top of page
Search

Kapag sinabing makabayan ka, tapat ka sa iyong bansa at mahal mo ang iyong bayan at kapwa Pinoy. Kahit nasa ibang bansa ka pa napadpad, dama mo na nasa puso mo ang iyong bansa.

Kapag makabayan ka, ikinararangal at nirerespeto mo ang iyong bansa. Karapatan mo na mamintas o mamuna ng mga kalokohan ng mga lider sa gobyerno kung salungat na sa adhikain ng bayan ang ginagawa.

  1. IRESPETO ANG KARANGALANG NATATAMO NG BANSA. Bilang makabayan, dapat kang sumunod sa batas at kung kailangang magbigay ng opinyon, magpahayag ka. Gagawa ka ng paraan na magbubukas sa isipan at opinyon na hindi mo sisirain ang bansa. Rerespetuhin mo ang ideya at layunin ng kapwa. Iginagalang mo ang naglilingkod para sa bayan, una na r’yan ang medical frontliners ngayong pandemic, ang mga manggagagawa ng gobyerno, overseas workers dahil sila ang mga dedicated na indibidwal para mapaayos ang takbo ng bansa. Sila man ay sundalo, pulis, mambabatas, nagtatrabaho sila para sa bansa.

  2. PAGMAMAHAL SA BANSA. Kung hindi mo mahal ang bansa, wala kang respeto at paggalang. Marunong kang dumepensa o magtanggol sa kapwa Pilipino kapag may pagmamahal ka sa bansa.

  3. TAGLAY ANG KATAPATAN. Kung makabayan ka, tapat ka sa iyong bansa. Hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikasasama ng bansa o ikapapahamak ng iyong kababayan. Hindi ka magpapakalat ng anumang kasinungalingan o magbubunyag ng anumang lihim ng iyong bansa at itatangi mo ang iyong bansa sa abot ng iyong makakaya. Taglayin mo ang ugaling sundalo na gagawin ang lahat para madepensahan ang bansa laban sa masasamang impluwensiya o mapanakop na ibang lahi. ‘Yung simpleng maipagtanggol mo ang iyong kapitbahay at makatulong ka sa magandang paraan ay may katapatan ka sa inyong lugar.

  4. ANG PAGSUNOD SA BATAS. Isang bagay ito na masasabing mabuti kang mamamayan. ‘Yun ang mga batas na sinang-ayunan ng marami habang may kalayaan at seguridad sa bayan. Dito sa ating bansa, masyadong maraming lumalabag sa batas. Sundin naman natin ito upang umayos ang lagay natin sa buhay. Basta't malinaw na kapag ikaw ay tunay na Pilipino, naaawit mo nang maayos ang Lupang Hinirang, ang kanang kamay ay nasa dibdib, nabibigkas ang Panatang Makabayan nang buo at tama ang pagsaludo sa bandila. Simbolo ka ng isang makabayan at hindi tuta ng anumang political party o ideolohiya.

  5. KARAPATANG BUMOTO. Ginagamit mo ang karapatang bumoto. Kuwalipikado ang isang Pinoy sa pagbibigay atensiyon at pulitikal na argumento.

  6. MALAYA ANG PAMAMAHAYAG. Ang kalayaang magpahayag ay napakahalaga sa mga manunulat ng Konstitusyon bilang bahagi ng unang inamyendahang batas mula nang bumagsak ang diktadurya. Ang kalayaang magsalita laban sa mga lider na tiwali at para sa ikabubuti ng mayorya ay hindi lamang bahagi ng mabuting mamamayan, napakahalaga na matiyak na umiiral ang demokrasya.

  7. NAKAKATULONG. Dapat manguna ka sa pagtulong sa kapwa kahit nakakalimot ang gobyerno na gawin ito. Ang mabuting mamamayan ay nagdo-donate ng mga necessities at pagkain sa mga charities o simbahan. Ginagamit ang libreng oras para makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad. Dito mo rin dapat ipakita ang prebilehiyo o maging sundalo o frontliners na magbuwis ng buhay upang maipatanggol ang bansa at mga kababayan laban sa mga mananakop.

 
 

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang bawang o garlic.

Hippocrates, the father of medicine once said, “Let food be thy medicine, and medicine be thy food.

Tamang-tama ito sa bawang dahil ito ay pagkain at kapag kumain ng bawang, gagaling ka sa iba’t ibang karamdaman na mayroon ka.

Bawang ang pangkaraniwang gamit pagluluto, kaya ito rin ang pinakamabili sa lahat ng sangkap.

Noon pa man, ginagamit na ang bawang sa kusina at sa totoo lang, hindi pa man naiimbento ang salitang agham o science, ito ay para bang alam ng tao na may kakayahang labanan ang maraming karamdaman kaya ito ay ginagamit na sangkap sa pagluluto.

Kayang patayin ng bawang ang mga mikrobyo na taglay ng iba pang sankap sa pagluluto, gayundin, kaya nitong patayin ang mga mikrobyo sa tubig na gagamitin sa pagluluto at paglulutuan.

Noon, gamit lang nang gamit ang mga tao ng bawang, pero ngayon, scientifically proven na ang bisa ng bawang laban sa mikrobyo.

Ang bawang ay hinahangaan na very good for the heart, lalo na sa sakit sa puso kung saan ayon sa mga datos, ito ang numero-unong sanhi ng pagkamatay sa mga buong mundo. Ang ikalawang dahilan ng pagkamatay ay ang high blood pressure at ito rin ay kayang lunasan sa pagkain ng bawang.

Ang sakit na kinatatakutan ng tao ay cancer at may kakayahan ang garlic na labanan ang cancer cells na nasa tao. Dahil dito, ang bawang ay binansagang “super food of modern times.”

Ano ang hiwagang bumabalot sa bawang? May powerful chemical na taglay ang bawang na kayang magpagaling ng sakit at ito ay tinatawag na “allicin”.

Ngayong ang buong mundo ay gulung-gulo sa kung ano ang gamot sa COVID-19, nadiskubre na ang mga underground clinic ng Chinese ang gumagamit ng tradisyunal na paraan, lalo ng mga herbal na gamot ay kinakitaan ng bultu-bulto o saku-sakong bawang.

Ang totoo, dahil lihim na ipinanggagamot ang bawang sa COVID-19, sa ibang bansa ay nawalan ng supply nito. Alam n’yo ba na 80% ng bawang sa Pilipinas ay mula sa China?

Muli, dahil lumiit ang supply ng garlic mula China, napabalita na ang Mexican garlic ay ang naging in na in na panlaban sa COVID-19.

Madali lang matukoy ang Mexican garlic dahil ito ay kulay pink o purple, habang ang pangkaraniwang bawang ay white at hindi pinkish o violet.

Paano gagamitin ang bawang para labanan ang mga sakit, bukod sa ito ay magandang gamiting sangkap sa pagluluto?

Hindi ito inirerekomenda na kainin agad dahil ito ay puwedeng maging sanhi ng hindi magandang kalusugan dahil ang bawang ay matapang kapag diretsong inilagay sa bibig o kinain.

Ipinapayo na maglaga o pakuluan ang bawang at gawing tsaa o ito na mismo ang iinumin. Puwede ring gamitin sa kape ang tubig mula sa pinakuluang bawang, kaya magiging 3-in-1 na garlic, coffee at sugar, habang puwede rin ang 4-in-1 tulad ng garlic, coffee, milk and sugar. Super-okay naman na ang tubig ng pinakuluang bawang lang ang iyong inumin.

Good luck!

 
 

Naghahanap ka ba ng “easy trick” o simpleng paraan upang ma-improve ang iyong lifestyle at overall health? ‘Yung tipong bet mo pumayat, gumanda ang iyong skin, lumakas ang resistensiya at iba pa, pero hassle dahil maraming kailangang gawin?

Good news dahil “lemon juice” lang ang sagot upang ma-achieve ang healthy lifestyle na ‘yan! Ayon sa pag-aaral, ang madalas na pagkonsumo ng lemon juice ay may magandang epekto sa katawan dahil ang lemon ay nagtataglay ng Vitamin C, B, antioxidants at iba pa.

Anu-ano nga ba ang mga health benefits nito sa ating katawan?

1. Napabubuti ang digestion. Ang lemon juice ay substance na tumutulong upang maalis ang mga toxins sa ating digestive tract. Nakatutulong din ito upang maiwasan indigestion, heartburn at bloating.

2. Pampalakas ng resistensiya. Isa ang lemon juice sa mga “good source” ng Vitamin C, na siyang kailangan ng katawan upang mapalakas ang resistensiya at maiwasan ang pagkakaroon ng ubo’t sipon at iba pang sintomas ng flu.

3. Pampaganda ng balat. Mayroon din itong antioxidant, nutrients na kailangan ng katawan upang maiwasan ang pagkasira ng kutis. Ito rin ay nakatutulong upang mapanatili ang elasticity o pagkabanat ng balat nang sa gayun ay maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles at pagdami ng mga blemishes.

4. Pampabawas ng timbang. Epektib din itong pampapayat dahil ang pagkonsumo nito ay tumutulong maiwasan ang pagkagutom o cravings sa pagkain. Mapalalakas din nito ang metabolismo na mabisang paraan upang madaling magbawas ng timbang ang indibidwal.

5. Oks na panlaban sa bad breath. Sa tulong ng lemon juice, hindi rin problema ang bad breath dahil nakatutulong ito upang labanan ang bakterya na posibleng mayroon ang bibig. Pero dahil ang concentrated o purong lemon juice ay maaaring makasama o makasira sa enamel ng ngipin, inirerekomenda ang lemon water o infused drink.

Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming health benefits ng lemon juice sa ating katawan.

Ayon sa pag-aaral, mas oks ang pag-inom nito sa umaga dahil mas madali itong maa-absorb ng katawan sapagkat wala pa masyadong nakokonsumong pagkain. Kaya naman, bago simulan ang iyong araw, make sure na meron na kayong lemon juice r’yan! Okay?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page