top of page
Search

ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 2, 2023



ree


Ang goal mo rin ba ay magkaroon ng forever? Pero ‘ika nga nila, hindi hinahanap ang forever, pinaghihirapan ‘yan. Kailangan ito ng maraming effort at sacrifices para mag-work ang inyong pagsasama.

Narito ang ilan sa mga puwedeng gawin ng magkasintahan para magkaroon ng pangmatagalan na pagsasama:


  1. MAGTIWALA KA. Importante na magkaroon kayo ng tiwala sa isa’t isa dahil ‘pag wala kayo nito at masasamang bagay lang ang maiisip mo sa iyong partner, isa rin ito sa mga dahilan kaya nasasakal ang iba. Ang kakulangan ng tiwala ay hindi nakakaganda sa pagsasama, minsan, ito pa ang nagiging dahilan kung bakit nagtatapos ang isang relasyon. Pero kung may tiwala ka sa kanya at alam mong tapat siya sayo, mas magiging komportable ka sa relasyon n’yo.

  2. MAGING INTIMATE AT EXPRESSIVE. Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano mo siya kamahal, puwede mo rin itong gawin sa pamamagitan ng paglalambing, emotional support, atbp. Kapag hindi ka marunong magpakita at magparamdam ng pagmamahal sa kanya, baka sa iba ‘yan maghanap. Patay tayo r’yan!

  3. MATUTONG MAGPARAYA. Hindi puwedeng ikaw ang boss at siya naman ang iyong alipin. Kung ikaw ang palaging nagdedesisyon sa inyo, minsan ay hayaan mo rin siyang pumili para sa inyong dalawa. Kung may mga bagay na gusto kang gawin, pero ayaw niya, ‘wag mo nang pilitin. Kapag parehas kayong may control, parehas din kayong magiging kuntento.

  4. AYUSIN ANG MGA PROBLEMA. May mga couples na kapag may hindi pagkakaintindihan ay sinusugod agad ang partner nila, habang mayroon din namang hinahayaan lang ang isyu na parang walang nangyari para iwas-gulo, ngunit ang mga ganitong scenario ay parehas lamang mali. Ang mga magkasintahan ay dapat na marunong makipag-communicate sa isa’t isa, tulad ng pakikipag-usap nang masinsinan upang maresolba ang kanilang isyu at para hindi na rin ito humaba pa. Kung medyo mainit ang sitwasyon, magpalamig muna kayong dalawa bago mag-usap, basta tandan na ‘wag niyong hayaan na hindi niyo nasosolusyonan ang pagtatalo niyo.

  5. DAPAT PAREHO KAYONG MARUNONG HUMAWAK NG PERA. Minsan nagiging iresponsable tayo pagdating sa pera. Kung hindi ka marunong humawak ng pera, malaking problema ‘yan sa isang relasyon. Importante na pareho ang mga pananaw niyo tungkol d’yan, lalo na kung balak mo na siyang pakasalan. Kung gastador ang isa at matipid naman ang isa, asahan mo na magkakaroon ng conflict ang inyong pagsasama. Maaga pa lang ay pag-usapan n’yo na ang kani-kanyang style tungkol sa paghawak ng pera.


Importante na maging masaya at healthy ang relationship, kaya’t sundin n’yo ang mga tips na ‘yan para maging masaya ang inyong pagsasama.


Kung sa tingin niyo, ka-BULGAR, helpful ang tips na ito, puwedeng-puwede n’yo itong i-share sa Facebook o ikuwento sa inyong loved ones! Okie?


 
 

ni Ejeerah L. Miralles @Life & Style | March 1, 2023



ree


Ilang dekada nang umiiral ang tindahan ng ukay-ukay. Ayon sa ilan, matagal na itong kalakalan, ngunit nang mangyari ang pandemya noong 2020, isa ang ukay-ukay sa mga negosyong sumunod sa agos ng pakikipagsalarang magbenta online.


At dahil nanatiling budget-friendly ang mga ukay, hanggang ngayon ay sikat pa rin ito online. Maiuugnay din sa online selling ang "first dibs" mechanics o ang pag-comment ng “mine” sa pag-angkin sa naturang segunda manong damit na naka-post.


Hindi rin maikakaila na bagama’t online ito, kailangan pa rin nating maging mapagbantay at mapanuri, kaya narito ang ilan sa mga friendly tips sa maingat na pag-uukay online habang nananatiling fashionista.


  1. BABAAN ANG EXPECTATION. Isaisip na ukay pa rin ang iyong binibili at hindi brand new. May mga pagkakataon din na nakakaapekto ang ilaw o lightning sa kulay ng damit, kaya mas okey na i-klaro ito.


  1. ALAMIN ANG NAIS BILHIN. Bago magtangkang mag-scroll sa social media o online shops, mag-isip-isip muna. Itanong sa sarili kung ano ang hinahanap, kung blusa, kamiseta, pantalon o sandals pa man. Kung mayroon na, magtakda ng budget sa pag-uukay para makasiguradong maraming mabili at pasok sa badyet.


  1. SURIIN ANG IYONG TAMANG SUKAT. Kumpara sa pisikal na ukay-ukay na nasusuot mo pa ang mga damit bago bilhin, sa online ukay, dapat alam mo ang iyong sukat o size. Magiging bestfriend mo sa oras na ito ang medida. Tandaan na dapat mo ring bigyan ng “allowance” ang damit para maaari mo pa itong maisuot sa mga susunod na panahon. Gayunman, dahil mahirap pakawalan ang magagandang damit na maluluwag, naire-repair naman ito sa pamamagitan ng pagtatahi.


  1. TUMINGIN SA MGA FLAWS O DEPEKTO. Madalas ay nagiging honest naman ang mga seller sa ganitong isyu, pero mas makabubuti rin kung itatanong ito. Sa ganitong palagay, sure kang sulit ang iyong mabibili. Kung may minimal flaws man ito, gaya ng nabanggit sa taas ay maaari naman itong solusyunan sa pamamagitan ng tahi o gawing “thrift flips” kung saan binabago ang damit upang magmukhang uso o bagong style. Maaari ka ring mag-DIY at magburda sa mga plain shirt!


  1. MAGING MATIYAGA. Sabi nga ng ilan, “Everything comes in time to those who can wait.” Kaya maging matiyaga ka sa pag-scroll sa mga ukay posts o kaya manood ng mga live streams. Maging sure rin dapat sa desisyon at ‘wag magpadalos-dalos. Mag-isip nang mabuti bago i-comment ang “mine” kung tunay mo itong maisusuot at hindi pang-picture lang.


  1. SUMABAYBAY SA MGA SALE. Alamin kung ang online ukay store na bet ay may mga sale. May pagkakataon din kasi na sumasabay sa seasonal sales ang mga ito at ang mga presyo a lalo pang nagiging abot-kaya. Sa ganitong paraan, tiyak na makakatipid ka ng malaki.


  1. PASABUY WITH SISTERS. Ang ukay-ukay ay likas na nagiging bonding din magpa-pamilya at magkakaibigan, kaya kung nakakita man ng swak sa gusto ng mga ka-sis, better grab it na! Hindi lang sa damit nakakatipid, bagkus sa shipping fee rin.


  1. MAG-INGAT SA SCAM. Dahil online, hindi maiiwasan na ang ukay ay isa sa mga talamak ang scam. Kaya before you hit “mine” sa post, eh, i-check mo muna ang profile ng seller o kung may history man ito ng pagbebenta. Isaisip na malaki ang posibilidad na ang locked profile, no visible friends, bagong gawang account o walang seller posts ay scammer. Maging mapagmatyag.


  1. BE YOU. Anuman ang iyong fashion style, mapa-vintage, goth, cottage core o iba pa, ang pinakamahalaga ay ang pananamit o pag-express batay sa ‘yong katauhan. Kaya magpapakatotoo sa sarili at yakapin ang iyong pagka-inner fashionista.


Hindi maikakaila na bagama’t malaki ang pinagkaiba ng tradisyonal at online ukay-ukay, iisa pa rin ang layunin nito — ang maging stylish kahit on a budget. Palaging pakakatandaan na i-sanitize ang mga damit na mabibili at be safe online! Kaya, keri na ba mga bes?


 
 

ni Mharose Almirañez | December 18, 2022


ree

“You're hired!” ‘Yan ang pinakamasarap marinig sa tuwing naghahanap ng trabaho. ‘Yung tipong, goodbye ka na sa pagpi-print ng napakaraming resume at pagpapasa nito sa kung saan-saang job caravan. Hello, kinsenas-katapusan na sahod, ‘ika nga.


Pero beshie, bago mo tuluyang tanggapin ang job offer, make sure na hindi mo ‘yan pagsisisihan, ha? Siguraduhin mong nag-conduct ka ng intensive research sa kumpanyang in-apply-an mo para iwas-pasa ng resignation letter sa kalagitnaan ng iyong training or worse, baka mapa-AWOL ka na lang kapag nagsimula ka nang makaramdam ng pressure.


Anu-ano nga ba ang mga dapat ikonsidera sa paghahanap ng bagong trabaho? Well, beshie, narito ang ilan:


1. SALARY. Kaya ka nagtatrabaho ay para kumita ng pera. Bawat tao ay may kani-kanyang bills na binabayaran buwan-buwan, kaya siguraduhin mong deserve ng pagod mo ‘yung sahod na ibibigay sa ‘yo. At kung magre-resign ka rin lang sa dati mong trabaho, dapat ay mas mataas na rito ang iyong magiging sahod. Gawin mong goal ang pagle-level up ng salary and position sa tuwing magre-resign. That’s what we call “career growth”.


2. WORKLOAD. Baka naman kasi nu’ng sinabi mong “I can do multitasking,” eh workload na pang-tatlong tao ang ibigay sa ‘yo. ‘Yung tipong, papakinabangan nila ang lahat ng skills na mayroon ka kahit hindi naman ‘yun nakalagay sa job description ng in-apply-an mong posisyon. Kumbaga, sa umpisa ay heavy task muna hanggang tambakan ka na nila ng napakaraming workload eventually. Kaya ang tanong, angkop ba ang dami ng workload na ibibigay sa ‘yo sa buwanang sahod na matatanggap mo?


3. BENEFITS. Mainam na mag-apply ka sa kumpanyang nag-o-offer ng retirement benefits, paid leave, night differential, flexible work schedule, load and transportation allowance, at medical, disability, and life insurance. Idagdag na rin ‘yung kumpanyang namimigay ng ham at Noche Buena package tuwing Disyembre, at may pa-tikoy tuwing Chinese New Year. Bonus factor na rin kung mayroong yearly team building.


4. MANAGEMENT. Dito talaga magpo-fall back ang mga naunang nabanggit. Kaya bago mo tanggapin ‘yung job offer ay mag-background check ka muna sa kumpanyang ‘yan. Kumustahin mo ang pasahod at mga benepisyo. Alamin mo ang sistema o pamamalakad. Anu-ano ba ang mga inirereklamo ng ilang empleyadong nag-resign d’yan? Mahirap kasi kung hindi maganda ang environment ng papasukan mong kumpanya, lalo na kung puro toxic ang mga makakatrabaho mo, partikular na ang iyong magiging boss. Pero siyempre, mas mahirap naman kung lahat ng makakatrabaho mo ay feeling boss.


5. LOCATION. Ipagpalagay nating nakahanap ka nga ng kumpanyang may magandang pasahod, benepisyo at maganda ang environment. Pero paano kung napakalayo naman nito sa ‘yong tinitirahan? Jusko, beshie, r’yan na talaga magkakatalo! Isipin mo ‘yung gugugulin mong oras sa pag-aasikaso at pagbiyahe papunta sa trabaho na dapat ay itinutulog mo pa kung walking distance ka lang sa ‘yong opisina. Isipin mo ‘yung araw-araw na traffic at struggle kung regular commuter ka. Ang tanong, may matitira pa ba sa ‘yo kung ika-calculate mo ‘yung pamasahe at pagkain?


Para sa ilang job seeker, okey lang ang ganyang setup dahil ang mahalaga ay may trabaho. Ang importante ay nakakapagbayad ng bills at nakaka-survive araw-araw.


Pero kung pag-iisiping mabuti, hindi ka gumraduate ng college para lamang magserbisyo nang higit pa sa 8 hours daily at tumanggap ng sahod na mas mababa pa sa tuition fee mo noong nag-aaral ka. Hindi mo hinasa ang skills na mayroon ka ngayon para lamang i-take advantage ng mga employer na ayaw kumuha ng additional employee for that certain position. ‘Yan ang hirap dito sa ‘Pinas, eh!


Aminado naman tayong walang perpektong kumpanya. ‘Yung tipong, kahit ilang empleyado pa ang makausap natin mula sa iba’t ibang industriya ay pare-pareho lamang tayong may masasabi. Gayunman, bilang isang empleyado, karapatan din nating makaahon sa kahirapan at guminhawa sa buhay tulad ng ating mga employer.


Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page