- BULGAR
- Oct 11, 2023
ni Eli San Miguel (JT) @News | October 11, 2023

Nakipag-isang dibdib muli ang former beauty queen na si Maxine Medina kay Timmy Llana sa isang engrandeng beach wedding.
Ayon sa Instagram post ng “First Yaya” co-star ni Maxine na si Cai Cortez, ginanap ang kasalan sa Club Paradise, isang exclusive island resort sa Coron, Palawan.
Bumida ang ganda ng former beauty queen suot-suot ang isang sexy elegant gown. All-white outfit naman ang suot ng kanyang groom na si Timmy.
Ilan sa mga kilalang bisita ay ang cast members ng “First Lady” na sina Sanya Lopez, Cassy Legaspi, Thia Thomalla, Kakai Bautista, at Thou Reyes.
Opisyal na naging engaged sina Maxine at Timmy noong April 2022, matapos ang halos apat na taong pagdedeyt.
Bago ang beach wedding, ikinasal muna sina Maxine at Timmy noong ika-3 ng Oktubre sa Immaculate Heart of Mary sa Antipolo bilang pagbibigay respeto sa kahilingan ng kanilang mga magulang.
Ang second wedding sa beach ay ginanap bilang pagtupad sa dream ceremony nina Maxine at Timmy.










