top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 07, 2021



ree

Dinagsa ng pagbati ang Kapamilya host na si Bianca Gonzales sa kanyang Instagram account pagkatapos ipaalam ang paglipat nila ng kanyang mister na si JC Intal at mga anak sa bago nilang bahay kamakailan.


Ipinasilip nina Bianca at JC ang ilang bahagi ng bago nilang bahay sa magkahiwalay na posts on theire respective Instagram account.


Naunang nag-post si JC sa kanyang IG account ng piktyur ng mga inupahang tagalinis ng bahay nila.


Bale, dalawang beses ipinalinis at ipina-disinfect ng mag-asawa ang bago nilang bahay.


“Excited na kaming lumipat! Thank you for cleaning our new home,” caption ni JC.


Si Bianca naman ay ipinost ang piktyur nila ni JC with daughters na sina Lucia at Carmen habang nakaupo sa sofa sa kanilang living room two days ago.


"Finally HOME! Beyond grateful!" maikling saad ni Gonzales sa caption.


Kabilang sa mga bumati sa kanyang IG Story ay ang mga nakasama niyang hosts sa Pinoy Big Brother na sina Toni Gonzaga and Mariel Rodriguez, Angelica Panganiban, Charo Santos, Ryan Agoncillo, Karen Davila, TV Patrol’s Bernadette Sembrano, Melai Cantiveros, Danica Sotto, Iya Villania at Angel Locsin.


“Beautiful,” sey ni Angelica.


“Yahoo! Congratulations Mr. and Mrs!” comment ni Ryan.


Pagbati ni Karen, “Awwww, so happy for you B love you!!!”


“Congratulations! I'm sure you will make beautiful memories,” mula naman kay Charo.


Mukhang malaki at malawak ang bagong bahay nina Bianca at JC. Parang museum ang dating ng bahay para sa ilang netizens dahil na rin sa naka-display na naglalakihang artworks ni JC.


Pagmamalaki pa ni Bianca sa socmed, parehong sold-out ang dalawang solo exhibits ni JC.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 05, 2021



ree

Sinubukan ni Jessy Mendiola na mag-live sa Facebook for the first time with the help of her hubby na si Luis Manzano kahapon.


Si Luis daw kasi ang mahilig mag-live sa FB. Tinawag tuloy ni Jessy si Luis bilang ‘King of Live.’


“Ay, oo nga, ‘noh? King of Live ka nga pati sa (TV) shows mo,” diin ni Jessy.


Inengganyo ng mag-asawang ‘HowHows’ ang kanilang mga viewers na mag-post ng question(s) para sa kanila.


Isa sa mga viewers ang tuwang-tuwa na nai-shout-out niya ang tungkol sa ipinagagawang bahay ni Luis sa Batangas.


Actually, matagal na rin naming nabalitaan ang tungkol sa ipinagagawang napakalaking bahay o mansion/resort.


Tanong ng viewer, “Kailan kayo magpapa-house tour sa ipinagagawa ninyong bahay sa tabi ng dagat?”


“'Yung bahay na ‘yun siguro, baka next year pa. Kasi, alam mo naman, mahirap kumilos ngayon. Pero nasa plano na rin talaga namin 'yun, ‘di ba?” sabay tanong ni Jessy kay Luis.


Naikuwento rin ni Jessy na iniligpit na niya ang kanyang mga gamit sa condo na tinirhan niya dati.


Apat na malalaking box daw ang nalagyan ng mga gamit ni Jessy. Nagbabalak siya na gawing giveaways ang mga ito sa kanyang mga YouTube subscribers and followers sa iba pa niyang socmed accounts.


O, ‘di kaya naman daw ay ibebenta niya at ang mapagbibilhan ay ido-donate ni Jessy sa isang charity.


Samantala, napunta rin ang usapan ng mag-“HowHow” tungkol sa favorite food ng kanilang mga viewers during Jessy’s Facebook live na umabot sa mahigit 4K.


May nag-comment na viewer na favorite niya ang puso ng saging. Gusto rin daw ito ni Jessy.


“Feeling ko, kung buntis ako, mapaglilihian ko ‘yun, lalo na ‘yung may gata. Tapos, ‘yung medyo may pagkamaanghang at mainit na kanin,” tatakam-takam na sagot ni Jessy.


Pero si Luis, inaming hindi mahilig sa puso ng saging or anything na may gata.


Ganern!

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 04, 2021



ree

Tila sang-ayon ang Magandang Buhay host na si Karla Estrada sa naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno ukol sa suhestiyon nitong pagtigil na sa paggamit ng face shield.


Ini-repost kasi ni Momshie Karla sa kanyang Instagram account ang piktyur ni Mayor Isko with matching quotes nito.


Ang naturang quotes ni Mayor Isko ay ang magkasunod na tweets niya sa kanyang Twitter kahapon na: “Dapat ipatigil na ang pag-require ng face shield sa general population at gamitin na lamang sa ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng taumbayan.


“Tayo na lang ata sa buong mundo ang nagre-require ng face shield sa kalsada. Dapat pag-isipan ulit ito. Marami na tayong natutunan. We should adjust.”


Sandamakmak na netizens ang naglabas din ng kani-kanyang opinyon ng pagsang-ayon kay Mayor Isko, bagama’t nagbigay na rin ng pahayag si DOH Secretary Duque na ‘di pa rin puwedeng hindi magsuot ng face shield ang mga Pinoy.


Isa sa mga nag-post ng kanyang comment bilang pagsang-ayon sa IG story ni Momshie Karla ay ang kaibigan at ka-batch niya noon sa Regal Films na si Jackie Forster.


Pero, meron din ang nag-disagree sa IG post ni Momshie Karla.


“I don’t agree. Philippines has low rate of people getting vaccinated. So face shield, face mask should still be required.”


And speaking of Mayor Isko, isa siya sa mga nabalitang magiging presidentiable next election.

Matuloy kaya ang balitang ito ngayong kumpirmado na raw ang pagtakbo next year bilang presidente ni Presidential Daughter and Davao Mayor Sara Duterte?


If true, natural lang daw na si Mayor Sara ang susuportahan ni Presidente Digong more than any other candidates, kahit na siguro kapartido pa niya sa PDP-Laban.


Say naman ng ibang showbiz kibitzers, mukhang mahihirapan si Mayor Isko na manalo kapag natuloy ang planong tumakbo bilang presidente sa 2022.


Dagdag pa nila, natalo na raw si Mayor Isko nu’ng tumakbo bilang senador, kaya tiyak na mas mahihirapan siyang manalo kapag pagka-presidente pa ang kanyang papasukin next election.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page