top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 10, 2021



ree

Nanahimik ang Kapamilya actress na si Angel Locsin after ng controversial na community pantry na in-organize niya during her birthday last April. Bagama't paminsan-minsan ay may ipino-post siya sa kanyang socmed account na mga sinusuportahan at tinutulungan niyang iba’t ibang non-government organizations.


Sa pananahimik ni Angel sa socmed, na-feel namin na malamang, may pinagkaka-busy-han na personal ang aktres.


True enough, sa recent post ni Angel sa kanyang socmed ay naglabas siya ng latest niyang hitsura at set meal na kakainin niya.


Nagsimula nang mag-diet si Angel. It’s about time na mag-lose ng weight ang aktres lalo na’t malapit na ang kasal nila ng fiancè niyang si Neil Arce.


Dapat talaga na mas mag-focus na muna si Angel sa kanyang personal life at pagtuunan naman ng panahon ang paghahanda sa kanyang wedding.


Pansin agad ng netizen ang pagpayat ng mukha ni Angel sa ipinost niyang merchandise mula sa isang private organization na ang kikitain ay pansuporta sa mga estudyante ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) na nahihirapan sa cost ng home-based learning.


“Payat na si MYLABS,” comment ng netizen sa IG post ni Angel habang suot ang maroon t-shirt at face mask na may ‘UPIS The Best’ design.


Sa magkahiwalay na IG story ni Angel, ipinasilip niya ang kanyang “diet meal” for that day.


Humiling din ng dasal si Angel na makayanan niya ang pagda-diet na gagawin niya.


“Kaya 'yan, Ms. @143redangel! Sabayan na kita!"


“Go, Idol. Kaya 'yan!! #foryourself #notforanybodyelse


“Eeeeeeeeee excited for her balik-alindog.”


“Good luck Darna, kaya mo 'yan.”


But as usual, may mga negative remarks pa rin ang ibang netizens sa pagda-diet ni Angel.


“Pakialam namin sa pagda-diet mo? Inaantay namin ang pagkondena mo sa pagpatay ng NPA sa estudyante kahapon. Balyena!”


“Push! May pera ka naman, get a nutritionist/dietitian, professional trainer na rin.”


Kinuyog naman ng mga followers/supporters ni Angel ang netizen na nag-comment ng ganito, “Too late for that.”


“Wahahahah nauna ka pa talagang basher ka. Samantalang 99% sa amin dito, eh, masaya.”


“Bakit naman too late? Ang nega mo naman .”


“Never too late for anything, for anyone.”


True.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 09, 2021



ree

Nagmukhang flower shop ang loob ng condo ni Kris Aquino dahil sa pinakyaw niyang iba’t ibang kulay ng mamahaling imported roses.


Ibinida ni Kris ang iba’t ibang roses na nasa condo niya gaya ng ecuador/boulevard cream and pink roses, pride/rainbow, meron ding tinatawag na vogart at novia na super favorite ng ina ni Bimby.


Plano kasi nu’ng una ni Kris na magpaturo ng flower arrangement from the owner and staff sa kanyang latest favorite flower shop na nasa ibaba lang ng condo niya.


Pero na-realize ni Kris na huwag na siyang mangarap mag-aral ng flower arrangement.


“I-dream ko na lang. Parang I can visualized pero parang I don’t have the patience for it,” natatawang sabi ni Kris.


May hugot naman si Kris sa mga bulaklak na dapat ay fresh ipinapadala sa mga reregaluhan.


“Just like love, right? Love should be fresh. Hahaha! Naluluma ang love! And then, namamatay, nalalanta, yes! Sumusuko minsan ang love.”


Nagpaliwanag naman si Kris sa kanyang anak na si Bimby kung bakit sila nag-a-arrange ng flowers.


“We’re fixing flowers because it relaxes me, and I’m sad,” sabi ni Kris kay Bimby.


Ilang beses nagparinig si Kris about her love life. Nand'yang ibida niya na may nagregalo sa kanya ng bracelet na para raw pang-attract ng love. Pero mukhang 'di raw effective sa kanya dahil until now, wala pa siyang love life.


Plano tuloy ni Kris na magtayo ng sarili niyang flower shop dahil na-inspire siya sa love story ng may-ari ng latest fave flower shop niya na si Sheryl. Nakilala raw kasi ni Sheryl ang boyfriend niya sa kanyang flower shop.


“'Yung boyfriend mo, wala (bang) friend? Baka may uncle,” tanong ni Kris kay Sheryl.


Natuwa naman si Kris nu’ng sinabi ni Sheryl na marami siyang uncle.


At walang kaabug-abog ay binanggit ni Kris ang nalalapit na paglipat niya ulit sa bago niyang titirhan.


“And yes, we are moving soon. How soon? Surprise!”


So, there! We wonder kung pang-ilang bahay na ni Kris ang lilipatan nila soon.

 
 

TINAWAG NA CHEAP AT PAPANSIN.


ni Julie Bonifacio - @Winner | June 08, 2021



ree

In bad taste para sa ibang netizens ang ginawang memes ni Nadine Lustre sa kanyang piktyur na nakasuot ng white two-piece-skimpy bikini with matching white long sleeves-turtle neck mesh-fabric top.


Nakataas ang isang kamay ni Nadine hawak ang nakatayong buhok niya, naka-pamewang naman ang isa pa niyang kamay at nakaliyad nang bahagya ang posisyon ng ex-girlfriend ni James Reid.


Nakahiga sa sahig ang unang meme ni Nadine sa piktyur niya na naka-post sa kanyang socmed account habang mina-mop ang sahig sa likod ng aktres.


Nakasakay sa tumatakbong kabayo ang isa pang meme ni Nadine sa larawan niya.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens…


“Meme na lang, masagwa pang tingnan. Girl, tigilan mo na 'yan. Next!”

“Ang cheap tingnan.”


“Attention seeker na din...”


“Wawa naman. Anyways, bakit kaya hindi na lang siya mag-vlog?”


“Baka feeling niya, she's too alta to vlog.”


May mga netizens ang nagtanggol kay Nadine.


“Bakit kailangang magsabi pa na “masagwa”? May ginawa ba 'yung tao sa 'yo? I don’t understand where your hate is coming from to spew hate to other people. Nagtatrabaho 'yung tao, nag-share ng meme, tapos kung makaalipusta ka, akala mo, ninakawan ka.”


“Never siyang nag-feeling na alta, ikaw lang ang may isip na ganu'n.”


“How I wish Nadine could go back to making movies or teleserye. Hindi na siya nakatali sa love team ngayon. Sana, ngayon siya makapag-explore sa pag-arte with different leading men. She may have appearances or photoshoots here and there, pero iba pa rin 'pag nakikita siya regularly. Sayang kung mawawala na lang siya bigla. Is it because hindi siya makapag-negotiate due to her contract issues with Viva?”


Sa ibang post ni Nadine sa kanyang Instagram couple of days ago ay may larawan siya na nakatalikod at nakaupong mag-isa sa buhangin malapit sa dagat.


Caption ni Nadine sa kanyang IG post, “Promise everything gon’be alright.”


Pansin namin sa comment section na ipinost ni Maja Salvador ang “100.”


Hindi tuloy namin mapigilang magduda na baka inalok o nakuha na rin ni Ms. M (tawag ngayon kay Maja sa showbiz) si Nadine bilang isa sa mga artista niya sa bago niyang talent management.

If that’s the case, parang nakikini-kinita namin ang pagsasama ni Nadine at ng “comebacking” actor na si John Lloyd Cruz sa isang proyekto.


Parehong magaling at award-winning actors sina John Lloyd at Nadine, kaya nakaka-excite na mapanood ang tagisan ng aktingan nila on screen.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page