top of page
Search

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“The number one cancer fighting vegetable is no other than broccoli.”

Nakakatakot ang sakit na cancer. Marinig mo pa lang ito, tutubuan ka ng nerbiyos dahil sa lahat ng klase ng sakit, cancer ang higit na kinatatakutan ng lahat.

Pero may isang gulay na ipinapayo ng lahat ng doktor sa mga pasyenteng may cancer at sa mga may sakit na puwedeng maging panlaban sa cancer at ito ay ang broccoli. Gayunman, ayon na rin sa mga doktor na nagsunog ng kilay sa larangan ng medisina, may cancer o wala ang tao, dapat na ugaliing kumain ng broccoli.

Dahil sa ginawang pag-aaral sa broccoli, natuklasan na ang taglay nito na sulforaphane ay napakabisa na panlaban sa cancer cells.

Sa ngayon, parami nang paparami ang nagbibigay ng personal testimony na sa pagkain nila ng broccoli, nawala na ang mga cancer cells sa kanilang katawan.

May cancer man o wala ang isang tao, mas maganda pa rin na mawili sa pagkain ng broccoli dahil sa mga sustansiyang makukuha rito tulad ng:

Vitamins A, B1 (Thiamine), B2 (Riboflavin), B3 (Niacin), B5 (Pantothenic acid), B6, C, E at K Lutein Beta Carotine Folate Coline Calcium Iron Magnesium Manganese Phosphorus Potassium Sodium Zinc Nakagugulat ang napakaraming sustansiyang meron ang broccoli kaya hindi nakapagtataka na ang mga sundalong Romano ay naghanap ng broccoli sa mga pinuntahan niyang mga bayan pagkatapos ng kanilang pakikipagdigmaan sa giyera.

Ang salitang “broccoli” ay isang Italian word na ang ibig sabihin ay bulaklak sa itaas ng trono. Kaya lalong kinaadikan ito ng mga sundalong Romano dahil it sounds like they will always win every war. Good luck!

 
 

Sa rami ngayon ng panahon at oras ng mga magulang para sa kanilang mga paslit na anak, dagdag pa na baka mismong magulang na ang gagabay sa mga aralin ng anak kapag naipatupad ang online system sa pag-aaral ay isama na ang pagtuturo sa pinansiyal na responsibilidad na magbibigay sa kanila ng kailangan nilang gabay habang lumalaki at maging responsableng tao pagdating sa pera.

Ayon sa pag-aaral, ang mga taong natututo ng pinansiyal na responsibilidad sa murang edad pa lang ay hindi nangungutang at mas maraming naiipong pera pagsapit nila sa tamang edad.

1. ITURO SA BATA ANG TUNGKOL SA PERA. Ipaliwanag ang iba’t ibang klase ng bills na inyong binabayaran at ang halaga ng payment due dates. Ituro rin sa bata ang tamang pagkumpara sa presyo ng items para makahanap ng mas murang bilihin.

2. IPAKITA SA BATA KUNG PAANO MAG-BUDGET. Ang mahusay na pagba-budget ay kakayahan na dapat matutunan. Hayaan siyang makatulong sa ‘yo sa paggawa ng budget ayon sa kanyang allowance. Ipakita ang pera na mayroon siya, kung saan niya ito gagastusin at kung paano niya ito iipunin.

3. ISAMA SA PAMIMILI SA PALENGKE AT GROCERY. Ipaliwanag sa kanya kung magkano ang iyong badyet para sa grocery at pamamalengke at pag-usapan kung ano ang mahalagang dapat bilhin. Ipakita sa kanya kung paano ikukumpara ang presyo sa mas makamumura. Ito ay para maranasan niya kung paano mag-budget nang tama.

4. MAG-OPEN NG SAVINGS ACCOUNT MULA SA PERA NG BATA. Bigyan ito ng oras at turuan kung paano palaging dagdagan ang savings. Ipaliwanag ang interes sa account at kung paano ito lumalago.

5. ITURO ANG PANGANIB NG SOBRANG PAMIMILI. Sabihin sa bata na iwasan ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan at walang kuwenta. Bigyan ng kaibahan ang mga item na kailangan mula sa bagay na gusto lamang. Tiyakin na mauunawaan ng bata ang paliwanag kapag mahal ang isang bagay. Mainam na malaman niyang pinag-iipunan muna ang isang bagay na gusto niyang bilhin, para maiwasan ang pangungutang at paggamit ng credit card sa kanyang pagtanda. Dapat ay mabili lang ang isang produkto sa tamang paraan at tunay na kailangan at magagamit.

6. BAYARAN ANG BATA SA MAHUSAY NA GAWAING-BAHAY, MAGING SA LOOB NG BAKURAN. Makatutulong ito sa bata para makasanayan na niya ang pag-iipon ng sariling pera. Natutulungan din siyang mapahalagahan ang pinaghirapang pera mula sa pagtatrabaho. Tiyakin na makukumpleto ng bata ang kanyang mga gawain at natutupad nang maayos ang itinalaga sa kanya.

 
 

Marami na naman tayong nababalitaan na kinikitil ang sariling buhay dahil sa bigat ng dinadalang problema. Guys, tanggapin natin na nasa gitna tayo ng krisis sa pandemic. Habang tayo ay humihinga, malakas ang katawan, walang sakit, isang malaking biyaya na ‘yan mula sa Diyos.

Pero bakit may sumusuko, lalo na ang mga nakababata pa ang edad? Para ring virus ang pagpapatiwakal na kung sinuman ang biglang tatamaan na magulong-magulo ang isipan ay bigla na lang tatapusin ang sarili. Walang sabi-sabi dahil produkto ng stress ngayong may COVID-19 pandemic. Noon, buma-banner sa mga balita na 9 sa bawat Pinoy kada araw ang nagpapatiwakal maging sa ibang bansa tulad ng U.S. at baka ngayon ay mas tumaas pa ito.

Paraan na ‘yan ng mga ilang kabataan na takasan ang anumang tensiyon at masasakit na pinagdaraanan kaya ang pagsu-suicide ang ikatlong pinaka-unang dahilan ng kamatayan sa mga edad na ‘yan. Kung minsan, wala silang warning sign sa masama niyang balakin. Ang masama pa, matapos ang suicide ay sobrang guilt ang nadarama ng buong pamilya at mga kaibigan dahil hindi nila nasagip ang minamahal nilang biktima. Para mailigtas siya, heto ang ilang senyales para malaman kung may tangka nang mag-suicide ang kaibigan o mahal sa buhay at kung paano sila sasagipin.

1. Makinig kapag may idinaraing nang mabigat na problema ang mahal sa buhay. Bigyang atensiyon ang mga salitang may pagkadesperado na. Kadalasan, ang suicide ay mula sa sama ng loob at depresyon na kanyang nararamdaman, gayundin, sa panahon na dama niyang parang wala na ang lahat sa kanya. Tulad ng kalungkutang hatid ng pagka-quarantine sa isang lugar na hindi siya pamilyar, kawalan ng trabaho o pagkakakitaan, nakadaranas ng kaunting kalinga, hindi nakakapiling ang pamilya, pakiramdam na wala nang masusulingan dahil na rin sa takot na mahawaan ng coronavirus at kung anu-ano nang negatibo na naiisip. ‘Yung iba naman ay namatayan pa ng mahal sa buhay o pagkaubos ng kanyang kabuhayan. Ito na ang mga negatibong bagay na nagtutulak sa kanya na kitlin ang sariling buhay.

2. Kausapin siya hinggil sa kanyang nadarama. Hayaan siyang magsalita nang magsalita. Seryosohin mo ang anumang senyales na ito na tatapusin niya ang kanyang buhay kahit pabiro lang ito. Marami kasi ang nagkakamali na nagbiro lang siya at hindi niya gagawin. Sa ilang kaso ay nagkakatotoo ito, pero dahil nasabi niyang puwedeng intensiyon niya talagang ituloy ito. Kaya seryoso kang magbantay sa anumang masasabi ng naturang tao.

3. Tawagan o bisitahin siya nang madalas. Ito ay para malaman niya nar’yan ka at sumusuporta sa kanya. Mapag-aaralan mo ring mabuti ang nakababahalang mga pagbabago niya sa tuwing tumatawag o bumibisita ka. Halimbawa, bigla na lang siyang tumahimik makaraan ng ilang linggong sobrang kalungkutan, umiiyak, pagrereklamo o pagsasalita at naroon pa rin ang labis na kalungkutan at hindi nagbabago. Napapansin mo ba na humihinga ka na nang malalim at nakikita mong nasa isang sulok na lang siya parati, tahimik at madilim at nakakapag-alala, ‘di ba? Masamang senyales ‘yan dahil ibig sabihin, dumating na siya sa isang desisyon na lunasan ang problema – sa pamamagitan ng pag-suicide.

4. Ipaalam na agad sa iba pang mahal sa buhay niya at mga kaibigan ang sitwasyon ng tao o kaya ay sa mga awtoridad tulad ng 117. Sabihin na sa kanila kung ano ang iyong nakikita at naririnig. Mahalaga ito dahil maaaring sinasabi at ipinakikita niya ang senyales ng suicide na hindi niya ibinabahagi sa loved ones niya. Halimbawa, gumawa ba siya ng update sa mga pamamanahan? Ipinamimigay na ba niya ang mga personal na gamit sa mga kaibigan? Ang maliliit na senyales na ito na ‘inilalagay sa ayos ang kanyang relasyon’ ay isang malakas na pasya na siyang kitlin ang sarili.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page