top of page
Search

ni Lolet Abania | June 6, 2022



Nasungkit ni Gwendolyne Fourniol ng Negros Occidental ang korona bilang Miss World Philippines 2022 sa ginanap na coronation night sa Mall of Asia Arena nitong Linggo.


Si Fourniol ang itinanghal na national winner mula sa 35 naggagandahang kandidata at siyang representative ng bansa para sa Miss World 2022 pageant.


Sinundan niya si Tracy Maureen Perez na kinoronahan bilang Miss World Philippines 2021, kung saan umabot naman sa Top 12 sa naturang international pageant na ginanap sa Puerto Rico nito lamang Marso.


Sa final round ng question and answer segment, tinanong si Fourniol kung paano ang bansa ay makakabawi mula sa education deficit na nangyayari dahil sa pandemya.


Para sa kanyang sagot, ani Fourniol, “As an advocate of education, I do agree that during the pandemic, we have suffered the most but the children who have the lack of access to education have suffered the greatest and working hand in hand with ERDA Foundation who empowered the marginalized Filipinos, I believe by uniting benefactors and encouraging our children and allowing them to go back to school especially during this pandemic will make this world a better place because education is the greatest weapon against poverty.”


Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa Miss World Philippines 2022:

Miss Supranational Philippines 2022 - Alison Black ng Las Piñas City

Reina Hispanoamericana Filipinas 2022 – Maria Ingrid Santamaria ng Parañaque City

Miss Eco Philippines 2022 – Ashley Subijano Montenegro ng Makati City

Miss World Philippines Tourism 2022 – Justine Beatrice Felizarta ng Marikina City

Miss Eco Teen Philippines 2022 – Beatriz McLelland ng Aklan

Second Princess and Miss World Philippines Charity 2022 - Cassandra Chan ng San Juan City


Para sa special awards na nakamit sa kompetisyon ay ang mga sumusunod:

Miss Photogenic Award – Ashley Subijano Montenegro (Makati City)

Miss Not Fungible Beauty Award – Alison Black (Las Piñas), Maria Gigante (Cebu), at Maria Ingrid Santamaria (Parañaque)

Miss Kumu World – Kristal Marie Gante (Davao del Norte)

Miss Silka Award – Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental)

Miss Love Your Skin Award - Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental), Justine Beatrice Felizarte (Marikina City)

Best in Swimsuit – Alison Black (Las Piñas)

Best in Evening Gown – Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental)


 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| May 5, 2022


ree

Palapit na nang palapit ang halalan, kaya naman ang tanong, handa na bang bumoto ang lahat? Kung hindi pa, don’t worry dahil we got you!


Pero bago ang lahat, ipaalala muna natin na ang halalan ay hindi ordinaryong araw. Bagkus, napakahalaga nito dahil ito ang araw kung kailan tayo magluluklok ng panibagong mga lider na mamumuno sa ating bansa.


Dahil dito, hinihikayat natin ang lahat na bumoto at ‘wag sayangin ang pagkakataong ito upang maging bahagi ng pagpili ng mga bagong lider.


Kaya para sa smooth at iwas-aberyang pagboto, narito ang mga dapat at ‘di dapat gawin sa araw ng halalan:


1. ALAMIN ANG PRECINCT NUMBER. Bago pa man ang araw ng botohan, kailangang alam natin kung saang presinto tayo dapat magtungo. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pananatili nang matagal sa polling place. Para malaman ang precinct number, magtungo sa precinct finder ng Commission on Elections (Comelec). Kailangan lamang ilagay ang iyong pangalan at kung saang distrito at lungsod ka nakarehistro at makikita mo na kung saang presinto ka nakatakdang bumoto. Gayunman, kung hindi makikita ang pangalan sa precinct finder, maaaring magtungo sa opisina ng election officer para maberipika kung saan ang iyong presinto.


2. MAGDALA NG ID. Bagama’t hindi requirement sa pagboto ang ID, mabuti pa ring magdala nito upang mabilis na maresolba ‘pag nagkaroon ng problema sa pagkakakilanlan.


3. KODIGO. Sa dami ng kailangan nating iboto, oks lang naman na gumamit ng kodigo. Magandang paraan ito upang maiwasan ang pagkakamali sa pag-shade ng mga ibobotong kandidato, gayundin upang hindi magtagal sa pagpili kung sino ang iboboto sa mismong araw ng eleksiyon.


4. PROTEKTAHAN ANG BALOTA. Bago simulan ang pag-shade, tiyaking malinis ang balota at walang anumang sira o dumi. Ayon kasi sa batas, ang “spoiled” ballot ay hindi tatanggapin ng machine at kung ito ay kasalanan ng botante, hindi na maaaring magbibigay ng panibagong balota. Gayunman, kung nakatanggap ng spoiled ballot bago pa man ito i-shade, ipagbigay-alam sa poll officer nang sa gayun ay mapalitan ito. Isa pang paalala, tiyaking tama ang pag-shade at iwasang mag-over vote upang hindi masayang ang iyong boto. Samantala, puwede ang mag-under vote, ngunit hinihikayat ang mga botante na kumpletuhin ang listahan.


5. ITSEK ANG RESIBO. Pagkapasok ng balota sa VCM o vote counting machine, hintaying lumabas ang resibo at mamarkahan ang iyong daliri gamit ang indelible ink. Matapos makuha ang resibo, tingnang mabuti kung tugma rito ang mga ibinoto mo. Kung nagkataong hindi tugma ang nasa resibo at balota, lumapit sa election inspectors at ipaalam ang iyong complaint.


6. ‘WAG KUNAN NG LARAWAN ANG BALOTA. Base sa guidelines ng Comelec, hindi pinapayagan ang pagkuha ng larawan ng balota o resibo dahil maaari itong magamit sa vote buying o vote selling. Gayundin, isang election offense ang paglabag sa ballot secrecy.


7. OVER CAMPAIGNING. Ayon sa Comelec, walang restriksiyon sa dapat isuot ng mga botante sa araw ng halalan, pero nagbigay-babala ito na iwasan ang over campaigning. Bagama’t maaaring magsuot ng anumang kulay ng damit, dapat umanong iwasang magsuot ng damit na may pangalan o larawan ng kandidato dahil hanggang Mayo 7 lamang ang campaign period.


Simpleng paalala lamang ang mga nasa itaas, pero mga besh, ‘di dapat kalimutan ang mga ito para maging smooth o maayos ang ating pagboto. Gayundin, ‘wag natin kalimutang sumunod sa health protocols, partikular ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing.


Isa pang paalala, kung tutuusin ay isang araw lamang ang halalan, pero kung magluluklok tayo ng mga may “K” mamuno, anim na taon ng maayos at de-kalidad na serbisyo-publiko ang matatanggap natin. Bagay na ‘ika nga, eh, “deserve” ng bawat Pilipino.


Hangad natin ang malinis at payapang halalan at mangyayari lamang ‘yan kung gagampanan ng bawat isa ang obligasyon na maging responsableng botante.


Gets mo?


 
 

ni Mharose Almirañez | April 3, 2022



ree

Naranasan mo na bang itama ang mali at ilaban ang relasyong sa huli’y ikaw lamang ang talo? Kung oo, kumusta naman ang healing process? Anu-ano ang mga nagpa-realize sa ‘yo para sumuko or don’t tell me, lumalaban ka pa rin at umaasang babalik kayo sa dati?


Alam ko namang mahal mo siya, pero sana ay alam mo ring may hangganan ang pagpapakamartir. ‘Wag kang magbulag-bulagan sa ideyang mahal mo siya, kaya titiisin mo na lamang ang sakit. Tandaan mo, beshie, ang totoong nagmamahal ay marunong magpalaya.


Upang matulungan kitang mag-let go, narito ang major red flags na kailangan mong bantayan sa iyong karelasyon:


1. ‘PAG PINAGTATALUNAN N’YO ANG PERA. Sabi nga nila, money makes the world go round. Pero pagdating sa relasyon ay hinding-hindi ‘yan dapat nagiging isyu. Kaya gumising ka na sa katotohanan, beshie.


2. ‘PAG SINASAKTAN KA NA NIYA PHYSICALLY. Given na ‘yung nasasaktan ka emotionally dahil sa kanya, pero ibang usapan na kung masasaktan ka rin niya physically. Once mapagbuhatan ka niya ng kamay, ekis na agad ‘yun! Dapat hindi mo na hinintay maulit nang maulit. Mag-dyowa pa lang kayo, ganyan na siya, what more ‘pag nasa iisang bubong na kayo? Ayaw mo naman sigurong maging battered wife, ‘di ba?


3. ‘PAG HINDI NIYA PRIORITY ANG MARRIAGE. May ilan na natatakot magpakasal dahil sa trauma mula sa failed marriage ng parents nila. But beshie, it’s just an excuse. Come on, kung talagang mahal ka niyan, willing ‘yan sumugal at mag-take ng risk kahit ano pang klaseng issues o trauma ang pinagdaanan niya sa buhay. It just happened na hindi lang talaga ganu’n katimbang ‘yung pagmamahal niya para sa ‘yo, ‘coz it’s not you, it’s him/her. So, beshie, run!


4. ‘PAG NALAMAN MONG THIRD PARTY KA. Hindi mo naman siguro pinangarap na maging kabet o mang-aagaw, ‘di ba? Kahit pa sabihin niyang hindi niya na mahal ‘yung isa, mali pa ring nakipagrelasyon ka sa kanya habang sila pa. At lalong hindi mo puwedeng gawing rason na hindi mo naman alam na may dyowa o asawa pala siya bago ka nakipagrelasyon sa kanya, sapagkat ang pagiging third party ay hinding-hindi dapat tino-tolerate. ‘Wag mong i-romanticize ang salitang ‘You and I against the world’ dahil pinagtagpo lang kayo— pero hindi itinadhana. Mahirap mang tanggapin, ngunit ito ‘yung laban na umpisa pa lang ay alam mong talo ka na.


5, ‘PAG HINDI NA SIYA NAG-E-EFFORT. ‘Yung tipong, hinahayaan na lamang niyang lumipas ‘yung araw na walang masyadong ganap sa relasyon n’yo. Ultimo mahahalagang okasyon ay tila nakalimutan na rin niya at parang ikaw na lamang ang concern. Beshie, alam ko namang hindi ka manhid para hindi maramdamang may mali sa nangyayari. Best thing to do ay mag-usap kayo at ayusin ang problema. Pero kung ikaw lang ang mag-e-effort, samantalang siya’y patay-malisya lang, pustahan tayo, hinihintay ka na lang niyang bumitaw.


“Let it go,” sabi nga ni Queen Elsa.


Tulad ng nabanggit, hindi kita tuturuang lumaban sa article na ito, ‘coz there’s no point. Hindi naman sa pagiging nega at bitter, pero dapat mong maunawaan na hindi lahat ng relasyon ay mala-Disney movies na palaging happy ending.


Hindi natin kontrolado sequence-by-sequence ang puso ng ating karelasyon. Minsan ay akala natin, tayo ‘yung leading lady o leading man nila, pero extra lang pala tayo. Ginamit lang pala tayo for character development.


Life is full of surprising plot twists, kaya ‘wag ka nang magtaka kung paggising mo isang araw ay hindi ka na niya mahal. Ouch, ‘di ba?!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page