top of page
Search

Panahon ng krisis, paano mo ba hinaharap ang ganitong hindi pamilyar na sitwasyon? Inaasahan mo bang maging matagumpay ka habang hinaharap ang ganitong pagsubok? Kailangang harapin ang problema kahit nagiging negative thinker ka na.

Unang-una pansinin ang sarili na kung mayroon ka mang kinaharap na napakabigat na problema noon ay nagawa mo na rin naman itong lutasin, bakit hindi ngayon na panahon ng krisis sa pandemya? Napakaraming bilang ng mga nasubukan nang mga nilalang sa mundong ito ang nakalutas ng sarili nilang mga suliranin nang hindi nag-isip ng anumang negatibong bagay.

Halimbawa na lang ng mga estudyante na hinati sa dalawang IQ groups. Sinabihan ang kabilang grupo na ang kanilang IQ ay mababa kaya lalong bumabagsak ang kanilang performance kahit na ang kanilang IQ ay napakataas kung tutuusin. Habang ang mga estudyanteng sinabihan na napakataas ng kanilang IQ ay nagsimulang umibayo ang performance gayung sila ang talagang nasuring may pinakamababang mga IQ.

Ang pagtakdang negatibo sa bagay sa nakalipas ang magbibigay sa iyo ng paniniwala na hindi ka mahusay sa isang bagay at wala kang puwang para magtagumpay.

Ang mahirap pa, oras na natanim sa isipan mo ang paniniwalang ‘yan, nakukulong ka na sa ganitong pag-iisip, kaya naman inaasahan mong lagi kang bigo. Kaya ang kabiguang ‘yan ang magbibigay sa iyo ng maraming dahilan para asahan mong mabibigo ka ulit sa susunod. Kaya naman tuluy-tuloy itong mangyayari hanggang sa hindi talaga darating sa buhay ang magtagumpay.

Sa kabilang banda, kung inuugali mo nang imadyinin sa sarili na tagumpay ka, ito ang susi para makawala ka sa negatibong isipan gaya na rin ng mga estudyanteng nasuring lagpak ay nagawa nilang umibayo sa kanilang aralin, sapagkat iniisip nilang sila ay matalino kahit hindi.

Turuan mo ang iyong isipan na ang tagumpay ay madali lamang makamtan kapag ikaw ay naniniwala sa iyong sariling kakayahan.

Halimbawa na lang ng Olympic athletes, madalas nilang imadyinin ang sarili na perpektong nagpe-perform bilang bahagi ng kanilang training routine. Gaya nila, imadyinin mong kaya mong magpasirku-sirko sa hangin ng ilang beses. Kumbinsihin ang iyong sarili na kaya mo ito at mangyayari tulad na rin ng iyong iniisip.

Totoo ito sa mga walang kaya pero natututo dahil mas lamang na sa kanila ang positibong isipan. Pero kung gumugulo sa isip na hindi mo kaya ang lahat ng natututunan mo, maski hindi mo man maabot ang antas ng tagumpay na inaasahan, umpisahan na agad ang mabilisang programa ng positibong panghihikayat sa sarili. Kailangan ito para sa espesyal na atensiyon habang nagtatagumpay sa buhay.

Halimbawang tapos ka nang magtipa ng kuwento, hindi ba ang galing? Purihin mo na agad ang iyong sarili. Gantimpalaan ang sarili dahil sa nagtagumpay na trabaho. Ipunin mo na ngayon ang file na ‘yan. Isigaw sa sarili na “Nakagawa na ako ng kuwento!” “Mahusay na akong tao at lagi nang may kalakip na tagumpay sa bawat ginagawa ko!”

Kung bigla ka na namang nag-iisip ng pagkabigo, alisin ito sa isipan at sa halip ay palitan ng tagumpay na nangyari sa buhay. Sabihin sa sarili na matalino ka at mahusay na tao at karapat-dapat na maging tagumpay.

Paulit-ulit itong isaisip hanggang sa makasanayan na itong tanggapin at ugaliin sa isipan at gawain. Oras na matutunan mo nang papurihan ang sarili at oras na masimulan mo nang makaasa ng tagumpay at magugulat ka na lang kung paano ang dating mga hadlang ay sasapawan ng sariling paglago, nahahasa rin ang talent o career na sa simula’y maliit lang.

Hindi napapansin na kumakapit na ang tagumpay habang pinayayaman ang paglago ng pagkapositibo sa buhay.

 
 

Ngayong damang-dama natin ang init ng panahon, nagbabala ang mga eksperto na asahan nating titindi pa ito. Gayunman, isa ito sa kalaban ng mga kababayan nating nagbibisikleta papasok at pauwi sa trabaho, gayundin silang mga sumasabak sa mahaba-habang lakaran habang wala pang pampublikong transportasyon.

Bukod pa rito, hindi nawawala ang panganib ng heat stroke gayung wala itong pinipiling edad o tao. Kaya naman narito ang ilang paraan para maibsan ang init na nararamdaman at makaiwas sa nakamamatay na heat stroke.

Ayon sa Department of Health (DOH), maituturing na medical emergency ang heat stroke kaya hindi ito dapat dedmahin. Ilan sa mga sintomas nito ang mainit na pakiramdam, panghihina, pagkahilo, pananakit ng ulo, mabilis na tibok ng puso, mataas na lagnat at pagkawala ng malay.

Gayunman, ilan sa mga sanhi ng heat stroke ang mainit na panahon, matinding pag-e-ehersisyo sa mainit na panahon, dehydration at direct exposure sa araw.

Well, hindi man natin maiwasang lumabas ng bahay at ma-expose sa init, paano naman maiiwasan ang heat stroke?

  • Limitahan ang paglabas ng bahay

  • Uminom ng higit pa sa 8-10 baso ng tubig kada araw

  • Iwasan ang tsaa, kape, soda at nakalalasing na inumin

  • Gumamit ng wide-brimmed at long-sleeve na damit kung lalabas

  • Idepende sa temperatura ang paggawa ng heavy-duty activities

Ngayong alam na natin kung paano ito maiiwasan, anu-ano ang dapat gawin kapag may na-engkuwentro tayong inaatake ng heat stroke sa daan?

  • Ilipat siya sa malilim na lugar o sa loob ng bahay at ihiga habang elevated ang legs

  • Kung kaya niyang uminom, painumin ito ng malamig na tubig

  • Kailangan ding tanggalin ang damit, lagyan ng malamig na tubig ang balat habang nilalagyan ng ice pack ang kilikili, wrists, ankles at groin o singit

  • Pagkatapos gawin ang emergency measures, agad na dalhin sa ospital ang pasyente

Ayan, mga bro at sis, habang tumitindi ang init ng panahon at parami nang parami ang lumalabas ng bahay dahil kailangang magtrabaho, ‘wag ninyong kalilimutan ang ilang tips na ito para makaiwas sa nakamamatay na sakit, gayundin, upang makatulong sa sinumang aatakihin nito sa daan.

Sa mga ka-BULGAR nating araw-araw na nagbibisikleta at sumasabak sa mahabang lakaran, magpalakas kayo ng katawan at magbaon ng tubig sa daan. Copy?

 
 

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“Ang melon na tinatawag ding cantaloupe.”

Kaya ang melon ay binansagang cantaloupe ay dahil ito ang prutas na pinakamasarap sa isang bayan sa bansang French na ang pangalan ay Cantaluppi. Sa bayan ding ito unang pinatubo ang melon para sa maramihang produksiyon. Dahil dito, ang lahat ng melon na kumalat sa iba’t ibang panig ng mundo ay cantaloupe na ang ipinangalan.

Masarap ang melon, mas masarap pa kaysa sa mga prutas na kanyang kasabayan at mas maraming benepisyo na makukuha rito.

Nakapainit ng panahon ngayong summertime, kaya ang numero-unong kalaban ng mga tao ay ang dehydration na sa totoo lang ay madaling malulunasan sa pagkain ng melon.

Kapag nade-dehydrate ang tao, nawawala ang kanyang electrolytes kaya sinasabing mada-damage ang kanyang katawan. Pero sa pagkain ng melon na sangkatutak ang antioxidants, mabilis na malulunasan ang ganitong problema.

Taglay ng melon ang mga antioxidants tulad ng sumusunod:

  • Selenum

  • Beta carotene

  • Vitamin C

  • Lutein

  • Zeaxanthin

  • Choline

Ang melon ay ginagamit na panlunas sa asthma, kaya kung may asthma ka, ngayon na ang panahon para mawala ito dahil napakaraming melon sa panahon ng tag-init. Every day, kumain ka ng isang regular size na melon at ang asthma mo ay mawawala na.

Napakahusay din ng melon sa pagbababa ng blood pressure. Kapag napansin mong tumaas ang iyong blood pressure at nagkataong wala kang dalang gamot at malayo ka sa mga botika, kumain ka ng melon at mapapansin mo na normal na ang iyong pakiramdam.

Takot ka ba sa cancer? Kumain ka ng melon dahil ito ay isang prutas na may kakayahang talunin ang mga cancer cells.

Gusto mo bang gumanda ang kutis mo para magkaroon ng flawless skin? Ikiskis mo ang balat ng melon sa iyong balat at ibabad ng kalahating oras saka mo banlawan.

Mapapa-wow ka dahil kitang-kita at masasalat mo na ang iyong balat ay mas makinis, maganda at parang nagbalik ang iyong kutis sa panahon ng iyong kabataan.

Cantaloupe works wonder at ito ay dahil na rin sa taglay na nutritional facts. Ang raw cantaloupe ay naglalaman ng:

  • 90% water

  • 8% carbohydrates

  • 0.8% protein

  • 0.2% fat

  • 2020 μg ng provitamin A orange carotenoid, beta-carotene per 100 grams

  • Ang fresh cantaloupe naman ay magandang source ng Vitamins C at A.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page