ni Julie Bonifacio - @Winner | June 03, 2021

Nabakunahan na si Kris Aquino ng vaccine kontra sa COVID-19 virus and hopefully, pati sa umusbong na variants nito na sinasabing mas matindi ang epekto sa katawan ng tao.
Unlike other celebrities na ipino-post ang piktyur nila habang binabakunahan, si Kris ay prenteng nagpapiktyur kasama ang anak na si Bimby, si Atty. Gideon Peña and si Batangas Vice-Governor Mark Leviste.
Sa caption ni Kris, malalaman na tapos na siyang turukan ng kanyang first dose ng vaccine kasabay ni Atty. Gideon.
“@attygideon & I have both gotten our first doses of our vaccine. My doctors chose AstraZeneca as my safest option. But we are still masked and we’re all taking the necessary precautions (new cases reported today are still 5,177),” panimula ng caption ni Kris sa ipinost niyang piktyur on her socmed accounts.
Dahil sa pagpapabakuna ni Tetay, tila nakumbinse ang maraming netizens na nag-aalinlangan na magpaturok na rin ng vaccine.
“Thanks for posting this. At least people would have more confidence on the vaccine. Thanks for using your platform to educate and influence!”
“K. Tuloy na ang pa-vaccine namin ng asawa ko dahil naniniwala kami kay Madam Kris. Salamat.”
‘Yung ibang netizens, bumilib kay Kris dahil ‘di na siya naging choosy on what vaccine to take at mas nag-rely sa advice ng kanyang doktor.
“Omg!!! This is a big help for promotion of vaccine especially to those na feeling mayaman, ayaw ng Astra kasi gusto ng Pfizer at Moderna! Thanks Krissy, we’ll post this on FB!! This will be a big help to encourage the community!”
“Most of wealthy Asians fly to the US to get the vaccine Pfizer or Moderna... that’s what I heard.”
Sa second part ng caption ni Kris ay pinasalamatan naman niya si Vice-Governor Leviste dahil sa pagdalaw sa kanya.
At pagkatapos, pinayuhan na rin niya ang pulitiko na magpaturok na rin ng vaccine.
“Thank you for the visit & the food vice gov @markleviste, although I believe you should get your vaccine soonest because you’re not just protecting yourself, you must get your vaccine for the safety of your constituents, friends, family, and loved ones. Agree?”
Nag-reply naman si VG Leviste sa comment section ng IG post ni Tetay.
“Agree, Madame. Thanks!” sagot ni VG Leviste.
Kasunod nito ay pinag-match na ng mga netizens sina Kris at VG Leviste.
“@markleviste sa wakas!! Matagal mo nang hinahangaan si Ms. Kris, 'di ba? Yassss, natupad na din ma-meet.:"
“Sir Mark I think you and @krisaquino are going to be a good couple….if ever."
“Oh, my!! In the company of two admirers!?”
“Hala, Ms. Kris si Vice-Gov. ba ng Batangas (from Lipa po ako, hehe) or si Atty? Hehehe! Haba ng hair. Hehe! I love you, Ms. Kris.”
Aba, kapag nagkatuluyan sina Kris at VG Leviste, eh, may Star for All Seasons na ang Batangas, may Queen of All Media pa, ha?






