top of page
Search
  • Hugot Ka Bulgar
  • May 30, 2020

Hinding-hindi kita pipilitin mag-stay sa buhay ko, kaya kung gusto mo nang umalis... sama ako.

Hindi porke malaki ‘yung tiyan, buntis na. Hindi ba puwedeng busog lang sa matatamis mong salita?

 
 

Marami sa atin ang natutuwa sa paggamit ng social media kung saan hindi lamang kabataan kundi maging ang matatanda ay nae-engganyo rin sa paggamit nito.

May ilan na ginagamit ito upang maipahayag ang kanilang sarili, opinyon o perspektibo at meron din namang ginagawa lamang itong pampalipas-oras o libangan.

Pero sa dami ng puwedeng gawin o lawak ng puwedeng maabot gamit ang social media, ito na rin ang gamit ngayon ng mga kriminal upang makapambiktima.

Gumagamit sila ng fake accounts upang makasalamuha ang kanilang target o madaling maka-access sa mga personal information nito.

Narito ang ilan sa mga signs o palatandaan na peke ang profile account ng isang tao:

1. Walang picture. Karamihan sa mga fake accounts ay walang matinong pictures at ang kanilang profile names ay hindi maituturing na pangalan ng tao. Kadalasan ay gumagamit sila ng mga picture mula sa Google o picture ng celebrity o attractive model.

2. Halos walang friends/followers. Kung kakaunti o iilan lamang ang friends o followers nito at wala rin kayong mutuals, makabubuti kung ika-cancel o ignore mo na ito. Kung pamilyar naman sa ‘yo ang DP o pangalan nito, i-check muna ang kabuuan ng account dahil posibleng ginamit lamang ito upang madaling makuha ang iyong atensiyon.

3. Kakaunti o iilan lang ang activity. Karaniwan, ang social media ay ginagamit upang makipag-ugnayan sa mga kaibigan at mag-share ng impormasyon, thoughts o saloobin, memes, nakakatawa o inspiring videos at kung anu-ano pa, kaya kung makatatanggap ng friend request mula sa taong hindi mo kilala, mabuting i-check muna ang kanilang mga updates o activity.

4. Puro spam ang laman ng timeline. Kung meron man silang activity sa social media, madalas ay spam lamang ito—pare-pareho ang mga link na isi-share nang paulit-ulit. Maging aware sa mga ito, ‘wag lang basta i-unfollow, i-block na lang para makasigurado.

5. Magtiwala sa gut feeling. Tanungin ang sarili, “Kilala ko ba ang taong ito, at kung hindi, ano’ng motibo niya?” Kapag pakiramdam mo ay kahina-hinala o may kakaiba, hindi ito dapat dinededma.

Walang imposible sa mga kriminal, posibleng ikaw mismo ang target nito o puwede rin namang ang mga taong malapit sa ‘yo at ikaw lamang ang gagamitin upang makakuha ng impormasyon sa kanila.

Huwag malito kung ang ilan sa mga nasa friend list o followers mo ay may kapareho sa mga nabanggit, ito ay dahil magkakaiba ang trip ng mga socmed user. Pero siyempre, aware pa rin dapat at tulad ng paulit-ulit nating paalala, ‘wag basta magtitiwala lalo na kung sa social media lamang nakilala. Okay?

 
 
  • Hugot Ka Bulgar
  • May 29, 2020

‘Wag kang matakot simulan ang business idea mo. Nag-invest ka nga sa maling tao, eh.

Panis ‘yung aircon sa mall sa lamig na pinaparamdam mo sa akin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page