top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 7, 2022


ree

Pinaghahandaan na ng first Pinay Olympic gold medalist, weightlifter Hidilyn Diaz ang kanyang kasal sa nobyong coach-trainer na si Julius Naranjo.


Ang kanyang wedding gown ay nakatakdang gawin ni Francis Libiran.


Ito ay inanunsiyo ni Libiran sa kanyang Instagram account noong March 2 kung saan nag-post siya ng picture kasama ang Olympic champion at fiance nito na si Naranjo. Kasama rin ang business partner ni Libiran na si Arsi Baltazar.


“Love is Golden. The World Champion deserves only the gold standard in fashion design on her special day!,” pahayag sa oage ni Libiran. “#FrancisLibiran is beaming with pride to be chosen by 2020 Tokyo Olympics Gold Medalist #HidilynDiaz (@hidilyndiaz) and fiancé Julius Narajo (@imjulius) as the official designer for their much-awaited wedding.”


Samantala, pinasalamatan ni Baltazar sina Diaz at Naranjo sa pagpunta sa kanilang atelier at pagpili kay Libiran bilang designer ng kanyang gown.


“Indeed, @francislibiran8 and I are so thrilled for this huge milestone project with you!,” aniya sa kanyang Instagram page. “It is absolutely an honor and a pleasure!”


Matatandaang inanunsiyo nina Diaz at Naranjo ang kanilang engagement noong Oktubre ng nakaraang taon.

 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| November 23, 2021



ree


Marami sa atin ang hindi kumpleto ang araw kapag hindi nakapagkape. Agree?


‘Yung tipong, parang hindi tayo makapag-function kapag walang kape sa umaga, habang ‘yung iba naman, ginawa nang tubig ang kape, hala!


Pero mga bes, knows n’yo ba na ang “daily coffee habit” natin ay posibleng makapagpahaba ng buhay at nakapagpapababa ng tsansa na magkaroon tayo ng cardiovascular disease? Wow!


Sa isang pag-aaral na na-publish sa The Journal of Nutrition, ang “moderate consumption” o pag-inom ng tatlo hangang apat na Italian-style coffee kada araw ay may kaugnayan sa lower mortality. Sa naturang pag-aaral, inobserbahan din ang 20,000 kalahok sa loob ng walong taon.


Bago ang pag-aaral, walang kalahok na nakaranas ng cardiovascular disease o cancer, at ang kanilang coffee intake ay sinusukat gamit ang 30ml cup o standard size ng Italian espresso cup.


Natuklasan ng mga researcher na kumpara sa mga hindi umiinom ng kape, ang mga kalahok na kumokonsumo ng tatlo hanggang apat na espresso kada araw, ang mga ito ay nauugnay sa lower risks ng all-cause mortality, partikular ang cardiovascular disease.


Ito ay dahil sa partikular na compound na tinatawag na NT-proBNP, base sa mga scientist.


Gayunman, ayon sa pag-aaral na nai-publish ng grupo ng researchers sa PLOS Biology, ang health benefits na ito ay posibleng may kaugnayan sa caffeine dahil napag-alaman na ang apat na shots ng espresso kada araw ay ideal para makuha ang health benefits ng kape.


Samantala, sa isa pang pag-aaral mula sa JAMA Internal Medicine, kahit ang pag-inom ng decaffeinated coffee ay may benepisyo rin sa overall health.


Sa bagong pag-aaral mula sa New England Journal of Medicine, may nakitang ugnayan ang pagkonsumo ng kape at mababang tsansa ng pagkakaroon ng chronic illness; habang sa iba pang research, posibleng ang benepisyo nito ay reduced risk ng cancer, cirrhosis at depresyon.


Sa kabilang banda, may pag-aaral din na nagsasabing ang labis na pag-inom ng kape sa isang araw ay may masamang epekto.


Base sa research mula sa University of South Australia noong 2019, ang pagkonsumo ng anim o higit pang cup ng kape kada araw ay 22% na nakapagpapataas ng panganib na magkaroon ng heart disease.


Habang maraming pag-aaral na sumusuporta sa mga benepisyo ng kape, make sure na kontrolado ninyo ang pagkonsumo nito. At kapag may naramdamang kakaiba, upang makasigurado ay kumonsulta sa inyong pinagkakatiwalaang doktor at sundin ang ipapayo o irerekomenda nito.


Tulad ng palagi nating sinasabi, ang lahat ng sobra ay nakasasama kaya hinay-hinay lang, mapa-kape man ‘yan o anumang inumin. Copy?


 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| October 12, 2021



ree

Ang pagbawas ng sugar intake sa ating diet ay hindi lamang nakatutulong sa pagbabawas ng timbang dahil may long-term benefits din ito sa ating kalusugan.


Pero sa totoo lang, hindi ito mahirap gawin, lalo na kung may ‘sweet tooth’ ka o ‘yung pagkahilig sa matatamis pagkain. Agree?


Kaya ang tanong ng marami, paano naman ito gagawin kung napakaraming tukso sa paligid? But worry no more dahil narito na ang ilang tips para mas mabilis na makapagbawas ng sugar intake:


  • TINGNAN ANG MGA KINAKAIN ARAW-ARAW. Basahin ang mga label at i-tsek ang mga sangkap na nabanggit. For sure, magugulat ka sa dami ng sugar ingredient na nakalista, kung saan ang iba ay hindi mo iisiping ‘sweet’ pala.

  • SIMULAN SA MALILIIT NA HAKBANG. Kalmahan mo lang, besh. ‘Wag bawasan ang sugar intake nang biglaan dahil posibleng lumala ang iyong sugar cravings at withdrawals. Ayon sa mga eksperto, ang paunti-unting pagbabawas ay nakatutulong upang mas makapag-adjust sa mga pagbabago hanggang sa magkaroon ng mga bago at mas healthy na habits.

  • NO TO ARTIFICIAL SWEETENERS. Hindi porke sinabing sugar-free ay healthy na. Tandaan, ang mga sugar-free na inumin at pagkain ay pinatamis lamang gamit ang artificial sweeteners tulad ng aspartame o stevia extracts, na hindi rin oks para sa kalusugan. Kung tutuusin, ang chemically sweetened na inumin at pagkain ay may negatibo ring epekto sa atin. Sey ng experts, ito ay dahil ‘nalalasahan’ na ng utak ang matamis at pamilyar ito sa matamis na lasa kapag kumokonsumo tayo ng artificial sweetener, at dahil dito, ang katawan ay umaakto na tila tinutunaw ang sugar, kaya posibleng mag-crave pa sa matatamis na pagkain.


  • BUDGET. Yes, sis! Maraming eksperto ang nagbibigay ng “sugar diet” sa mga pasyente nang sa gayun ay malaman nila kung gaano karaming asukal ang puwedeng ikonsumo kada araw. Halimbawa umano nito ang 100 calories of sugar per day, na sapat para makakain pa ng maliit na piraso ng tsokolate o cookie. Kapag nasanay na rito, puwede pang i-adjust ang sugar diet.


  • BEHAVIORAL STRATEGIES. Oks ding magkaroon ng mga bagong habits na makatutulong upang makaiwas ka sa matatamis na pagkain. Halimbawa nito na kapag madalas kang mag-midnight snack ng matatamis, inirerekomenda ang pagsesepilyo at pag-floss pagkatapos ng hapunan.


  • BAGONG SUBSTITUTE. Sa true lang, marami namang masasarap na pagkain at inumin na hindi nagtataglay ng napakaraming added sugar. Sa halip na sweet drinks, puwedeng subukan ang flavored herbal teas. Bilang pamalit naman sa nakasanayang dessert, oks din ang fruit salad. Sumubok lang ng iba’t ibang options hanggang mahanap mo kung ano talaga ang bagay sa ‘yo at pasok sa panlasa mo.

Well, true naman na hindi madaling magbawas ng sugar intake, lalo na kung talagang nasanay ka na sa matatamis na pagkain at inumin. Pero tandaan, hindi porke nakasanayan ay oks at nakabubuti sa atin. At ngayong hindi na tayo bumabata, kailangan na rin nating baguhin ang ilang nakasanayan para sa mas healthy version ng ating sarili sa future.


Kaya kung ready ka nang magbawas ng sugar intake, try n’yo lang ang mga ito. Keri?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page