top of page
Search

Naka-lockdown pa rin ang lahat ngayon. Ang iba naman ay napilitan nang pumasok sa trabaho kahit may pandemic para kumita na ng pera. Halos 2 buwan kasing nanatili sa bahay at walang kita, kaya umaasa lang sa ayuda.

Sa hirap ng sitwasyon, napapaisip ang iba na kung sana ay nag-ipon na noon para may pang-emergency na magagamit ngayong may health crisis ay sana ginawa na. Ngayong balik-trabaho na ang ilan, dapat matuto na tayo kung paano maitatabi ang kahit kakarampot na kita.

1. HUWAG NANG PASOSYAL SA DAMIT. Mas mahalaga ngayon ang pagsusuot ng facemask at iba pang proteksiyon sa kasuotan. Wala nang panahon ang iba na uriin pa ang iyong suot basta’t sumusunod ka sa protocol na palaging malinis ang katawan, damit at naka-alkohol o hand sanitizer, d’yan ka mamuhunan.

2. MATUTONG MAGKONTROL ‘PAG NASA TINDAHAN NA. Kung hawak mo na ang matagal mo nang kursunadang pantalon sa department store, sandali lang at mag-isip ka muna. Baka naman may tatlo ka pa niyan sa cabinet mo, kailangan mo pa bang dagdagan? Sundin mo agad ang kutob mo kung nagdadalawang-isip ka. Bitiwan mo muna at maghapon o magdamag mo munang isipin kung talagang kailangan mo ang pantalon na ‘yun at itabi ang perang ipambibili mo kung aatras ka.

3. ANG PAUNTI-UNTING PAGBILI AY NAIIPON AT DUMARAMI. May kakaiba kasing disenyo ang coffee cup na ‘yun noong minsang magkape ka, kaya lang ang mahal. Pero huwag na lang, kung kape lang ang habol mo, bakit ‘di ka na lang magkape sa bahay at pasarapin ang iyong timpla? Kung kaya mo namang magluto ng masasarap sa bahay, huwag ka na lang umorder kung hindi ka masiyahan sa lasa at kakaunti lang ang laman.

4. INTERES SA CREDIT CARD, PAGTATAPON LANG NG PERA. Kung susumahin ang dami ng interes na tumubo sa pera sa credit card ay isa nang malaking aksaya at pagtatapon ito.

5. IWASAN DIN ANG LATE FEES. Kapag tumaas na ang payment fees dahil sa huling pagbabayad, hindi lang sa credit card at iba pang regular bills ay malaking sayang din. Kaya ang mabuti pa ay bayaran agad sa oras ang bills. Maaari kang mag-awtorisa nang mas maaga sa withdrawals mula sa checking account para mabayaran ang upa sa bahay, insurance, utang sa sasakyan, utilities, etc. Anuman ‘yan, basta nasa tamang halaga at walang charges.

6. DIREKTANG MAGDEPOSITO NG CASH. Higit kang makaiipon ng pera sa ganitong paraan lalo kung ugaliin mo na kada suweldo ay mag-iimpok ng 30 porsiyento mula sa kinita. Sikapin mong gawin ito at makakasanayan mo ang pag-iipon. Isa pa, ikaw ang siyang tutubo rito at hindi ang mismong bangko.

7. MAGTIPID SA GASOLINA. Sikaping laging bago ang gulong upang mas matipid ang konsumo ng gasolina. Iwasan din ang sobrang tulin ng pagmamaneho. Higit na aksayado ng 20 porsiyento sa gasolina kung 65 miles per hour ang takbo sa halip na 55 lamang.

8. GUMAMIT NG BISIKLETA. Kung nasa 5 kilometro lang ang layo ng pinagtatrabahuhan, puwede nang mag-bisikleta lalo na at prayoridad sa panahon na ito ang paggamit niyan bilang mode of transportation habang pinaiiral ang social distancing. Tiyakin lang na maayos ang gulong na gagamitin at mag-ingat sa daan.

9. IWASANG KUMAIN NANG MADALAS SA LABAS. Habang marami pang mga restaurant ngayon ang hindi nagpapa-dine in, pawang mga take-outs lamang ang pinapayagan, pero mahal pa rin ang umorder. Nakaka-miss na rin talagang kumain sa fastfood ngayon, pero iwasan na muna ang ganitong attitude. Orderin na lang ang menu na mas mura ang halaga dahil mahal ang espesyal na mga pagkain.

10. PAGTITIPID SA BOTTLED WATER. Dahil summertime, mas malakas tayo ngayon sa tubig. Nakakabutas din ng bulsa ang madalas na pagbili sa labas ng deboteng tubig. Pinakamainam na lamang ng sariling inuming tubig na kakasya sa buong maghapon sa trabaho.

 
 
  • Hugot Ka Bulgar
  • May 25, 2020

Isipin mo, A, B, C ‘yung choices, pero D ka pinili.

Kahit kabisado mo ‘yung lyrics ng Magbalik, hindi na siya babalik.

 
 

Bukod sa kasalukuyang nararanasan natin sa pandemic na unti-unti na ring nababawasan ang tindi ng epekto sa atin, sumasabay naman ang panibagong krisis sa kalusugan ang dala ng tag-init. Sa heat index na naitala sa nakalipas na araw ay talagang napakainit, na umaabot pa sa 50 degrees.

Kaya naman dapat ay mayroon tayong alternatibong paraan para hindi tayo ma-dehydrate.

Narito ang ilang tips para manatili tayong hydrated sa panahon ng summer:

Uminom ng maraming tubig. Dapat uminom ng maraming-maraming tubig upang ma-replenish agad ang anumang lalabas na tubig sa ating katawan. Kung kinakailangan, oras-oras ay gawin ang pag-inom ng tubig o kahit na anumang inumin tulad ng juice. Maaari ring kapag may inilabas na tubig sa katawan agad na uminom ng isang baso ng tubig. Iwasan ang uminom ng alcoholic drinks at may caffeine dahil mas magandang uminom ng sports drinks dahil may taglay itong sugar, nutrients at electrolytes na kailangan ng katawan.

Kumain ng pagkaing mataas ang water content. Mas mainam na tuwing kakain ay sasabayan natin ng mga pagkaing matutubig o mataas ang water content tulad ng watermelon o pakwan (92%), strawberries (91%), cucumber (95%), lettuce (96%), kamatis (94%), cabbage (92%), sabaw ng buko (95%) at marami pang iba. Malaki ang naitutulong nito na madagdagan ang tubig sa ating katawan para hindi tayo manghina.

Maging aware kung ilang beses pinapawisan. Magandang lumalabas ang pawis sa ating katawan dahil ito ay mga toxins na dapat maalis. Minsan, hindi natin namamalayang nasosobrahan tayo sa pag-eehersisyo. Sa ngayon, mas mainam na konting exercise lamang ang gawin dahil kung pinapawisan tayo nang sobra, masama ito sa ating kalusugan. Unti-unting nawawala ang tubig na kailangan ng katawan na dapat ay mayroong 60 porsiyentong tubig na naibibigay sa utak, puso, baga, kidney, skin, muscles at buto. Kung gaano tayo karami pagpawisan, dapat ay ma-replenish ito agad, kaya kinakailangang uminom ng maraming tubig.

I-check ang IHI. Ang kulay ng iyong urine o ihi ay indikasyon kung gaano karaming tubig ang kailangan at warning sign na maaaring dehydrated na. Dapat na pale yellow at clear ang ating urine. Kapag dark ang kulay nito, nade-dehydrate na ang isang tao. Ang pag-inom ng maraming tubig ay mainam na panlinis ng ating katawan. Maganda rin ang pag-inom ng sabaw ng buko o buko juice.

Maligo nang madalas. Kahit na hindi nakaka-hydrate ang pagligo, mas mainam naman ito dahil hindi tayo mabilis o agad papawisan. Magandang maligo nang medyo malamig na tubig dahil nare-refresh ang ating katawan at maiwasan ang mabilis na pagpapawis. Gawing dalawang beses sa isang araw na mag-shower o maligo.

Sa panahong hindi tayo nakakalabas ng bahay dahil patuloy pa rin ang community quarantine, ninanais nating maibsan ang sobrang init na nararamdaman na maaaring maging sanhi pa ng karamdaman. Tagaktak man ang pawis, may solusyon naman para hindi maubusan ng tubig ang katawan. Gawin natin ang ganitong paraan para hindi tayo mahirapan. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page