top of page
Search

Isang malaking hamon ang pag-iipon ng pera kapag single tayo dahil napakaraming tukso tulad ng online shopping, cravings at kung anu-ano pa, pero kapag may asawa o partner ka na, mas mahirap. Agree?

Dito na kasi pumapasok ang magkakaibang opinyon at habit pagdating sa paggastos at pag-iipon, gayundin ang financial goals.

Pero paano nga ba makapag-iipon ang mga mag-asawa para maging financially stable?

1. UNAWAIN ANG FINANCIAL HABIT. Mahalagang malaman ang financial background ng bawat isa, gayundin ang concern, habits at goals. Intindihin ang existing responsibilities niya. Ayon sa mga eksperto, kapag nauunawaan ng mag-partner ang past financial habits ng bawat isa, makatutulong ito sa pag-abot ng kanilang goals tulad ng dream house.

2. IWASANG MAHALUAN NG EMOSYON. Bagama’t kailangang regular na mapag-usapan ang finances, hindi dapat madamay dito ang inyong emosyon. Mahalaga na maunawaan din ang ideya at opinyon ng iyong partner. Sa pagiging “financially naked” and honest, puwede n’yong malutas ang financial struggle nang hindi nawawala ang compassion sa isa’t isa.

3. BAYARAN AGAD ANG UTANG. Kung sinuman ang may utang sa inyo, lalo na sa bangko, mahalagang mabayaran ito agad dahil maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa inyo pagdating ng panahon.

4. PAG-ARALAN ANG JOINT ACCOUNT. Para sa mga mag-asawa, mahalaga na magkaroon ng ipon mula sa pera ninyong dalawa bukod pa sa individual account. Bakit? Lahat ng expenses sa bahay, kotse at pagkain ay puwedeng kunin dito, gayundin, ang future expenses ng inyong mga anak.

5. I-RECORD ANG BUDGET AT SAVINGS. Well, given na ito pero mga besh, iwasang isikreto ang mga purchases sa isa’t isa dahil dito magsisimula ang pagkalabu-labo ng inyong pagba-budget. Magkaroon ng spreadsheet o listahan kung saan dapat may access kayong dalawa at dito ilagay ang lahat ng expenses, budget at naitatabi o ipon. Kung may mga dokumentong kailangan, mabuting itabi rin ito for future reference.

6. EMERGENCY FUND. Ngayong may pandemic, natutunan natin ang kahalagahan ng emergency fund. Hangga’t may pinagkakakitaan, sikaping maglaan ng pera para rito dahil bagama’t hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng emergency, alam natin kung gaano ka-convenient ang pagkakaroon ng pera para sa ganitong sitwasyon.

Sa totoo lang, hindi naman kumplikado ang pag-iipon, extra challenge lang ang pagkakaroon ng partner lalo na kung magkaiba kayo ng financial goals and habits.

Pero sa pamamagitan ng ilang tips na ito, sana ay may natutunan kayo dahil for sure, magagamit n’yo sa future. Happy saving, ka-BULGAR!

 
 

Sa panahon ngayon, naging lifesaver ang online shopping dahil hindi mo na kailangang makipagsiksikan sa labas para lang makapamili ng iyong mga kailangan. Pero hindi porke convenient ay wala na itong risk.

Talamak din ngayon ang mga scammer kung saan magpapanggap silang seller at kapag nakuha na ang iyong pera, maglalaho na lang bigla at wala nang item na darating sa iyo. Ouch!

Kaya para iwas-scam, narito ang mga dapat gawin para malaman kung legit o fake seller ang inyong makakatransaksiyon:

1. MAG-STALK. Parang pang-i-stalk lang sa crush mo, ganern! Kidding aside, kailangan mo itong gawin para makilala kung totoong seller siya. Hanapin ang social media account tulad ng Facebook dahil baka gawa-gawa niya lang ang kanyang pangalan bilang seller. Paano? Siyasating mabuti kung totoong account, tingnan kung aktibo dahil baka ginawa lang niya ito para makapanloko. At higit sa lahat, tingnan kung may mga friends na nagre-react o comment sa kanyang posts.

2. REVIEWS. Maghanap ng reviews tungkol sa seller. Hindi lang positibong reviews ang sinasabi natin dahil kailangan mo ring malaman kung may nagsasabing scammer o may naloko ang seller na ito.

3. MANGHINGI NG ACTUAL PHOTOS. Madaling makapanloko ang mga seller dahil sa panahon ngayon, halos pare-pareho ang itinitindang items ng iba pang sellers, kaya madaling magnakaw ng photos sa internet at i-claim na ito ang paninda niya. Para makasigurado, humingi ng actual photos ng item para alam mong may itinitinda talaga siya. Another tip, magtanong tungkol sa items at kapag ‘di niya masagot ang mga ito, it’s a sign dahil ang totoong seller ay alam ang lahat ng tungkol sa kanyang paninda.

4. I-TEST ANG SELLER. Kung hindi ka pa rin 100% kumbinsido, puwede mo munang subukin ang seller. Subukan mo munang bumili ng isang item at ‘wag manghinayang sa shipping fee dahil mas malaki ang mawawalang pera sa iyo kung hindi darating ang mga binayaran at pinamili mo.

5. MAGPA-HARD TO GET. Kung masyadong mapilit si seller sa mga paninda niya o mababa ang presyo, think twice, besh, dahil ‘di natin knows kung may sira o peke ang item. Tandaan, ang tunay na seller ay matiyaga at hindi nangungulit ng kustomer. Pera mo ang gagastusin kaya ikaw ang may “say” dito.

Bagama’t napakadali ng buhay dahil sa online shopping, 100% na tayong magtitiwala rito. Tandaan, mautak ang mga kawatan at kahit may pandemya, patuloy na umaatake ang mga ito.

Maging wais buyer sa pamamagitan ng tips na ito at make sure na ibabahagi n’yo ito sa kapwa niyo mahilig sa online shopping. Gets mo?

 
 

Maraming nawalan ng hanapbuhay ngayong may COVID-19 pandemic. At dahil hindi puwedeng umasa lang sa ayuda ng gobyerno, marami na sa atin ang sumubok ng iba’t ibang klase ng negosyo.

Well, magandang paraan ito hindi lang para kumita ngayong pandemya kundi para mapag-aralan kung saang business dapat mag-invest na swak sa iyong resources.

Kaya naman, narito ang ilang negosyo na patok ngayong may pandemic:

  1. DELIVERY SERVICES. Sa panahon ngayong marami ang ayaw nang lumabas ng bahay, ito ang takbuhan natin. Kung mayroon kayong sasakyan o motorsiklo na puwedeng gamitin sa pagde-deliber, oks itong subukan. Patok ngayon ang online selling kung saan via delivery ang kadalasang ginagamit ng mga sellers, kaya for sure, ‘di ka lugi rito.

  2. FOOD. Isa sa pinakamabentang produkto online ang pagkain. Puwedeng pastry, ulam, meryenda at marami pang iba. Kung gusto mong pagkakitaan ang iyong hobby na pagluluto, try n’yo ito dahil for sure, papatok ito basta alam mo kung ano at sino ang target market mo.

  3. GROCERY. Kung medyo malaki ang puhunan mo, puwede kang mag-invest sa mini-grocery. Sa panahon kasi ngayon, kailangang maglaan ng maraming oras para makapag-grocery, kaya para hassle-free, mas gugustuhin nilang pumunta sa mini-grocery. Hindi kailangang maging bongga dahil basta meron kang ibebentang basic necessities tulad ng pagkain, toiletries at iba pang pangunahing pangangailangan, oks ka na.

  4. CLEANING MATERIALS. Dahil level up sa paglilinis ang mga Pinoy ngayong may pandemic, oks din itong gawing pagkakitaan. Isa pang tip, bago ibenta, subukang gamitin ang mga produkto para maibahagi sa iyong potential clients ang performance ng mga ibinebenta mo. Sa ganitong paraan, mas madali kang kikita dahil may feedback silang makukuha mula sa mismong seller.

  5. MEDICAL SUPPLIES. Mask, gloves at face shields – ilan sa mga ito ang in-demand ngayon dahil ginagamit itong proteksiyon para makaiwas saa COVID-19. Kailangan mo lang makahanap ng mapagkakatiwalaang supplier para makakuha ng magaganda at sulit na presyo ng suplay. Kapag nakabenta, puwede ka nang maghanap ng resellers nang sa gayun ay maging mabilis ang pagpasok sa iyo ng pera. Pero ingat sa mga scammer na supplier at resellers, ha?

Hindi lahat ng negosyo ay kailangan ng malaking kapital para masimulan. Minsan, kailangan lang ng sipag at tiyaga, gayundin, gamitin nang tama kung ano ang meron tayo.

Kaya para sa mga beshies natin na willing sumabak sa pagne-negosyo para magkaroon ng kita habang may pandemya, try n’yo na ang mga ito. Keep safe, ka-BULGAR!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page