- Jersey Sanchez
- Jun 14, 2020

Alam nating lahat na ang pag-inom ng gatas ay may magandang epekto sa ating katawan. Bukod sa punumpuno ito ng nutrients, nakatutulong din ito sa ating sleeping routine, gayundin, upang mapalakas ang ating mga buto. Pero mga besh, alam n’yo ba na may specific na uri ng gatas na nakapagpapabagal ng aging process? Hmmm…
Base sa bagong pag-aaral, ang pag-inom ng low-fat milk ay maaaring makapagpabagal ng aging process, gayundin, nakatutulong para humaba ang buhay.
Nai-publish sa journal na Oxidative Medicine and Cellular Longevity ang pag-aaral kung saan sinuri ng researchers ang halos 6,000 US adults. Lumabas sa research na kada 1% ng increase sa milk fat na kinonsumo ay may katumbas na karagdagang apat na taon sa biological aging.
Sinuri ng mga researchers ang haba ng telomeres o ang compound sa chromosomes ng tao na umiiksi habang tumatanda. Gayundin, ang saturated fat sa high-fat milk ay nagbibigay ng stress sa cells at maaaring dumagdag sa death tissues sa katawan. Ayon sa mga eksperto, kapag mas madalas na umiinom ng high-fat milk ang tao, lalong umiiksi ang kanilang telomeres.
Sey ng researchers, halos kalahati ng mga kalahok ang umiinom ng gatas araw-araw habang ang iba naman ay umiinom ng isang beses kada linggo.
Gayunman, 30% ng kalahok ang nagsabing umiinom ng whole milk habang ang isa pang 30% nito ay umiinom ng gatas na may 2% fat.
Samantala, ang 10% ay umiinom ng may 1% milk fat at ang 17% nito ay non-fat ang iniinom habang ang 13% ay hindi umiinom ng cow’s milk.
Gayunman, lumabas sa pag-aaral na ang mga kalahok na hindi umiinom ng gatas ay may mas maiksing telomeres kumpara sa mga umiinom ng low-fat milk. Ibig sabihin, mas mabilis din silang tumatanda kumpara sa mga “skimmed milk drinkers”.
Now we know, mga beshies. Kaya kung mahilig kang uminom ng gatas, pero ayaw mong tumanda nang mabilis, make sure na low-fat milk ang iinumin mo, ha?






