top of page
Search

by Info @Brand Zone | September 29, 2023




ree


This September, SM Supermalls is rolling out a nationwide event that's going to make your stomachs and wallets very, very happy.

What’s up? A month-long Food Fest in more than 80 malls with over 6,000 food tenants including SM Foodcourt. During this gastronomic affair, you can indulge in local dishes like chicken inasal and sizzling sisig, international eats like shabu-shabu and bibimbap, and tasty snacks like doughnuts and cheesy fries—all without blowing your budget.

At SM Foodcourt, you can enjoy solo meals for as low as P99 on weekdays from 2 p.m. to 5 p.m. and group meals good for three to five people for just P599 every day. Separate restos and dining faves also have their own deals and promos. So invite your fam or barkada, ready your stretchy pants, and enjoy SM Food Fest!


ree

In the mood for something smoky and sizzling? Visit Sizzling Plate and get one order of pork barbecue, one order of sizzling pork sisig, one order of Mongolian barbecue petite, and one order of Salisbury steak—all for just P599!


ree

Homemade butter brioche bread, fluffy scrambled egg, and savory sauces—what’s a better mid-day work break snack than this?



ree

The Great Cheeseburger has a patty made of imported pork belly and U.S. Angus rib eye seasoned with a Cajun rub, topped with crispy lettuce, sliced tomatoes, American cheese, caramelized onions, and a special barbecue and homemade burger sauce. This deal is available to order at Rack’s via SM Malls Online App (App Store, Google Play), so download the app, hit "add to cart" and have it delivered straight to your home.


See more of SM Food Fest’s 99 merienda meals and 599 group feast offerings on SM Deals so you can plan out your food trips with your fam and friends. This Food Fest is happening until the end of the month, so drop by your nearest SM Supermalls and don’t miss out on these dining deals!




 
 

by Info @Brand Zone | September 28, 2023



ree

Abangan ang Giant Luffy at ang iba pang crew ng Straw Hat dito sa The Block Atrium, SM North EDSA mula Setyembre 20 hanggang Oktubre 8.



Mula sa mga record-breaking na kabanata, at kahanga-hangang mga episode ng anime hanggang sa trending na live-action na serye, tiyak na ang 2023 ang taon para sa mga tagahanga ng One Piece! Ang respetadong franchise ng anime na inilarawan ng Japanese creator na si Eichiro Oda ay nagpapasabik sa mga tagahanga sa dalawang dekada dahil sa maeksenang geopolitical plotline, maimpluwensyang mga karakter, at detalyadong world-building. Sa napakalaking impluwensyang ito, ang SM North EDSA, sa pakikipagtulungan ng Toei Animation Enterprises at Funko, ay naglulunsad ng ikatlong pagtakbo ng Animezing North na nagtatampok ng One Piece.





Narito ang mga bagay na maaaring asahan ng mga tagahanga sa Animezing North ngayong taon!


Giant Luffy

Isang 21-foot-tall na Giant Straw Hat Luffy mula sa Toei Animation Enterprises ang magiging sentro ng setup. Ang inflatable na ito ay naglilibot sa mga bansa tulad ng Japan, Hong Kong, at Malaysia; ngayon ay tiyak na mamamangha ang mga Pinoy One Piece fans sa unang pagkakataon na dumating ito dito sa Pilipinas.


ree

Photo walls

Ang lugar ng pag-setup ay puno ng limang kapana-panabik na mga photwalls mula sa mga iconic na eksena at mga character para tangkilikin ng mga tagahanga. Maaaring kuhanan ng mga tagahanga ang kanilang mga larawan sa loob ng Thousand Sunny, Pirates’ Wanted Posters, Pirate Flag, ang deck ng barko, at maging ang iba pang miyembro ng Straw Hat crew.




Exclusive One Piece Merchandise

Ang mga lisensyadong brand tulad ng Funtastik, Bilmola, Toy Kingdom, Havaianas, Geek PH, Filbar's, at CoolectZone ay magbebenta ng eksklusibong One Piece merchandise mula sa mga laruan, hanggang sa mga helmet, flip flops, at marami pang iba.




Ang Animezing North: One Piece ay tatagal ng 19 na araw simula Setyembre 20. Para sa karagdagang updates, tingnan ang official social media pages ng SM City North EDSA at ibahagi ang iyong mga kwento gamit ang hashtag na #OnePieceAtSMNorth.




 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 8, 2023


ree

Nakakaantig ang kuwentong ating ibabahagi ngayon, dahil siya lang naman ang asong nakasungkit ng titulong “Tallest living male dog” sa Guinness World Record na may taas ng 1.046 metro (3 ft 5.18 in).


Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi ang Great Dane na si Zeus, 3-taong gulang, na pagmamay-ari ni Brittany Davis na kasalukuyang nakatira sa Texas, USA.


Si Zeus ay na-diagnose na may bone cancer, at kinakailangan umanong putulin ang kanyang kanang paa. At siya ay isasailalim sa radiotherapy at chemotherapy.


Ayon kay Britanny, “kamakailan, nalaman namin na ang isang miyembro ng aming pamilya na si Zeus ay na-diagnose na may cancer. Siya ay naging tapat at naghahatid ng ‘di matatawarang kagalakan at kaaliwan sa amin”.


Noon pa umano gusto ni Brittany ang isang Great Dane at laking tuwa niya nang siya’y sorpresahin ng kanyang kapatid na si Garrett ng isang 8 weeks old na tuta. Si Zeus ang pinakamalaking tuta noon, at patuloy na lumaki.


Pagbabahagi pa ni Britanny sa isang video clip na kung saan katabi niya si Zeus sa sofa, napakatigas diumano ng ulo nito, at may pagkapilyo din minsan. Madalas din sabihin sa kanya ng mga tao na mas mukha na umanong kabayo si Zeus, ang iba naman ay nagbibiro pa na kung maaari raw ba nila itong sakyan. Pero, as a per furmom ‘di ito nakakatuwang pakinggan.


Sila ay patuloy na humihingi ng tulong upang sa pinakamahusay na beterinaryo maipagamot si Zeus.


Gagawin umano nila ang kanilang makakaya para mabigyan si Zeus ng pagkakataong lumaban, at maibigay ang medikal na atensyon na kinakailangan nito upang mapabuti ang kanyang sitwasyon.


Dahil umano rito, anumang kontribusyon, gaano man kalaki o kaliit, ay malaking bagay na raw para sa kapakanan ni Zeus.


Titiyakin umano ni Britanny na lahat ng donasyong kanilang matatanggap ay mapupunta sa gastusing pangmedikal ni Zeus.


Kahit sinong dog lover ay malulungkot sa kuwentong ibinahagi ni Britanny, akalain mo ‘yun?


Tatlong taong gulang palang si Zeus, ngunit nakakaranas na siya ng mga ganitong sakit, ang masaklap pa, kailangan nang putulin ang kanyang kanang paa.


Heartbreaking talaga ang ganitong kuwento, lalo na kung napamahal na talaga tayo sa ating mga alagang aso, at itinuring na natin sila bilang miyembro ng ating pamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page