inyong beshies na nag-aaral ding magluto. Ayos ba?

 
 
  • Hugot Ka Bulgar
  • May 23, 2020

Bumili ako ng laruan na cellphone, tapos sabi... “Ayayay ang tagal mong mag-reply”

Hindi naman ako naghahanap ng ka-chat kahit mag-pm ka pa sa ‘kin.

 
 

Bukod sa banta ng COVID-19 na walang pinipiling edad o estado kung sino ang tatamaan, nagsisimula na ring magpabagu-bago ang panahon na madalas pagmulan ng iba’t ibang sakit kaya mahalaga na malakas ang ating resistensiya.

Pamilyar ba kayo sa mga infused drink o ‘yung karaniwang tubig ay hinahaluan ng iba’t ibang prutas o gulay upang mas maging healthy? Halos kapareho lamang ng mga paborito nating fruit juices, pero mas maganda ang epekto nito sa kalusugan dahil natural ito at mas mababa ang sugar content.

Sa mga gustong mag-try nito, narito ang mga fruits at veggies na best gawin bilang infused drinks:

1. Cucumbers. Ito ay nagtataglay ng minerals at vitamins na kailangan ng ating katawan. Nakatutulong ito upang magkaroon ng good digestion at pampabawas din ng timbang. Upang makagawa ng “cucumber infused drink”, maglagay lamang ng 8-10 slices nito sa tubig saka ilagay sa refrigerator sa loob ng 4 oras.

2. Lemon. Maraming health benefits ang lemon tulad ng pang-hydrate o pampaganda ng kutis, makatutulong din ito upang makaiwas sa kidney stones, good source ng Vitamin C at iba pa. Maglagay lamang ng 3-4 slices nito sa tubig, maaari itong palamigin sa refrigerator, pero ayos lang din kahit hindi pero dapat ubusin ito agad.

3. Orange. Isa ang “orange infused drink” sa mga best drinks ngayong mainit ang panahon at advisable rin ito para sa mga nagwo-workout dahil mayaman ito sa Vitamin C at minerals na kailangan ng katawan upang magkaroon ng maraming energy. Makatutulong din ito upang mapabuti ang daloy ng dugo sa ating katawan. Upang makagawa ay ihalo lamang ang 3-4 slices ng oranges sa tubig at ibabad ito ng overnight sa refrigerator.

4. Ginger. Ang pag-inom ng ginger water ay makatutulong upang mapalakas ang ating resistensiya, maiwasan ang indigestion, pagsusuka at heartburn. Epektib din itong pampayat at pampaganda ng buhok at balat. Maglagay lamang ng malilit na piraso nito tubig, maaari itong gawin 3-4 araw kada linggo kapag nag-uumpisa pa lamang.

5. Grapes. Bukod sa mayaman ito sa antioxidants, maganda rin itong panlaban sa heart diseases, pang-improve ng eye health, pagkontrol ng blood sugar at iba pa. Mas oks kung ilalagay muna ang mga ito sa freezer ng overnight bago ihalo sa tubig.

6. Pineapple. Nagtataglay naman ng anti-inflammatory at cleansing properties ang pineapple water at subok na rin bilang weight loss supplement. Maghiwa lamang ng ilang piraso nito saka ilagay sa tubig. Pero tandaan lamang na dapat itong inumin pagkatapos kumain.

Siguro naman ay alam nating health is wealth ngayon, kaya gawin nating healthy ang ating sarili at ang bawat miyembro ng pamilya. Kung sasabay lang din tayo sa mga trending ngayon, eh, sa healthy living na lang tayo makiuso. Ganern!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page