top of page
Search

“HINDI mo kasalanan na ipinanganak ka na mahirap, pero kasalanan mo na mamamatay ka na mahirap.” Ito ang gasgas na paalala sa atin ng mga nakatatanda upang magsumikap tayo sa buhay. Sa totoo lang, habang tumatagal, pahirap nang pahirap ang buhay at dumating pa nga ang pandemya na lalong nagpahirap sa sitwasyon ng marami sa atin.

Well, wala namang permanente, kaya kung feeling natin ay hirap na tayo sa buhay, worry no more dahil puwedeng maging maayos ang lahat.

Anu-ano nga ba ang mga dapat nating gawin upang magkaroon tayo ng komportableng pamumuhay?

  1. HUWAG MAGING NEGATIVE. Oks lang maging negative sa mga sakit pero kung gusto nating mag-improve ang ating buhay at madagdagan ang ating income, itigil natin ang pag-iisip ng mga negatibong bagay. Halimbawa, nagpaplano tayong magsimula ng negosyo, ‘wag isipin na paano kung hindi kumita o paano kung malugi? Iwasan ang ganyang mindset dahil kung negative ang pumapasok sa ating isipan, walang mangyayari at wala talaga tayong masisimulan.

  2. HUWAG ISIPING TALUNAN ANG SARILI. Kung gusto nating mag-level up sa buhay, solusyon at hindi problema ang dapat pinagtutuunan ng panahon. Never nating tatawaging loser ang ating sarili dahil hangga’t gusto nating mabago ang ating buhay in a better way, palagi tayong panalo. Kaya ngayon pa lang, pag-isipan na ang mga bagay na makakatulong upang maging maayos ang ating buhay.

  3. HUWAG UMASA SA TULONG NG IBA. ‘Wag mag-expect na ibang tao ang magso-solve ng ating problema. Mag-isip tayo ng mga paraan para maging self-sufficient dahil aminin man natin o hindi, napakahirap ng kalagayan ng mga taong palaging umaasa sa tulong ng iba. Imbes na mag-rely sa kanila, ibang suporta ang hingin natin, tulad ng pagbili nila sa ating produkto, pag-like o pag-share ng ating business page sa social media at iba pa.

  4. HUWAG SAYANGIN ANG ORAS SA WALANG KUWENTANG BAGAY. ‘Wag puro TikTok o pag-i-scroll sa FB ang ating aatupagin. Wala namang problema sa paglilibang dahil kailangan din ‘yan sa buhay pero kung ang oras mo ay nauubos lang d’yan, pag-isipang mabuti kung makakatulong ba ‘yan para mabayaran ang bills natin sa lalong madaling panahon. Kung palagi tayong chill sa buhay, hindi tayo maggo-grow. Hindi tayo aasenso kung palagi lang tayong magrereklamo pero hindi naman tayo kumikilos o walang kuwentang bagay ang inuuna natin.

  5. UMIWAS SA MGA BAD INFLUENCE. Iwasan ang mga taong wala namang maidudulot na mabuti sa ating buhay. Walang ibang ginawa kundi ang ayain tayong mag-happy-happy na lang palagi. Tipong inom dito, games doon, travel d’yan, etc.. Muli, walang masama sa YOLO pero hindi sapat na dahilan ‘yan para gumastos nang gumastos lalo na kung hindi sapat ang income natin.

  6. HUWAG MAGSAYANG NG PERA. Sa totoo lang, napatunayan natin noong enhanced community quarantine na puwede tayong mabuhay nang hindi kumakain sa restaurant o fast-food chain, hindi umiinom ng mamahaling kape o hindi bumibili ng milk tea, hindi nagta-travel at hindi bumibili ng bagong damit o sapatos. Kaya bago maglabas ng pera, pag-isipang mabuti kung kailangan o mahalaga ba talaga ang pagkakagastusan natin.

Walang masama sa pagdarasal gabi-gabi na sana ay maging okay ang buhay natin, pero mas oks kung sasamahan natin ito ng pagkilos, diskarte at pag-iwas sa bad habits. Ang pagyaman o ang pagkakaroon ng magandang buhay ay hindi nangyayari overnight. Mahabang proseso ang kailangan nating gawin at magsisimula ito sa ating sarili. Kuha mo?

 
 

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang sili/pepper.

Noon, hindi naman kinakain ang sili. Ang mga tao ay takot sa sili dahil sila ay parang nalalason kapag nahawakan o nadikit ito sa kanilang balat.

Lalong kinatakutan ng mga bata ang sili nang hindi sinasadyang nalagyan nito ang kanilang mga mata nang sila ay naglalaro sa bukirin. Sobrang hapdi at mainit na parang mabubulag ang nasilihan sa mga mata.

Kaya nagpasaya ang matatanda ng unang sibilisasyon na ang sili ay iwasan at dapat katakutan. Kaya makita pa lang ng mga tao ang sili noon, sila at kanilang mga alagang hayop ay lumalayo na.

Para namang hindi magandang kaganapan na ang sili ay lumaganap at dumami nang dumami. Nagtaka ang mga tao, pero nakita nila na kaya dumarami ang sili at kung saan-saan nakikita ay dahil kinakain ito mga ibon.

Kung kinakain ng ibon ang sili, bakit hindi ito puwedeng kainin ng tao? Ang tanong na ito ay kumiliti sa isipan ng mga tao at doon sila nagsimulang kumain ng sili.

Dahil dito, kumonti ang mga sili, kumbaga, hindi na mabilis na lumaganap dahil kinakain na ng mga tao at ibon. May pagkakataong napakamahal ng sili sa merkado dahil kaunti ang supply at ito ang panahon na ang mga ibon ay sobrang dami.

Nang kumain ng sili ang tao, napansin nila na ang kanilang mga karamdaman ay nawala dahil ang sili ay kabilang sa mga herbal medicine.

Narito ang traditional uses ng sili bilang herbal medicine:

  • Antioxidant

  • Anti-inflammatory

  • Antihyperglycemic/Anti-diabetic

  • Supports cardiovascular health

  • Improves circulation

  • Cough and sore throat remedy

  • Analgesic/antinociceptive

  • Antimicrobial

  • Treats gastrointestinal problems/digestive aid

  • Improves metabolism

  • Immunobooster

  • Antimicrobial

  • Antithrombotic

  • Carminative

  • Helps clear congestion

  • Anti-ulcerant

  • Assists weight loss

  • Reduces cancer risk/Anti-tumor

Super hot talaga ng sili sa larangan ng herbal medicine dahil sa taglay niyang Capsaicin, ang main component ng sili na bioactive plant compound na reponsable sa kakaibang lasa at maraming health benefits.

Bukod sa Capsaicin, narito rin ang nutritional facts ng sili. Ang isang kutsarang sili ay nagtataglay ng:

  • Calories: 6

  • Water: 88%

  • Protein: 0.3 grams

  • Carbs: 1.3 grams

  • Sugar: 0.8 grams

  • Fiber: 0.2 grams

  • Fat: 0.1 grams

Mayroon ding mga vitamins at minerals ang sili:

  • Vitamins A, B6, C, K

  • Potassium

  • Copper

Sa panahon ngayon, sikat na sikat ang sili bilang panlaban sa high blood pressure at mga taong diabetic dahil marami ang nagpapatunay na ang kanilang blood sugar level ay bumaba dahil sa pagkain ng sili araw-araw.

Matatakot ka pa ba sa sili ngayong alam mo na ang medicinal benefits nito?

Ang totoo nga, kapag nasimulan mo nang kumain ng sili, hindi ka na papayag na ang iyong pagkain ay hindi isa-swak sa sawsawang may sili kahit gulay pa o karne ang iyong ulam.

Good luck!

 
 

IKAW ba ay pinangungunahan ng iyong puso, isip o pakiramdam kapag may pinagpapasyahan kang isang bagay? “Upang malaman kung anong aspeto ang nagpapakontrol sa ‘yo ay makikita mo ang balanseng proseso na makatutulong upang makapagsagawa ka ng isang mainam na desisyon at maunawaan ang bagay hinggil dito,” ayon kay Jordan Weiss, M.D. may- akda ng Our Secret Rules.

1. Ang paboritong shade na pula ay: a. pale rose b. maroon o burgundy c. bright ruby 2. Pagdating sa pagbabago, kadalasang dama ang pagiging: a. optimistiko o positibo b. maingat c. excited 3. Kapag naliligaw ka ng lugar, ang ginagawa mo ay: a. magtatanong ng direksiyon sa taong makakasalubong b. titingin sa bitbit na mapa c. bibigyan pa ng tsansa ang sarili na mahanap ang tamang lugar na hinahanap 4. Sa umaga, kadalasang kumakain ng: a. matamis tulad ng cake o muffin b. masustansiyang pagkain tulad ng vitamin-packed cereal, breakfast shake o dalawang itlog c. kung ano lang ang nar’yan, kanin o tinapay basta’t masarap ang pagkaluto, ayos na 5. Kapag ang kaibigan ay humingi ng payo, madalas ikaw ay: a. nakikinig at nagbibigay ng sagot na sa tingin mo ay papabor siya b. maingat na kinokonsidera ang lahat ng anggulo at mag-aalok ng tapat na gagawin niya at bagay na nadarama mong paraan para makatugon sa problema niya c. sasagot kaagad dahil nagtitiwala ka. 6. Kung bibili ng bagong gadgets, ang unang gagawin: a. tatanungin muna ang mga kaibigan kung ano ang kanilang opinyon hinggil sa modelo b. tsekin kung angkop ang program para sa iyong lifestyle/work mode c. ikaw na mismo ang susuri sa items 7. Pagdating naman sa pananamit: a. pipili ka ng magugustuhan at pupurihin ng loved-ones mo b. mahalaga ang kasuotan dahil magagamit pa ito sa ilang mga okasyon na darating c. ‘yan ang disenyong dapat kang magkaroon​

  • Kung ang sagot mo ay halos puro A: Ikaw ay pinangungunahan ng iyongpuso. Romantiko at positibo ang kababaihang pinangungunahan ang puso sapagdedesisyon at matibay na naniniwala na ang goodwill vibes ay daratingsakaling puso ang pairalin niya sa pagpapasya. Kapag nais niyang gawin angbagay na alam niyang tama, ginagawa niya ito para sa pangangailangan ngiba. “Ang mga isinasapusong pagpapasya ay palaging may hatid na magandangnadarama,” dagdag ni Marilyn Graman, psychotherapist at may-akda ng “TheFemale Power Within.” Gumagawa ka ng mga bagay na higit pa upangmapaligaya ang iba kaysa sa sarili.

  • Kung ang sagot ay halos B: Isip mo ang namamayani sa pagpapasya.Organisado ka at madiskarte. Alam mo kung saan hahanap ng katotohanan atnaniniwala ka na ang iyong damdamin ang siyang magpapalito ng mga bagay.“Malalim kang mag-analisa,” ani Weiss. Pero hindi mo naman isinasara angiyong damdamin o kutob. Sa pagbalanse ng kutob at isip sa pagpili, nabibigyanmo ang iyong sarili ng desisyong dama mo rin ay tama.

  • Kung puro C ang sagot: Mas tiwala ka sa iyong kutob. Ang malakas mongpakikinig sa iyong nadarama bago magpasya ang lilikha naman sa iyong isipanng pinakamaiging desisyon. Kadalasan, sila ang taong bihirang mabiktima ngscammer dahil mas namamayani ang boses na naririnig nila sa kanilangkalooban

 
 
RECOMMENDED
bottom of page