top of page
Search

Bagama’t tapos na ang laban ng bansa kontra ISIS sa Marawi City at nalipol na ang mga pinuno ng mga terorista, hindi pa rin nakasisiguro ang lahat na buwag na ang kanilang samahan o organisasyon.

May mga ulat na nagpaparamdam pa rin ang ilang tauhan ng terorista na aktibo pa rin ang grupo sa mga banta ng paghahasik ng takot sa mamamayan, partikular na sa Mindanao.

Target nila ang mga sibilyan at kung magkakaroon ng pagkakataon na makabuo ng mga mekanismo sa isang lugar, doon na sila magpupugad at paplanuhin ang masamang balakin laban sa gobyerno at militar.

Upang hindi na maulit ang digmaang naganap sa Marawi at Zamboanga kung saan libu-libo ang naapektuhan, maraming nasawi at bumagsak ang kabuhayan, paano tayo makaliligtas sa pag-atake nila? Heto ang payo ng isang sikologo na si Rohan Gunaratna, Ph. D.

Kinakailangan ng bawat gobyerno na magkaroon ng seryosong diplomasyang ugnayang pampubliko hindi lamang sa gobyernong sumasaklaw sa kanilang lugar kundi maging sa kanilang publiko.

Alam naman ng mga kapatid nating nasa Mindanao o iba pang malalayong lugar na ang gobyerno ay gumagawa ng paraan upang masugpo ang kahirapan, mapag-ibayo ang edukasyon at tumaas ang standard sa pangangalaga ng kalusugan sa umuunlad na bansa.

Sa kabilang banda, ang gobyerno naman ang dapat makipag-ugnayan sa pribadong sektor upang maprotektahan ang mga ito sa kanilang pag-aari sa lahat ng sulok ng bansa.

Ang gobyerno ay dapat may sapat na sandata at bigyan ng sapat na kaalaman ang mga private security professional at organisasyon.

Dapat ding nakikipag-ugnayan sa politicians, leaders at mga edukador upang makuha ang mensahe na ang mga terorista ay nalilihis sa utos ng kanilang mga relihiyon.

1. Banta nga ba ang iba pang terrorist groups sa bansa?

Halimbawa na lang ang isang ISIS group na humihikayat ng maraming sumusulpot na teroristang grupo at nagre-recruit ng bago. Nagagamit pa ang mga ito sa social media upang makakuha ng mga bata at bagong tauhan.

Sa bawat tatlong teroristang nalalagas o nahuhuli, lima agad ang lumalahok sa grupo bilang kapalit. May kapasidad silang pasukin ang mga kumpanya o mambiktima ng turista.

2. Anong uri ng mga sandata ang ginagamit ng mga teroristang ito?

Ang banta nga ba ng chemical, biological o nuclear attack ay nagagamit? Halimbawa na lang ang Al-Qaeda, mahirap sa kanila na makagamit ng biological o fissionable weapons dahil ang global control nito ay mahigpit.

Gayunman, sa ilang punto, pinagsuspetsahan na ang organisasyon ay nakapagsagawa ng pag-atake sa pamamagitan ng paggamit ng chemical agents o radio local dispersal device o dirty bomb.

Ang mga dirty bomb ay conventional explosive na ibinabalot sa mga radio active waste material. Habang hirap ang mga terorista sa pagbili ng nuclear bomb, ang mga nuclear waste naman ay pawang 'readily available' kung saan-saan. Ang mga nuclear power plant ay nagpo-produce ng tone-toneladang dumi sa lahat ng dako ng mundo kada taon.

Ang ulap ng radio activity mula sa dirty bomb ay maaaring makawasak ng isang malaking siyudad at malagay sa peligro ang libu-libong tao sa pamamagitan ng radiation poisoning.

3. Kailangan bang mangamba ang sambayanan sakaling pasukin na naman ng terorismo?

Ang mamamayan ay kinakailangang maging vigilante, preparado at depensibo. Kung ang publiko at security agencies ay mananatiling mapagmasid, nakikiramdam at may malasakit, mabibigo ang mga terorista sa pag-atake at hindi makapagplano ng sunud-sunod na pagpapasabog sa matataong lugar at kumitil sa buhay ng mga sibilyan.

Ito ay upang hindi sila makapag-ipon ng pera at sandata mula sa supporting members. I-report agad sa mga awtoridad ang mga hinihinalang terorista.

 
 

Ilan na bang mga bata ang nababalitaan nating na-stroke dahil sa kalalalaro ng games sa gadgets kung saan nalilipasan na ng gutom, wala nang pahinga ang mata at wala pang tulugan? Mayroong tuluyang nasawi dahil sa pagkalulong sa kapipindot ng kanilang mobile phones, gayundin, dahil hindi mabitiwan ang popular na games, nakalilimutan na maski uminom ng tubig o maligo.

Hindi lang sa matatanda masama ang hindi pag-e-ehersisyo o walang galawan na aktibidad sa loob ng bahay kundi pati na rin sa mga bata. Napakainam sa kalusugan ng habang bata pa ang maging aktibong pisikal. Kaya hindi sila dapat sinasaway sa pakikipaghabulan sa kalaro, maglulundag at magpapawis dahil nakapagpapalakas ng immune system, muscle, baga, utak at higit sa lahat, puso ang pagiging malikot.

Ang gadgets ay puwedeng gamitin ng lagpas sa 3 oras sa isang araw. Itakda ang mas mahabang tulog na walong oras, apat na oras sa mga gawaing bahay, apat na oras sa paggawa ng assignments o projects at ang matitirang oras ay para sa ehersisyo niya.

Heto ang tips para mas maging mahilig sa pagpapalakas ng katawan ang bata at laging pagpawisan. Kahit hindi siya interesado sa una, dapat sa maagang edad pa lamang ay mahikayat na siyang maging aktibo.

1. PAPILIIN SA AKTIBIDAD NA GUSTO NIYA. Pagtakbo ba tulad mo na mahilig sa jogging, jumping rope, pagba-badminton, table tennis, swimming, ballet, wall climbing etc. ang ituturo sa kanya? Hayaan siyang makapili ng komportable sa kanyang laro. Kung nais niyang makalaro ng taguan ang playmates, go! Payagan siya. Huwag matakot na marumihan o masugatan nang bahagya ang bata. Paalalahanan lang siya na mag-iingat upang hindi mapilayan o mauntog.

2. HAYAAN KAHIT ALANGANIN ANG GUSTO. Kung babae ang bata pero gusto ng basketball, ayos lang, astig! Kung ang lalaki naman ay mas pinili ang ballet o figure skating, gora lang para sa ikalalakas ng bata.

3. SOLO ACTIVITIES. Magmungkahi ng aktibidad na okey para sa kanya na solo niyang gagawin tulad ng pagsasayaw, gymnastics, running, martial arts, horseback riding o cycling kung hindi pa siya handang makihabulilo sa ibang bata.

4. HIKAYATIN SA NON-SPORTING ACTIVITIES. Kung ayaw naman niyang labis na mapagod, subukan ang ibang skills tulad ng pagpipinta, pananahi, pagdo-drawing, pagtugtog ng drums, gitara at iba pang musical instruments upang manatili ring aktibo ang kanyang utak.

5. GAWAING-BAHAY. Dapat ay magkaroon siya ng regular assignment para makatulong tulad ng paghuhugas ng pinggan, pagliligpit ng higaan, pagwawalis sa bahay at bakuran, pagliligpit ng mga gamit niya at pag-oorganisa ng sarili niyang mga kagamitan, maging ang regulat na paglilinis sa sarili niyang kuwarto.

6. MAGING MAHUSAY NA EHEMPLO BILANG NAKATATANDA. Dapat lahat ng adult sa bahay ay nakasusunod sa ganyang mga bagay para magkaroon ng idol sa tahanan ang mga bata. Kung napakahusay magluto ng magulang, tiyak na magiging mahusay na cook din ang bata habang lumalaki. Ganyan din kung sporty ang parents, nahihikayat din ang bata na maging physically active.

7. TANDAAN NA MAS MASARAP ANG TULOG. Magana kumain ang batang aktibo kapag nakasanayan na niya itong gawin sa kanyang buhay, gayundin ang pagtulog. Malaking benepisyo ito sa kanyang sarili upang maging matibay laban sa anumang sakit, lalo na ngayong laganap ang pandemic at wala pang vaccine kontra COVID-19.

 
 

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang banaba.

Sikat na sikat ang banaba sa larangan ng herbal medicine. Rito sa atin, ang banaba ay ginagamit ng ating mga ninuno laban sa maraming karamdaman.

Ang totoo nga, ang mga sinaunang Pinoy na walang alam sa agham ng medisina ay alam ang kakayahan ng banaba bilang gamot. Nang umunlad ang mundo, ang banaba ay isa sa napagtuunan ng pansin ng siyensiya sa panggagamot.

Ayon pag-aaral ng Bioscience, ang banaba ay may malaking potensiyal na lunasan ang diabetes kaya isinama ito sa food supplements ng mga taong diabetic. Anila, “Banaba supplements may help with glycemic control, long-term prognosis, and/or reduce the need for insulin therapy when used as an adjunct to standard care in the treatment of diabetes.”

Sa isang pag-aral na na-publish sa Phytotherapy Research noong 2014, ang banaba ay napakagaling magpapayat, gayundin sa mga may malaking baywang at hita.

Ganito ang nakasulat sa lumabas na nasabing pag-aaral, “In a study published in Phytotherapy Research in 2014, researchers assessed the effectiveness of a blend of plant extracts (including banaba) on weight loss. After the 12-week treatment period, those taking the extract blend had lost significantly more weight and body fat mass compared to those taking a placebo. There was also a greater reduction in waist and hip circumference.”

Kaya may diabetes ka man o wala, pero malaki ang iyong waistline, huwag ka nang magdalawang-isip na uminom ng banaba.

Malaki ba ang iyong hita at ikaw ay naaasiwa? Uminom ka ng banaba at ang sukat ng hita mo ay gaganda. Kaya hindi nakapagtataka na ang banaba ay ikinonsidera na halamang gamot na pampaseksi.

Narito ang ilang health issues na kayang lunasan ng banaba:

  • High blood pressure

  • High cholesterol

  • Kidney disease

  • Metabolic syndrome

Dito sa Pilpinas, kinilala ang galing at husay ng banaba laban sa UTI o Urinary Track Infection dahil marami nang nagpapatunay na napagaling ng banaba ang kanilang UTI.

Gayunman, pangkaraniwang sakit ito sa kababaihan dahil maraming babae ang nagkaroon ng UTI.

Ngayong may bago kang kaalaman tungkol sa banaba, kapag nagbalik ang iyong UTI, huwag kang matakot dahil sagot na ng banaba ang iyong paggaling.

Kung ikaw naman na takot sa diabetes, subukan mo ang banaba dahil tulad ng nasabi na itaas, may scientific evidence na nagsasabing ang banaba ay may malaking maitutulong sa mga diabetic.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page