top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 15, 2021



ree

Nag-bonding ulit ang It’s Showtime hosts sa magarbong bahay ng kasama nila sa show na si Vice Ganda.


Sa latest Instagram story ng isa sa mga hosts ng Kapamilya noontime show at band lead singer na si Teddy Corpuz, makikita ang masayang bonding ng It’s Showtime family sa glass walled swimming pool sa bahay ni Vice.


“Fambonding” ang caption na inilagay ni Teddy sa kanyang IG post kahapon.


Bukod kay Teddy, kasama rin sa “fambonding” ng It’s Showtime sina Chinita Princess Kim Chiu, Jugs Jugueta and wife, at si Vhong Navarro.


Haping-happy naman si Vice na makasama ang kanyang It’s Showtime family, with Ion Perez, sa kabila ng pinagdaraanang karamdaman nito.


Ang It's Showtime ay napapanood mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali sa A2Z Channel 11 and digitalized Channel 20, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.



 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 14, 2021



ree

Umamin na ang international singer/actor at American Idol 7th Season grand finalist na si David Archuleta sa kanyang socmed accounts kahapon na kabilang siya sa LGBTQIA+ community.


In fact, mabilis na nag-top trending sa Twitter ang mahaba-habang mensahe na ini-repost ni David mula sa kanyang Instagram account na nilagyan niya ng caption na: “Sharing my thoughts.


“You can be part of the LGBTQIA+ community and still believe in God and His gospel plan.


“I like to keep to myself but also thought this was important to share because I know so many other people from religious upbringings feels the same way. I’ve been open to myself and my close family for some years now that I am not sure about my own sexuality,” panimula ni David sa caption on his IG post ng kanyang larawan.


Ini-reveal din ni David na nag-come-out na raw siya sa kanyang pamilya na isa siyang gay noong 2014 pa. Pero may mga pagkakataon daw na may napi-feel siya for both genders. Kaya duda ni David, may pagka-bisexual daw siya.


“Then I also have learned I don’t have too much sexual desires and urges as most people which works I guess because I have a commitment to save myself until marriage. Which people call asexual when they don’t experience sexual urges.


“There are people experiencing the same feelings of being LGBTQIA+, (I know that’s a lot of letters that a lot of people don’t understand, but there are a lot of unique experiences people feel and live that make them feel isolated and alone that are represented) who are wrestling to follow their beliefs that are so important to them, just as I have,” sabi pa ni David.


Maging si David ay wala rin daw alam na sagot sa mga tanong tungkol dito. Basta ang nais lang niya ay unawain at magkaroon ng compassion sa mga katulad niyang dumaranas ng ganitong sitwasyon.


“I think we can do better as people of faith and Christians, including Latter-day Saints, to listen more to the wrestle between being LGBTQIA+ and a person of faith.


“There are more than you may realize going through that wrestle after all the misunderstandings that come with it.


“I don’t think it should come down to feeling you have to accept one or the other.”


Para matagpuan daw ang kapayapaan, kailangang tanggapin ang reality ng mga na-experience niya and who made him.


“I’ve yet to figure out what that means but I appreciate you listening to this personal matter.


“Again, I don’t feel comfortable sharing it, but felt I needed to bring more awareness to people in my same situation and let you know you’re not alone.


“You can be part of the LGBTQIA+ community and still believe in God and His gospel plan…. For people who don’t really understand how feelings outside of just being heterosexual can be possible and ok. I just plead that you be more understanding to people who experience and struggle with things that you may not experience and understand yourself.”


Nagpakita naman ng pagmamahal at suporta kay David ang winner sa American Idol 7th Season na si David Cook.


“Love you, man, and so proud of who you are,” comment ni Cook.


Ang sweet naman ni David Cook. Tanda pa namin nu’ng time nila sa AI7, grabe ang naging labanan nila, ha? At parehong dagsa ang kanilang mga supporters.


Nu’ng nagkaroon ng concert ang lahat ng grand finalists sa AI7 dito sa ‘Pinas, ang hapi-hapi namin kasi nagkaroon kami ng chance na mapanood ang dalawang “Davids.”

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 12, 2021



ree

Nagpapagawa na ng bahay ang soon-to-be-wed celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce. Ito ang ibinunyag ni Angel during her interview sa ineendorsong beauty clinic.


Last week lang in-upload ang video ni Angel nu’ng binisita niya ang beauty clinic ng famous celeb surgeon na si Dra. Aivee Teo.


Tapos nang magpa-treat si Angel sa video at nagkukuwentuhan na lamang sila ni Dr. Aivee para ihatid ang Kapamilya actress palabas.


Mahigit isang minuto lang ang video pero na-reveal na naumpisahan na ang bahay na titirhan nina Angel at Neil pagkatapos ng kanilang kasal.


Mukhang klaro na wala nang makakapigil pa sa couple na ituloy na finally ang naudlot na wedding sana nila last year.


“Mag-isa lang sa bahay, parang… so, bahay-bahayan. Ang saya lang. Pero nagko-compromise naman kami. Kay Neil naman kasi, parang kung ano ‘yung gusto niya, gusto ko rin. Sana naman, gusto rin niya ‘yung mga gusto ko. Pero nage-gets niya,” panimulang tsika ni Angel kay Dr. Aivee.


Pagpapatuloy pa ni Angel, “(Pero) Hindi niya nage-gets ‘yung gusto kong magkaroon ng closet for the broom. Hindi niya naiintindihan ‘yun. Kokontian ko na lang ‘yung case kasi kailangan ko nang mag-compromise. Kasi gusto ko talaga ‘yung broom closet.”


Tinanong si Angel ng beauty expert kung priority niya talaga ang broom closet sa ipinapatayo nilang bahay ni Neil.


“'Yun ang una kong ipinagawa, promise, kesa sa kitchen ko,” sabay tawa ni Angel.


Habang nagtsitsikahan ang Kapamilya actress at ang beauty surgeon, maririnig sa video ang boses ni Neil na sumasali rin sa usapan.


Hindi lang pala sa pagda-diet niya busy si Angel, huh? At least, focus na talaga si Angel sa kanyang paglagay sa tahimik with Neil this year.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page