top of page
Search

by Info @Brand Zone | November 24, 2023






Liquid blushes may have been popularized by celebrity beauty brands like Rare Beauty, but that doesn’t stop local brands from innovating and producing comparable dupes! Take this newest release from Ever Bilena!


Ever Bilena’s newest Pillow Pop Liquid Blush is so phat, literally and figuratively! Housed in the chunkiest component and doe-foot applicator you’ve ever seen; it contains a whopping 15ml of product and at only Php 275. It’s basically an unlimited amount for the kind of pigment it delivers with just one dot!


Apply it on your lids or cheeks, EB’s Pillow Pop Liquid Blush has a bouncy gel cream liquid consistency that blends like a dream—with bare fingers or with a brush! Some even like to apply it on their lips.


While just a dot is already more than sufficient to achieve your desired pop of color, its innovative hydrating formula is not difficult or intimidating to use. It’s buildable and does not cake, and works seamlessly under or over foundation!


It comes in four wearable shades. Namely, Raspberry - a rich berry, Fresno – a fresh watermelon pink, Rouge – a soft magenta, and Toast of New York – Ever Bilena’s signature color, a warm brick red. Infused with Hyaluronic Acid and Vitamin E, it provides a supple and dewy finish for that healthy pop of color!


Shop Ever Bilena Pillow Pop Liquid Blush online at Ever Bilena’s flagship stores on Shopee, Tiktok, and Lazada, or in stores at Watsons, SM Beauty Dept. Stores, Robinsons Dept. Stores, Landmark, Gaisano Group of Dept. Stores, and all other leading department stores nationwide!

 
 
  • BULGAR
  • Nov 17, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 17, 2023


ree

Hindi nagawang tanggihan ni Mark si Tonette (Maritoni) nang sabihin nitong du’n muna siya sa bahay na inuupahan nito. Sa tingin kasi niya ay kailangan nito ng kausap kaya makabubuti kung du’n muna siya.


“Hindi ka ba nalulungkot na wala kang asawa?” tanong sa kanya ni Tonette.


“Sino naman ang nagsabi sa iyo na wala akong asawa?”


Bigla siyang natigilan at sabay tanong na,“so, may asawa ka na?”


Dati, kapag may nagtatanong kay Mark kung mayroon na ba siyang asawa, ang lagi niyang sinasagot ay oo. Pero ngayon, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na umiling. Pakiramdam kasi niya ‘yun ang mas mabuti niyang gawin. Saka, hindi naman siya kasal kaya technically, wala talaga siyang asawa.


Ngumisi naman ito sabay sabing, “mabuti naman kung ganu’n.”


“Bakit mabuti?” kunwa’y nagtataka niyang tanong kahit alam naman niya ang sagot.


“Sa panahon kasi ngayon, badtrip ang pagkakaroon ng karelasyon, kaya mas maiging huwag ka na lang mag-dyowa. Tunay ngang masarap ang magmahal, pero napakasakit kapag niloko ka ng taong mahal na mahal mo at ipagpalit sa…” Marahas na buntong hininga ang pinawalan nito bago niya sabihin ang huling kataga na, “iba.”


“Broken hearted ka na ba?”


“Hindi pa nga ako nagkakaroon ng dyowa, eh! Kumbaga, no boyfriend since birth pa ako.”


Kumunot ang noo ni Mark sa sinabi nito. “Sa ganda mong ‘yan? Wala ka pang nabibihag?”


Bigay na bigay ang pagtawa ni Tonette, at kitang-kita sa kanya ang kaligayahan habang nagniningning ang kanyang mga mata.


“Huwag mo ‘kong bolahin. Baka maniwala ako sa’yo. Crush pa naman kita,” wika nito saka biglang natigilan.


Maski si Mark ay natigilan din. Hindi niya kasi akalain na makakarinig siya ng ganu’ng salita mula sa kanyang tenant.


Nang una niya kasing makita si Tonette, feeling niya masikreto itong tao. Ngunit, nang mapatingin siya sa kamay nito, naunawaan niya kung bakit nagkaroon ito ng lakas ng loob para sabihin ang kanyang nararamdaman. Mayroon nga pala itong hawak na lata ng alak dahilan para masabi niya ang nilalaman ng kanyang puso.


Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Nov 12, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 12, 2023


ree

“Ikaw ang uupa?” Pagkukumpirmang tanong ni Mark Ferrer sa kanya.


“Wala nang iba”, buong yabang niyang gustong sabihin. Ngunit, parang hindi niya mahagilap ang kanyang boses sa mga sandaling ‘yun. Ibinuka niya ang kanyang bibig pero walang anumang salita ang lumalabas dito. Kung kaya’t tumango na lamang siya.


“Kailan ka ba lilipat?” Tanong nito habang nakatitig sa kanya.


Para tuloy gusto niyang isipin na sobra itong nagagandahan sa kanya kaya ang uri ng titig na binibigay nito sa kanya ay sobrang lagkit. Kung malalaman lang ni chief ang kanyang ginagawa, tiyak na mababatukan na siya nito. Hindi naman kasi ganitong klaseng babae si Maritoni.


“Kahit ngayon na.”


“Pero, wala kang dalang gamit.”


“Kukunin ko pa lang.”


“Saan?”


Mabilis na gumana ang kanyang utak at sabay sabing “sa kaibigan ko.”


“Iniwan mo ang iyong gamit sa bahay ng kaibigan mo?” Anitong hindi makapaniwala.


“Oo,” wika niya.


Sa kauna-unahang pagkakataon tuloy ay nagkaroon siya ng pag-aalinlangan sa kanyang isinagot.


Kitang-kita kasi ang ginawang pagngiwi ni Mark na para bang mayroong ibang inaalala. Gusto niyang itanong na “bakit ba?” Pero, mas minabuti niya na lamang na ‘wag mag-react. Baka kasi sabihin nitong masyado siyang mapagpansin sa nagiging reaksyon nito.


“Kahit kaibigan mo ang isang tao, hindi ka dapat masyadong nagtitiwala. Kadalasan kasi sa mga taong madaling magtiwala ay naloloko,” buong kapaitang sabi nito.


“Salamat sa iyong payo,” nahagilap niyang sabihin.


“Kaya maraming napapahamak dahil sa mga taong madaling maniwala at magtiwala,” naiiling pa nitong sabi.


“Kilala ko naman kasi ang…”


“Pamilyar ka sa akin,” putol nito sa kanyang sasabihin. “Nagkita na ba tayo?”


Hindi agad siya nakakibo dahil titig na titig sa kanya si Mark na para bang walang ibang magandang nilalang kundi siya lamang. Ayan na naman tuloy ang puso niyang biglang bumilis sa pagpintig kaya gigil niyang sinabihan ang kanyang sarili na “Maritoni, ang misyon mo! Ang misyon mo ang intindihin mo. Huwag ang poging probinsyanong nasa harap mo. Tandaan mo, suspek ang kaharap mo!”


Itutuloy…





 
 
RECOMMENDED
bottom of page